Serpentina tea naman ako this morning. Naka 2 weeks na din ako sa oregano tea. Try ko naman ang serpentina ngayon. According to google mainam sya para maiwasan ang insomnia. Medyo hindi maganda ang sleeping habits ko. Madalas yung nakahiga ka ng matagal pero hindi agad makatulog kahit nakakaramdam na ng antok. Minsan kapag nakaramdam ka na kailangan mo mag cr in between your heavy sleep mahirap na din bumalik sa pagtulog. Kaya try ko naman ang serpentina. Mainam din daw sa…
@jhunpmelchor in September 2021
This is it. #Serpentina tea good luck to me ahaha. 3 leaves lang po ginamit ko kasi sobrang pait talaga nya. Mas mangunguya ko ng hilaw ang dahon ng ampalaya kaysa sa serpentina tea. Kumakapit kasi sa lalamunan ang lasa ng pait ng serpentina kahit uminom ka ng tubig. Medyo nananakit ang balakang ng tatang nyo kaya iinom ako nito ahahaha. Magandang umaga po. #stayhome #staysafe
Mukhang hindi na kapanipaniwala ang isang tawag ka lang ng eat bulaga. Hindi pa man natatapos ang numbers na tatawagan kahit apat na number pa ang kulang may nakakahula agad ahahaha. Sa million combination ng numero sobrang hirap talaga. Kung sa huweteng nga eh dalawang numbers lang mahirap na manalo sa numero pa kaya ng telepono ahaha.
Sobrang babaw talaga ng luha ko kapag nakakapanood ako ng good deeds ng mga tao sa kanilang kapwa. Kahit idinadaan sa prank basta ang kapalit malaking tulong sa naprank nila. I attached here the link below para mapanood nyo. Kahit ano kahit hindi prank...kahit mga short stories na about helping other people talagang natatouch ako. Hindi mapigilan na tumulo ang luha ko. Kaya tuwing nanonood ako ng ganon may katabi agad akong tissue ahahaha. Guys panoodin nyo na lang para…
8 pendings sa moderation need for approval kaka-approved lang po ahahaha. Pasensya na ngayon lang nakadaan. Nalibang ako manood ng mga pranks on youtube kaya hindi na halos maharap ang moderation. Bale po kasi may 2 channels din ako... and inassign ako ng admin ng Pinoy Tambayan para mag moderator din. Meron pa din palang dalawa na channels pa na ginawa din akong moderator kaya pag may time talagang sinisilip ko. Nakahahiya masyado kapag masyadong late na na approve tulad…
Maulang gabi na naman dito sa amin kaya medyo dumagdag sa papalamig na panahon. Hindi naman sya malakas...ang tawag ng iba ulambon kasi parang ambon lang na malalaki ang patak. Mag umpisa na nga din ako magluto ng uulamin ko. Pakita ko mamaya sa inyo kung ano. Tipid ulam kung wala ka maisip pero with a twist. Ituturo ko na din mamaya kung paano ko ginawa. Hindi ko alam kung may iba na gumagawa ng recipe ko pero matagal ko na po yun niluluto. Naging paborito din kasi ng anak…
My tipid ulam for tonight. Adobong kikiam. Ang ating ugaling gawing mirienda gawan lang ng twist at pwede ng ulam. Guys talagang tinuyo ko at walang sabaw para mas kumapit ang lasa. Dati nung nag share ako nito sa fb akala nila pusit. Madali lang po siyang gawin. Mag gisa lang po ng bawang at sibuyas in very low heat para hindi masunog. Habang hindi pa masyadong luto ang bawang at sibuyas ilagay na ang kikiam at haluin hanggang umalsa ang kikiam. kung luto na ang kikiam…
Mga tambay kaninang umaga sa kabilang kalsada. Nagulat yung may ari ng repair shop sa kabilang bahay kasi nagkalat ang kanilang basura. Hindi ko din agad napansin dahil yung mga nakasakong kalakal din nila nakakalat pala sa harap ng tindahan ko. Ang akala kung sino ang nagkalkal. Nahuli lang ang mga salarin dahil nag iwan ng poop nila na malalaki ahaha. Nakalimutan ko lang i share ito kaninang umaga at dahil wala na akong maisip na topic ngayon bago mag sign off ito ang…
New day...new beginning. Thank you Lord for waking me up again this morning. Happy Thursday guys. Ang bilis talaga ng araw. Malapit na naman ang weekends parang di man lang tayo naiinip sa pagdaan ng panahon. Mas maiinip ka pa sa pag gawa ng content kasi kahirap mag isip lalo kakagising mo pa lang ahaha. Halukay sa album para may maiattach na picture para mapansin. Itong picture ng lumot na lang ang inattach ko kasi napapanahon. Kumakapal talaga ang lumot sa semento na lagi…
Good morning kamema. Pupunta lang po ako ng palengke bibili ng ulam at tinapay. Titingin na din ng kakanin pang mirienda. Medyo late na ko mamalengke kasi tinapos ko pa ibang gawain dito sa bahay. Marami pa namang sariwa sa oras na 'to. Hindi naman kasi matao sa palengke dito sa amin hindi tulad sa ibang bayan na nagsisiksikan. Halos karamihan kasi dito sa lugar namin may tanim sa bakuran. Kami kasi palay ang itinatanim namin sa bukid namin. Nagpapaararo lang din kasi wala…
What's up guys....kakauwi lang po galing palengke. Heto ako ngayon nagpapalamig muna sa loob ng ref ang init sa labas ahahaha. Umpisahan ko na po muna ang mga dapat asikasuhin. Smile po lagi tayo. Sabi nga nung isang friend natin dito mukha lang ako 45 kasi lagi ako nakangiti. Malaki po ibinabawas sa edad ng mga taong laging masaya kahit ano pa man ang estado sa buhay. Smile lang po palagi kahit gaano pa kalaki ang problema ng mundo. Hayaan nyo lang ang problema ang…
Mga kamema magandang tanghali sa inyo. Ito po yung nabili kong kakanin kanina for mirienda kaso hindi ko nabawasan kanina. Malapit na kasi mananghalian nung nakabalik ako kaya nagkape na lang ako habang nagluluto ng lunch. Mabigat kasi sa tiyan yan kaya hindi ko na kinain. Mamaya mirienda ko na lang lalantakan ahahaha.
Guys naalala ko lang itanong baka kasi malimutan ko pa. Mahirap din kasi mag isip ng content kaya itatype ko na ahaha. Medyo sa tagal ko na din nagnonoise halos nauubusan na ako ng sasabihin. Kaya kahit sa mga comments hindi na ako halos makareply. Ang tanong ko...kayo din ba ganoon din? Okay lang ba sa inyo na hindi narereplyan ang mga comments nyo? Kasi minsan ang nasa isip ko baka kaya nagtatampo na yung mga nagcocomment sa content ko pero pinupusuan ko lang. Sabagay…
Sleepless Night Good day guys. I have an important topic that I want to share with you. This topic is important to me also that's why I search on google what is the best remedy to my sleeping habit. Do you know guys? When I sleep early at night, I always woke up in the middle of the night and can't go back to sleep again. I tried many ways to solve this sleeping problem. I watched many tutorials on Youtube to improve my sleep. I tried drinking milk before going to sleep.…
Guys good afternoon. Finally, I published my first full article in read.cash. Sana po mabisita nyo. Bale pang 3 article ko na yata pero yung dalawang nauna short content lang. Pero itong bago ngayon ko lang po ginawa. Ngayon ko lang din natutunan kung paano mag insert ng photos and mag publish ng full article. Hindi ko akalain na magagawa ko in one sitting lang ang article na 'to. Sana po ay mabasa nyo. Sleepless Night po ang title nya. It's all about my sleeping habit na…
Biglang buhos ng malakas na ulan. Kumukulog pa. Ramdam mo sa tinutuntungan yun kinig kapag kumukulog. Makapagkape nga... bigla din kasi akong nanlamig tulad ng naramdaman ko kay ex mula ng iwan nya 'ko ahahaha. Hugot pa more ahahaha. Magandang hapon kamema.
Noisemates....inaantok na ako. Hindi ko din kaya sundin yung topic ko sa read.cash article ko...na kapag adult dapat matulog ng between 10 and 11pm pero antok na din ako kasi nagigising ako sa madaling araw kaya parang kulang din ang tulog ko. Pero advisable naman daw sa adult na matulog ng 10pm to 4am nasa body clock na daw kasi yun. Pero dahil malamig ang panahon parang hindi ko na sya susundin ahahaha. Kung hindi nyo pa po nabasa eto po ang link…
Happy Friday morning guys. Unang blessing na natanggap ko today ay ginising ako ni Lord. Every gising is a blessing, thank you Lord. At may kasunod agad dahil may nakita ako sa aking read.cash na unang upvote from @IamAshrone ...thank you kababayan. Sana maka create ulit ako ng article sa read.cash... Medyo nangangapa pa kasi ako kung paano ang tamang pag gawa ng article. Hindi ko pa din ma edit ang aking ewallet sa read medyo nalilito pa din talaga ako. Hindi ko din mai…
Good morning kamema. Kakabukas ko lang ng tindahan ko...medyo tanghali na din. Ganon po ako lagi. Tinatapos ko muna mga gawain ko bago ako magbukas. Ito po yung gumamela ko na nakatanim sa harap ng bahay na natabunan dati ng serpentina. Mabilis po kasi lumago ang serpentina lalo pag tag ulan kaya natabingan nya yung ibang halaman. Nung binunot ko yung iba lumitaw na ang gumamela. Mababa pa kasi yan kakatanim lang ng dalawang buwan o tatlong buwan yata. Nakahinga na ang…
Nakakatawa...yung pakwan na matagal kong hinintay na mahinog may nakakuha ng iba ahaha. Kaninang umaga sinilip ko pa tapos dinagdagan ko ng tuyong damo para hindi makita ng dumadaan. Nung may nagpapicture sa akin na magbubukid tinanong ko pa kung paano malalaman na hinog na ang pakwan. Nung sinilip ng costumer ko wala na pala ahaha. Hayaan na nga...baka mas kailangan nung kumuha. Sana makabusog sa kanila.
Magandang hapon mga katambay. Hindi ako masyado makatambay ngayon kasi pilit kong nirerevise yung isang content ko na hindi maganda ang tunog ng english ahaha. Aayusin ko lang muna at lalagyan ng pictures. Para po yun sa read.cash. Nakakatuwa din palang gumawa ng article para kang nag aaral. Maraming natutunan pati pag insert ng mga photos. Pag talagang sanay na ko pipilitin ko na kahit isang beses sa isang linggo eh makagawa ng article. Pati english comprehension narereview…
Single Dad Parenting (Am I right or am I wrong?) Before I proceed to my topic, I want to introduce myself. I have been a single dad since my only son was only two years old. I have had a mini-store and a computer shop before, and that is my source of income. The income was not as good as you expected because we are in a remote area. My wife and I had separated for a long time. As I was scrolling through Facebook, I saw a video post about parenting, and I watched it. I became…
https://read.cash/@jhunpmelchor/single-dad-parenting-f4e4fc9c Magandang maulang hapon noisemates. Kakatapos ko lang po iupload ang aking 2nd article sa read.cash. Dating content ko na po yan pero short content lang yung una. Delete ko na lang yung una kaso error 404 pa kaya hindi ko pa mabura. Medyo ginalingan ko na ang english ko jan sa bago ahahaha. Yung una kasi inaaral ko pa kaya kung ano na lang ang masabi. Sana po mabisita nyo ang bagong article ko sa read.cash.…
Gabi na naman mga katambay. Need to prepare dinner na. Buti na lang ready na ang ulam ko. Leftover kaninang tanghalian. Pero sa dami ng mga pagkain na nakita ko dito sa noise.cash lalo na ang pizza nag crave ako kaso walang malapit na mabibilhan. Sana next week makapunta ng Cabanatuan...makapag take-out kahit man lang ng takoyaki. Hindi ko kasi mauubos ang isang box na pizza. Ayaw ko naman bumili ng solo size puro tinapay lang ahaha. Sige po mga katambay magsasarado na din…
https://read.cash/@jhunpmelchor/single-dad-parenting-f4e4fc9c Mga kaingay magandang maulang gabi po sa lahat. Naka attached na naman dito yung link ko sa read.cash ahahaha. Matututulog na po kasi ako kasi medyo napiga ang utak ko kanina sa pag gawa ng aking article kaya ipapahinga ko na muna ahaha. Malamig din kasi ang panahon masarap matulog. Goodnight na po sa lahat. See you again tomorrow. Ingat po palagi. Lord salamat po muli sa lahat ng blessings. Salamat din po dahil…
Happy weekend everyone. Magandang umaga po sa lahat. Have a great labaday ahead to all if us ahaha. Tinanghali na ako mag signing on kasi ang tagal ko nakatulog kanina madaling araw nung nagising ako ng 1am kaya sinulit ko na ang higaan. Kakabangon ko lang din at nagpapakulo pa lang ng tubig para sa kape. Nag chat na nga ang anak ko papunta sa kasal ng kaibigan nya. Isa kasi sya sa abay. Dati maaga pa lang bago sya pumasok ng trabaho nabati ko na ng good morning pero ngayon…
Magandang umaga mga katambay. Nakapag almusal na ba kayo? Ako ngayon pa lang. Nagpapainit pa ko ng pandesal sa tipid kuryente oven ko ahahaha. Masarap kasi kapag medyo mainit ang tinapay. Magastos sa kuryente kung sa oven ko pa yan ilalagay. Tyaga na lang sa pagbiling ng wag masunog ahaha. Tara po kape tayo. Ingat po palagi.
Done with my once a week exercise. Pero minsan wala ahaha. Nakaramdam na ko ng hilo kaya huminto na ko sa ginagawa ko. Pero hindi pa tapos ang workout maglalaba pa ko ahaha. Nakapagpaligo na din pala ako ng pets. Pati oras di ko na napansin. Magluluto pa pala. Pahinga lang ako saglit at magkakape muna tapos maliligo na muna bago maglaba para pati itong pinagpawisan na suot maisama na sa labahin. Magandang umaga po mga kaingay. Keep safe always.
Let's celebrate...Happy 2000 po. Maraming salamat sa inyo guys. God Bless you all. Parang ang post ko lang dati happy 500 tapos biglang dami. Maraming maraming salamat po sa mga suporta. Magandang umaga po sa lahat.
Kamema kain po tayo. Simpleng ginisang corned beef na hinaluan ko ng tofu...masarap pala. Yung isang lata ng corned beef napadami ko pa. May pang dinner na din ako mamaya kasi marami pa natira. Nilagyan ko din ng oyster sauce at siling panigang pampadagdag lasa kaya mas sumarap talaga dahil may kaunting anghang din. Tara po kain na.
Sobrang nagulat ako sa isang writer sa read.cash. In just 1month kumita sya 2K$ sa isang article nya. Kung magaling lang talaga akong magsulat malamang seryosohin ko na din ang read.cash. Yung article ko kasi na sinubmit ko sa isang channel untli now hindi pa din approve buti na lang hindi tulad dito sa noise.cash na kapag hindi pa na-approve ng moderator hindi mo pa makikita. Sa read.cash kasi basta na publish mo na makikita na din ng iba. Mahirap din mag isip ng topic sa…
May bigla akong na miss na dati kong ginagawa. Dati isa ito sa paraan ng pagpapawis ko. Kasi mahirap din maghalo ng dishwashing liquid. Napagkakitaan ko din ito during this pandemic. Nung hindi pa masyadong mahigpit sa paglabas nakapagdedeliver pa ko nito sa mga kaibigan na nag oorder sa akin. Kahit free delivery pa basta sabay sabay ang order hinahatid ko ng libre basta along the way or iisa ng lugar. Medyo tumigil kasi muna ako sa pag gawa kasi marami na ang murang…
A Blessed Sunday to everyone. Maaga akong ginising ni Lord ngayong umaga para magsimba. Maraming salamat Lord sa bagong umaga na puno ng pag-asa. Nawa po ay pagpalain Mo ang bawat isa na nagbabasa nito at bigyan ng kalakasan ng katawan at ilayo sa lahat ng kapahamakan at anumang karamdaman. Amen. Happy Sunday po noisemates. Tara na pong magkape at gumayak na para magsimba. Medyo malungkot ang buwan na 'to sa aming parokya kasi huling buwan na ng pagsisilbi ng aming kura…
Good morning po mga katambay. A Blessed Sunday po sa lahat. Sisimba po muna ako at mamamalengke na din pagkatapos ng misa. Happy 600 na po pala tayo dito sa ating tambayan. Dati 11 lang nung gustong mag celebrate ni admin...pero heto na tayo papadami na. Sige po yun lang. Magandang umaga po sa lahat. Ingat po palagi. God Bless us all.
Magandang umaga po muli mga kaingay. Nakabalik na po ako ng bahay galing simbahan. Nagpagupit pala muna ko bago dumaan ng palengke. Pagdating ng bahay inasikaso ko na ang mga dapat unahin lalo na ang isda. Kasi nangungulit ang mga pusa ko sa naamoy nila kaya dapat linisin at timplahan na at itago sa freezer baka maunahan pa ko ahaha. Medyo late na din ang mirienda ko...hindi na nga dapat ako magmimirienda kasi malapit na mananghalian kaso nagugutom na ko. Kape at isang…
Nung unang panahon...mapakaluma naman ng ng words...unang panahon talaga ahaha. Nung araw na hindi uso na tinitimbang ang saging lagi ko pinipili yung may mga kambal kasi isa lang ang bilang nya pag bumili ka. Pero ngayon pati tangkay kasama na sa timbang. Isang saging din halos yung pinaka buwig nya. Kapag isang piling kasi nandoon pa yung kinakapitan ng mga saging na halos malaki pa sa isang pirasong saging ahaha. Inabutan nyo pa ba na binibilang lang kung ilang piraso…
Nakahanap na ko ng ibang flavor ng #catfood dixie yata ang brand nito. Sayang lang kasi ang pera ko sa unang pagkain nila ang dami natitira. Pag kasi nakain na nila minsan hindi na nila binabalikan yung naiwan parang si ex ahaha. Aamuyin lang nila yung pagkain kaya itinatapon ko na lang. Itong dixie gustong gusto nila...ang dami kasing puso parang si noise.cash ahaha.
Kaninang umaga sa loob ng simbahan...pagkatapos ng homily ni father may pumasok sa isip ko na magandang gawing topic sa article. Maganda ang mga laman ng sinabi kasi ni father kanina, about sa taong hindi nakakarinig. Kapag ang tao hindi nakakarinig hindi din nya nabibigkas ng tama ang mga salita. Pero paglabas ko ng simbahan hindi ko na alam ang topic na nasa isip ko. Hindi ko na maikonek sa homily. Para lang akong nananiginip na paggising eh limot na ahaha. Magandang hapon…
Akala ko ako lang yung halos 50% ng gamit sa loob ng bahay hindi naman nagagamit o basura lang. Nakwento kasi ni father kanina yung pag iimpake nya ng gamit dahil lilipat na sya ng ibang parokya. Yung mga gamit na 7 years nya na naipon...dahil inabot din ng 7 yrs ang stay nya dito sa lugar namin dahil sa pandemic...2 araw lang nya inilabas ng kwarto kasama na ang mga unopened gifts na bigay sa kanya tuwing may okasyon at sobrang nakakapagod daw talaga. At halos 50% daw sa…
Ang daming ulam na nakashare. Share ko nga din ang ulam ko. Tulad ng iba na nahirapan mag isip ng ulam. Meron naman ako pwede lutuin na nasa freezer kaya lang may tira akong corned beef kagabi kaya nilagyan ko na lang ng itlog kanina. Matagal na din na hindi ako nagtorta ng corned beef. Dati kasi pag wala din maisip na ulam...lagi delata to the rescue kami. Gustong gusto din kasi ng anak ko ang tortang corned beef. Minsan pag nagluto ako ng giniling tinotorta ko din pag may…
Have a wonderful new day to everyone. Lord, thank you again for waking me up this morning. Thank you for the great blessing. And thank you for saving and redeeming my life. Amen. Magandang umaga noisemates. Lunes na naman. Busy day sa mga may work and students. Ingat po yung mga papasok sa work at sa lahat ng lalabas ng bahay. Plano ko din pumunta ng city hall mamaya para sa national id. Wag sana akong tamarin lumabas ahaha. Tara po kape na tayo. Ingat po. God Bless us all.
Kanina nung silipin ko ang e-wallet ko...nagulat ako kasi ang laki na ng ipon ko. Hinanap ko tuloy yung picture ng ipon challenge ko dati na tig 50 pesos pero di ko na makita. Nag ipon ako for 1yr ng tig 50. Daily ako naglalagay ng 50pesos sa alkansya minsan hindi lang 50 pesos depende kung magkano maisip ko ilagay. Nung magkapandemic nagamit namin ang pera pero hindi umabot ng 10k ang ipon ko. Pero dito sa noise.cash sa loob ng 6months mas higit pa don ang ipon ko ngayon.…
Magandang morning mga katambay. Gagala po muna ko sa city hall. Gagawin kong makabuluhan ang araw na 'to ahaha. Magpafile po ako para sa national id. Nakapagpa qr code na ang buong baranggay ako na lang yata ang hindi ahaha. Diyan po muna kayo ng maaga ako makabalik. Medyo late na nga din...muntik na kasi akong tamarin lumabas... Nagbago lang isip ko after maligo. Hangga't mabango pa lalarga na ko ahaha. Ingat po.
Done filing my national id. Ang bilis lang ng proseso. Wala pang isang oras mula umalis ako dito sa bahay. Ang reklamo ko lang pangit ang camera nila ahahaha. Ibang iba ang itsura ko sa mirror at sa dslr camera ko lalo sa cp kahit walang filter ahahaha. Mukha akong nasa 60yrs old na. Yaan na nga...doon talaga papunta sa pagtanda ahahaha.
Mga katambay kain po tayo. Lumipat ako ng pwesto ng kainan kasi nagwawala ang mga pusa ko sa naamoy nila. Baka kasi pagtalikod ko nakasampa na sila sa mesa kaya nagkulong na lang ako dito sa loob ng tindahan para walang istorbo ahaha. Tara po kain tayo.
Kandaiyak talaga ako sa kwento ng dalawang matandang ito na taga Pangasinan. Buti na lang nailapit ng kanilang apo sa #RTIA. Isang taon na silang naputulan ng kuryente kasi ang bunsong anak na lang ang kanilang kasama na nagtatrabaho sa construction. At dahil pandemic wala na din trabaho sa ngayon kaya wala talaga silang pambayad. Nagbabahay-bahay lang si lola para makadilehensya ng kanilang pagkain. Bulag pa si lolo at maysakit. Sana magamit nila ang perang tulong ni idol…
Sobrang bagal ng internet dito sa laptop ko...kaya naisip ko na mag speed test. Ang download speed nya is 36.7mbps tapos ang upload speed is 14mbps lang. Nakakonek ako mismo sa wifi rounter ng converge. Sinubukan ko sa cp ko mag speed test. Nakakonek naman ang cp ko sa dating router ko ng homebro ultera na ginawang kong wifi repeater ng converge. Ang speed nya 73.8mbps download, 70mbps upload. Kaya inilipat ko sa homebro wifi repeater ang laptop ko...ay yan ang lumabas.…
Ang ganda ng sunset...gives drama to my subject....ang aking dating water source nung wala pang nawasa dito sa amin. Tubig para sa pampaligo, panlaba at panluto. Pero ang inumin namin dati binibili pa sa kabilang bayan everytime na mapupunta kami. Lagi kaming may dalang container. Itong poso na 'to na muntik ng pagpatungan ng kawayan na nakikita nyo dahil pinatulay nila ang gripo sa kabilang ibayo. Nagalit lang ako sa tao na pinatira ng kapatid ko sa kubo sa bukid.…
Ang dami kong nababasang earning app, earning platform, free faucet, tapos yung may mga character na parang mga icon lang na binibili, tapos ngayon may airdrop pa pero di ko naman naiintindihan kung paano. Siguro kung alam ko yun grab ko na din ang opportunity. Kaso slow ako and hindi techi ahahaha. Pero kung ang internet laging bad gateway or error 504 siguro kahit alam ko hindi ko din magagawa. Inaantok na lang ako sa bagal ng net ngayon. Matutulog na lang siguro ako…
Happy Tuesday morning guys. Maaliwalas ang panahon at ang ganda ng sikat ng araw. Every gising ay talagang blessing mula kay Lord kaya huwag nating kalimutan ang magpuri at magpasalamat sa Kanya. Lord thank you po sa muling paggising mo sa akin ngayong umaga at maraming salamat po sa pagkakataon na muling makita ang ganitong kagandang tanawin na nakapagpasigla ng aking buong katawan at pagod na isipan. Sana po ay matutunan naming pahalagahan ang bawat biyaya Mong inilaan sa…
Pansamantalang nakagala sa brgy hall. Napag utusan ng anak ahaha. Dumating na daw kasi ang kanyang national id...ang sabi daw sa kanya ng psa napadala na at di nakita ang address namin kaya sa brgy ibinigay. Kaso wala pa ang brgy secretary kaya para di masayang ang lakad sinamahan ng selfie ahaha. Magandang umaga po kaingay.
Mapipilitan ako magluto ng gulay mamaya pang dinner kahit may ulam na ko. Kakabigay lang kasi ng kapatid ko 'to ngayon lang. Hindi pa naman ako gaano sanay magluto ng gulay. Pero pinakbet nakaluto na ko. Siguro ganon style na lang gagawin ko dito sa gulay. Masarap sana kung may ampalaya at okra. Pero simpleng gisa na lang sa bagoong na isda siguro ang gagawin ko dito. Magandang hapon guys.
Mahapdi na ang mata ko kakanood ng youtube videos. Halos wala na din ako mapanood ahahaha. Nagsasawa na din ako sa mga dati kong sinusubaybayan. Wala kasi akong maisip na topic kaya ubos oras na lang sa panonood. Lalo siguro pag nabigay ng ng kapatid ko yung nabili nya na tv box na hindi na nya ginagamit baka sa tv naman ako matutok. Hindi na din kasi ako halos updated sa mga news dahil madalang na akong manood ng tv mula nagsara ang abs. Iba pa din kasi yung feeling na sa…
Akala ko talaga pag gising ko bukas si spiderman na ako. Kasi sobrang gulat ko kaninang nagtutoothbrush ako. May biglang nalaglag sa mukha ko. Akala ko ipis yun pala gagambang malaki. Yung mahahaba ang mga paa na mabilis tumalon. Pero nung una akala ko ipis lang talaga pero pagpagpag ko may sapot pa ahahaha. Ay bakit ba sinabi ko...baka nga biglang maging si spiderman ako nakilala nyo agad ang identity ko ahahahahaha. Magandang gabi kanoise.... goodvibes lang po.
Kagabi nung umabot sa 40k ang rate ng bch...kumakati na ang kamay ko na mag sell kahit 0.1bch lang tapos bumaba naman ngayon sa 37k+ at bumaba din ng 2k ang php ko. Nakakahinayang pero okay lang kasi paninindigan ko talaga mag HODL. Go for 1bch goal talaga ako. Kapag siguro na reach ko na ang goal ko don na lang ako talaga babawas kahit pambili ng bigas ahahaha. Goodnight na nga po sa lahat. See you again tomorrow. Ingat po palagi. Lord thank you po ulit for making us safe…
Magandang maulang umaga po sa lahat. Pagdilat ko akala ko sobrang aga pa dahil medyo madilim pa din kahit 6am na. Pero bago ko po simulan ang mga dapat gawin...gusto ko po munang magpasalamat kay Lord for waking me up this morning. Salamat po sa pagkakataon na muli kong nasilayan ang umaga. Sana po ay bigyan Mo ng lakas ang bawat isa na narito at bigyan ng malakas na pangangatawan upang magampanan namin ang aming mga obligasyon para sa mga mahal sa buhay. Nawa po ay bigyan…
Parang ang hirap mag desisyon sa araw na 'to. May bagay ka na gustong gawin pero hindi mo agad magawa. Tanghali na nakaupo pa din ako dito sa harap ng computer ko. Ito na yata ang pinakamahirap na desisyon na gagawin ko ngayon. Kailangan ko talaga ng support nyo guys. Comment down below. Malamig kasi ang tubig parang may yelo. Napakalaking challenge talaga maligo ngayong maulan ahahaha. #goodvibes lang po ahahaha. Makaligo na nga ng makapagbukas na ng tindahan. Magandang…
Ang daming nagkakape kaya nakisabay na ko. Walang creamer or gatas muna ngayon kasi paubos na ang powdered milk ko. Para sa almusal na lang yung natira ahaha. Bigla nag flashback sa akin ang unang experience ko sa Starbucks na magkape kasama ang mga high school friends batch 1981 ahaha. Hindi talaga ako gumagasta ng mahal para lang sa kape. Kaya ko naman naalala yung first time ko nakapagkape ng libre sa Starbucks...nakalimutan ko lagyan ng asukal ang kape ko kaya syempre…
Noisemates tara po kain tayo. Heto na yung gulay na bigay ng kapatid ko kahapon. Tinamad akong lutuin kagabi kaya nilagay ko na muna sa chiller. Yummy ng pagkaluto ko. Ginasa ko lang ang bagoong na isda at inilagay ko na ang gulay. Pinigian ko ng kalamansi habang papakulo pa lang. Parang lutong saluyot ng nanay ko nung araw. Wala na po pala sahog yan kasi hindi na ko namalengke kahapon ng pandagdag. Ako lang naman kasi ang kakain. Masarap naman ang timpla kahit walang sahog…
Dahil maulan ngayon...mataas ang tubig sa sapa. Ang kainaman lang mas mataas ang mga bahay dito sa lugar namin kesa sa sapa kaya kahit mataas ang tubig hindi kami inaabot. Hindi nga lang makakatawid sa kabila. Pero kung kailangan talaga na tumawid sa kabila... iikot lang sa kabilang purok. Magandang maulang hapon po sa lahat.
Grabe pa din ang ganda ng view dito sa amin pag gabi. Medyo tumila ng bahagya ang ulan kaya nakapagpicture ako. Sinarado ko na din kasi ang bintana ng tindahan ko. Pero pagkatapos ko magsara bumuhos ulit ang ulan pero mahina lang din. Sana hindi umulan bukas para matapalan ko ang bubong sa gilid ng bintana kasi malakas na din ang tulo. Basang basa ang pasimano ng tindahan ko. Baka alisin ko na lang yung pako na dinadaanan ng tagas sa bubong. Nasa gilid lang naman. Bale…
Magandang maulang gabi mga katambay. Nakatagpo ako ng mapaglilibangan. Ilang buwan na din akong may internet pero ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang online tv ng abs-cbn. Mula kaninang tanghali nakatutok na ko halos sa online tv kaya dumalang ang content ko ahaha. Pero it's time to say goodnight na po. Gabi na din naman at malamig ang panahon kaya parang hinihila na din ako ng antok. Kaya goodnight na po sa lahat and see you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless…
Flashback lang pala ang episode na to ni kardo...parang nag flashback din tuloy ang laman ng e-wallet ko. Nakakahinayang talaga yung almost 6k na ibinaba nya sa peso. Hindi kasi natin talaga mapredict kung tataas ba o bababa kaya hindi malaman kung kelan ba dapat mag sell. Sa buy kasi madali lang. Pero yung mag sell ka talagang pag iisipan mo kasi di ka sure kung bababa ba o patuloy na tataas. Kasi ang ganda talaga ng galaw nya ng ilang araw hanggang mag 40k...pero kasunod…
Happy Thursday morning guys. Napasarap ang tulog ko. Kakagising ko lang talaga. Lord thank you po ulit for waking me up ngayong umaga. Salamat po sa panibagong pagkakataon na muling ipagpatuloy ang buhay. Sobrang salamat po lalo dahil napakinggan mo ang aking dasal. Napangiti po ako dahil ito ang namulatan ko. Napakaganda ng sikat ng araw at wala na ang ulan. Salamat po muli Panginoon kong Diyos dahil palagi Kang nariyan. Amen. Mapagpalang umaga po sa lahat mga kaingay.…
Good morning po mga katambay. 9.9 na naka add to cart na ba kayo ahaha. Ako kasi di ko na hinintay ang 9.9 nag order na ko last week at padating na ngayon. Tama ang compute ko na halos pareho din ang presyo. Bumaba man siguro sa price nila ngayon pero wala na yung ibang voucher. Kasi yung binili ko na padating nakuha ko sa 467 pero may earned coins ako na 49.50. Ang price nya ngayon sa sale is 417 pero walang earned coins and shopee pay lang pwede yung discount voucher. At…
Sinipag lang po magluto... Nagdala kasi ng ampalaya ang kapatid ko na nagbigay sa akin ng affordabox. Ang dami ko biyaya ngayong araw...thank you Lord. May kasama pa pala mga yosi yan na pangtinda. Nag stop kasi ang construction ng mall sa malapit sa bahay ng kapatid ko kaya binigay na lang sa akin para maibenta ko din. Nagtinda kasi sya pati mirienda para sa mga construction workers. Baka daw kasi ma expired lang. Tara guys kain tayo. Hindi kasi ako naka mirienda kanina na…
Excited na buksan ang aking package from shopee. Kahit di ko sya nabili ngayong 9.9 halos pareho lang naman ang price. Wala naman siguro negosyante na papayag na malugi sila. Technique lang mga discounts to promote their products pero computed na magmukhang mura lang pero almost same price sila. Minsan may earned coins. Pero walang free shipping. Minsan free shipping. Pero walang cashback or earned coins. Baka unbox ko to para sa vlog hindi muna ngayon. Para mapaghandaan ang…
Mahirap pala kapag may bagong kakalikutin... Nababawasan ang oras ko mag isip ng content dito sa noise.cash ahaha. Ang ganda ng product...nasubok ko na din mag live ng isang song lang. Ang lakas makaganda ng boses ahahaha. Bigyan ko na lang ng sked ang pag live para marami pa din akong oras mag ingay dito. Bale mag iingay na din ako sa fb paminsan minsan pag nasa kundisyon ang boses ahahaha. Magandang hapon po mga katambay.
Ilang araw ng free ang gulay ko ahaha. May nagbigay na naman ng talong ngayon. Ulam ko na 'to bukas...isasabay ko sa daing na bangus. Baka ilaga ko na lang siguro para wala ng mantika. Iwas ng kaunti sa cholesterol. Malakas kasi sumipsip ng mantika ang talong. Masarap naman ang nilaga isawsaw sa bagoong na isda may kalamansi at sili. Naglalaway ako sa sinasabi ko ahahaha. May ginisang ampalaya pa kasi ako kaya para bukas na yan. Magandang gabi kanoise.
Thursday is almost over. It's time to say goodnight to all of you guys. Medyo matagal din ako bago nakatulog kagabi. 12am na yata nung nakatulog ako. Maaga pa lang nakahiga na ako at naka off na din ang wifi ko non pero parang hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko na din namalayan kung ano oras na ko nakatulog. Pasalamat lang ako dahil 7am na ako nagising. Kahit paano bawi lang sa puyat. Pero ngayon kasi medyo nakakaramdam na din ako ng antok kaya sasamantalahin ko na.…
Thank God it's Friday na pero dapat thankful tayo sa lahat ng oras. Dahil tulad ngayong umaga muli na naman Niya tayong ginising. Lord salamat po for everyday gising at sa lahat ng blessing. Amen. Magandang morning po mga kaingay. Kamusta ang gising. Sana in good mood lahat para ang araw ay maging masaya. Pero may tulog pa kaya dahan dahan pa ko kumilos kasi pag nagising yan kukulitin na naman ako ahaha. Magandang umaga po ulit. Ingat po palagi. God Bless.
Habang nagtatabas ako ng damo sa harap ng bahay nilapitan ako nung nakasakay sa kotseng puti. Nakilala pa ako. Sya ang vice president ng prhi na kung saan ako nag training sa call center. Siya si Mr. Suman...Indian national. Napasabak ako bigla ng inglisan kanina ahaha. Tinanong lang ako kung may stable internet connection daw ako. Sabi ko yes sir. Mag submit daw ako ng resume at may ibibigay daw sya sa akin work from home. Hindi ko alam kung naeexcite ako o kinakabahan.…
My facebook memory. Bigla nag pop sa notification ko. 2017 pa pala 'to kaya pala fresh pa ahahaha. Samsung j7pro pa yata gamit ko na fon dito. Sabi ng pamangkin ko nung nagpalit na ko ng fon mas maganda daw ang camera ng samsung ko pero parang mas gusto ko na ang camera ng huawei fon ko ngayon kahit pinaglumaan lang ng anak ko ahaha. Magandang umaga kamema.
Nakakaantok pala mag live kasi walang nanonood ahahaha. Inaantok na din ako sa kakapakinig ng kanta ko bago i-upload. Download ko na lang muna sa phone ko para ma cut yung mga gusto kong i-upload. Hindi ko pala na set yung sound card ko mahina masyado ang music mas malakas ang boses ko ahahaha. Magandang hapon mga kaingay. Hindi po maka concetrate sa pag gawa ng content dito sa noise...busy po ako mag concert mag isa ahahaha.
Natatawa ako sa sarili ko kasi pinagtataguan ko pa yung aso ko na mahilig sa pandesal ahaha... Tuwing nalalaman kasi na magtitimpla ako ng kape alam na nya na may tinapay kaya hindi hihinto ng tahol. Iisa na lang kasi pandesal ko...maliit pa tapos mahahati pa sa aming dalawa kaya nagtago muna ko habang abala sya sa pagtahol sa aso sa labas na dala ng kapatid para padumihin sa malayo ahaha. Madamot ang pet papa ngayon ahaha. Magandang hapon noisemates...tara kape tayo.
Habang papalaki ang ipon ko ng bch siya naman papaliit ng rate. Masyado naman yata inienjoy ni bch sa ibaba. Kelan naman kaya ang flight nya. Wala kaya booking sa airlines kaya hindi sya makalipad ngayon ahahaha. Buy ng guys sa may extra money. Kung meron lang talaga ako dadagdagan ko talaga ang ipon ko. Pero okay na din yung autobuy natin dito sa noise...sipagan na lang natin gumawa ng content maghapon ahaha. Magandang gabi kaingay.
Kain guys...nakagawa na ako ng sawsawang bagoong na isda at kalamansi na may sili nung maalala ko na may kamatis pa pala ako sa ref. Kamahal pa naman ng kamatis baka mabulok lang. 3days na yata mula binili ko yun. Sabagay isda pa din ulam ko bukas sana magamit ko na. Tara po kain tayo. Magandang gabi po sa lahat.
Mga katambay magandang gabi sa lahat. Matutulog na po ako...nakalatag na higaan ko panay ang kaway ahahaha. Malamig na kasi ang panahon kaya nakakaantok. See you again tomorrow. Sana pag gising may laman na ang utak ko na bagong content ahaha. Hirap na talaga mag isip. Halos parang paulit ulit na lang ang kwento ahaha. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you po ulit sa lahat lahat. Wala na po akong hihilingin pa...basta malusog at walang magkakasakit sa pamilya at…
Matutulog na lang nakasilip pa ng isang live selling ng fb friend ahahaha....Nakakahiya lang kasi nag mine lang ako sa free kaso hindi ako napili ahahaha. Ang gaganda kasi ng mga frames na binebenta nila. Kakaiba sa mga live selling na nakikita ko...May mga painting na naka frame na almost antique na talaga. Para sa mga collectors na mahihilig sa pang display ang binebenta nila. Baka matawa pa yun pag nabasa nya bukas yung comment ko ahahaha. Goodnight everyone. See you…
Magandang morning kamema. Happy weekend. Maaga akong ginising ni Lord para batiin kayo ng mapagpalang umaga. Madilim pa sa labas at umuulan kaya di pa ako lumalabas ng kulambo ahaha. Lagi ako may katabing flaslight sa higaan kasi madalas akong magising ng madaling araw. Baka kasi paglabas ko ng kulambo may matapakan akong ahas. Hindi maiiwasan na may ganon dito sa probinsya na may nakakapasok na ahas sa loob ng bahay paminsan minsan. Medyo matagal na din yung last na may…
Hindi ko talaga maiwasang manghinayang sa ibinaba ng ipon ko lalo ganito makikita mo. Grabe na ibinaba ni bch. Sayang din ang 6k in just 3 days. Kung expert trader lang talaga ako baka inilabas ko na nung nag 40k ang rate. Tapos sabi sa prediction mas bababa pa next week. Pero syempre may pagtaas din naman. Nag screen shot na din ako ng prediction to check kung accurate ba talaga ang pagbabago ng rate. Kung tama ang prediction for the next few days....pagbabasehan ko na din…
Mga kaingay magandang umaga po ulit. Magtatanong lang po sa mga meron ng metamask account. Paano po ba mag add ng fund dito. Tinatry ko mag send gamit ang coins.ph pero invalid wallet address daw. Patulong naman guys. Ilan na kasi ang nakita ko dito na may successful transaction. Thanks in advance po sa magrereply. Ingat po palagi.
Yung nagmimirienda ka pero may mga tumatawag syo para humingi ng tinapay. Nasanay na masyado na binibigyan ko sila...hindi tuloy ako mabusog ahahaha. Kapag di mo naman binigyan hindi hihinto ng tahol ang ngiyaw. Makapaglagay nga ng tabing para di nila ko makitang kumakain ng pandesal ahahaha. Joke lang. Magandang umaga po sa lahat.
Hello po mga katambay. Magandang umaga. Malapit na mananghalian mag iinit na lang ako ng leftover ko. Napaisip ako sa Metamask kung lalagyan ko ba talaga ng fund. Kasi di ako sure kung para saan ba at ano mangyayari kung may lamang fund ang account ko doon. Marami kasi nagpopost ngayon about #smartbch, $CAT, at metamask....hindi ko pa kasi gets kung kikita ba ko kapag nag invest ako dito. Pero interesado ako sa $CAT kasi mababa pa ang price nya kaya gusto ko sana bumili.…
#Showtime Madlang Pi-Poll Ang tanong kanina: Ano ba ang dapat? Baguhin ang sa tingin mong mali sa taong mahal mo o Bigyan sya ng pagkakataong baguhin ang mali sa sarili nya. Parang nangyari na sa akin ito dati. May pagkakataon na pilit kong sinasabi sa dati kong asawa na baguhin nya ang tono ng pananalita nya dahil para na lang syang laging galit. Ang sabi nya sa akin hindi na nya mababago yun dahil yun talaga sya. So, ang nangyari hinayaan ko na lang ganon sya pero habang…
Malamig na gabi po sa lahat lalo sa mga single dad na tulad ko ahahaha. Mga kaingay it's time to say goodnight na naman...pero alam ko na marami pa din ang nagpupuyat dito. May mga madaling araw na din kung matulog. Pero ako po talagang sasamantalahin ko na ang lamig ng gabi para matulog ng maaga. Maulan pa din po dito sa amin pero hindi naman malakas. Sige guys yun lang po. Kitakits na lang ulit bukas. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord thank you po ulit for…
A blessed Sunday to everyone. Maulang mapagpalang umaga po sa lahat. Lord thank you po sa muling pag gising mo sa akin ngayong umaga. Thank you for the gift of life. Amen. Hello kaingay...kamusta ang mga gising? Tinanghali na ko mag sign-in kasi namalantsa ako ng susuotin ng anak ko mamaya pang serve sa simbahan. 2 months na yata yung last na nakapag serve sya. Excited ako kasi makikita ko na ulit ang anak ko. Kaya kahit hindi pa ako nag aalmusal inuna ko na maplantsa ang…
Heto ako wohhhhhh...basang basa sa ulan. Walang masisilungan ahaha. Pero ang gaan pa din sa kalooban. Para akong nabendisyunan ng holy water kasi kahit ganito ang panahon nakasimba kami ng anak ko. A blessed Sunday to everyone. Parang ang sarap magkape. Diyan po muna kayo magbibihis na muna ko. Magandang umaga po sa lahat. Ingat po palagi. God Bless us all.
Magandang hapon po kamema... Napadami yata bili ko ng bagoong alamang. Half kilong liempo lang naman ang titimplahan ko ahaha. Nakauwi kasi ang anak ko ngayong sunday kaya ipagluluto ko sya ng binagoongan para madala sa apartment nila para hindi na sya magluto mamayang gabi. Sabi naman ng tindera hindi naman daw maalat itong alamang kaya ilalagay ko na din lahat para kukunin ko na lang yung ibang alamang pagkaluto para pwede ko sawsawan ng nilagang talong. Tipid na din ako…
Ready na ang dinner pati ang dadalhin ng anak ko sa apartment nila. Binagoongang liempo with pritong talong on top ahaha. Na miss ko talaga 'to. Parang higit isang taon na ko hindi bumibili ng pork mula tumaas ang presyo. Ngayong lang naman...bukas balik na ko sa dating diet ko na less fat ahahaha. Kayo po nakaluto na din ba? Magandang hapon po sa lahat.
Getting ready to go home na ang anak ko. Gabi na din naman. Ngayon lang ulit kami nagkasabay kumain ng lunch kanina. Ulam namin ng tanghalian daing na bangus na may sawsawang kamatis. Malamang mag eenjoy silang mag partner na kumain ng dinner ngayon kasi palagi bili sa karinderya ang kinakain nila. Ngayon lutong bahay with love pa kaya sure na masarap ahaha. Magandang gabi po sa lahat.
Masyado na akong nalibang sa aking sound card. Namaos na yata ako kakakanta. Napansin ko na lang ang oras nung mga chat ang anak ko. Masama daw pakiramdam nya kasi nabasa sya ng ulan kanina. Sana naman maging maayos ang pakiramdam nya after makainom ng gamot. Makatulog na din siguro kasi baka nakakadistorbo na ako sa kapitbahay. Baka malakas pala boses ko kasi nakatutok sa tenga ako ang earfon ko. Hindi ko na masyado madinig tulad kanina na may tumatawag pala sa akin sa…
Magandang morning ng Monday people. Bagong araw...bagong pag-asa. Maaga din akong ginising ni Lord ngayong umaga. Lord thank po muli sa panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Sana po ay ilayo mo kami sa karamdaman at pagalingin Mo po sana ang mga may sakit. Maraming salamat po sa mga biyaya at patawad po sa aming mga pagkukulang. Amen. Magandang umaga po muli mga kaingay. May naligaw na kuting dito sa amin. Baka sa kapatid ko yan kasi alam kong nanganak ang pusa…
Alam nyo yung feeling ng isang fur parent? Hindi po sa akin ang kuting na yan...naligaw lang dito sa bahay ko. Wala po talaga ako plano bigyan ng pagkain para kapag ibinalik ko sa may ari hindi na bumalik dito sa amin. Kaso talagang hindi ko matiis....binigyan ko pa rin. Kaya kahit saan tuloy ako magpunta nakasunod na sa akin. Parang kahit hindi sya tao...parang may lukso ng dugo akong nararamdaman kasi kamukha sya ng bobby ko. Siguro anak nya 'to sa kanyang girlfriend…
Magandang tanghali mga katambay. Nag chat ang anak ko...umuwi na daw sya ng bahay. Nagtuloy ang lagnat nya kaya magpapahinga na lang muna daw sya kasi may meeting sila sa work bukas with the bosses kaya dapat maka attend sya. Nabasa sya kasi ng ulan kahapon nung umuwi sya dito sa amin. Inabutan din ng ulan nung pabalik na sa apartment nila. Kaya kanina dapat pupunta din ako sa kabilang bayan kung saan sya nakatira. May lalakarin sana ko pero sabi nya wag na ko tumuloy dahil…
Yung kuting na naligaw lang dito sa bahay ko...nung pakainin ko lagi nang nakadikit sa akin. Kahit saan ako magpunta sumusunod lang sya. Kaya nung nagpunta ko sa bahay ng kapatid ko sumunod sya sa akin. Tuwang tuwa naman na nakauwi sya kasi nandoon ang mga kapatid nya. Dirediretso talaga sa loob ng bahay papunta sa kusina ng kapatid ko. Wala na pala ang nanay nila...namatay na. Malambing yung kuting na yan. Pwede sana ampunin kaya lang ayaw tumigil ng aso ko…
Ang saklap din makita na yung matagal mong inipon dito sa noise.cash 8k na ang ibinaba sa loob lang ng 3days yata. Yun ang hirap kapag hodlers ka talaga ng crypto. Hindi mo alam kung kakapit ka pa ba o magse-sell ka na ahahaha. Sabagay may magandang prediction naman for the next few months. Pero prediction lang yun at pwede pang magbago. Wag naman sana dumating na mas mababa pa sa pinag umpisahan ni bch ahahaha. Masasabi ko na swerte pa din yung mga nagbenta nung nag 40k ang…
Pagkatapos kong mag dinner bigla ko naalala na hindi ko pala naluto ang ulam ng pet ko ahahaha...Wala syang ulam ngayon. Kailangan ko talaga lutuin ang adobong atay balunbalunan. Kasi bukas ng umaga siguradong hindi din titigil ng tahol yun kung hindi ko bibigyan ng pagkain. Jan nga po muna kayo. Masyado na ko kasi natutok sa pagkanta ahahaha. Bakit ba nakabili ako ng soundcard masyado tuloy akong gandang ganda sa boses ko kahit hindi naman ahaha. Sige po magluluto muna pala…
Nakaluto na ko ng ulam ng pet ko...adobong atay balunbalunan...hindi na nya ko papagalitan bukas ahahaha. Effort talaga para sa alaga basta makita lang syang busog at mataba. Sabi ng kapatid ko na maraming pet dogs hindi daw maganda sa aso ang sibuyas kaya kapag nagluluto sya ng ulam walang sibuyas at bawang parang pinakuloan lang sa toyo at suka. Minsan asin lang at tubig basta magkalasa lang. Ulam ko din kasi yan kaya dapat kumpleto ng sangkap. Ano sya lang ang mabubusog…
Mapagpalang Martes ng umaga po sa lahat. Everyday gising is always a blessing. Lalo kapag ganito kaganda ang tanawin. Lord salamat po muli for waking me up this. Salamat po sa biyayang buhay. At maraming salamat po sa pagpapagaling Mo sa aking anak. Handa na po siyang pumasok sa trabaho. Sana po ingatan mo sya sa lahat ng oras lalo sa pagmamaneho. Ilayo Mo po sana ang anak ko sa lahat ng kapahamakan at karamdaman. Isama Mo na din po ang mga nagbabasa nito. Amen. Good morning…
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10225888897666780&id=1163763957 Guys magandang morning...gagayak lang po ako kasi may lalakarin ako sa Cabanatuan mamaya. Libangin ko muna kayo makinig ng cover song ko wag lang kayo maumay ahaha. Sige po gagayak na din ako..medyo malayo din kasi yung pupuntahan ko para hindi na din ako tanghaliin at makabalik din agad. Ingat po lagi. Enjoy listening. God Bless.
Noisemates dyan po muna kayo. May lalakarin lang po ako na pagkakaperahan ahahaha. Hindi na ko nagpa ootd...tama na 'tong suot ko...magjajacket din naman ako mamaya. Saka baka umulan din naman kaya okay na 'tong suot ko...saka saglit din lang naman ako. Hindi na ko gagala sa mall kasi wala naman akong pang shopping ahaha. Sige po...see you later. Ingat po palagi.
Alanganing mirienda...kakauwi ko lang kasi. Nagsalang pa lang ako ng sinaing. Medyo gutom na din kasi ako. Nakakatuwa ang alaga ng kapatid ko... Masyado akong namiss panay ang halik. Kahit ilang buwan kaming hindi nagkita kilala pa din ako. Sumobra na ng taba. Hindi ko na kaya kapag dinamba ako. Buti hindi na sya hyper tulad ng dati. Hindi na din ako nakikain don kahit alanganing oras na kasi baka abutan ako ng ulan pabalik. Pagdating ko nga parang aambon na. Hintay ko na…
Akala ko dumating ang anak ko kasi pareho ng motor nya yung nakapark sa harap ng tindahan ko. Pati kulay. Buti nakapatong ang helmet ng may ari kaya ko lang nakilala ahahaha...saka pala walang kulay gold na sticker na nakadikit sa harap. Muntik na ko lumabas ng bahay para tignan ahaha. Magandang hapon po sa lahat.
Tama naman yung isang post ng isa nating kaibigan na wag puro spoon feed kapag binigyan ka ng link to earn. Dapat talaga aralin mo kung gusto mo kumita. Kasi kapag sinukuan mo agad wala ka ng pag-asa ahahaha. Wag na magtanong kung legit ba kasi parang lumalabas na mai-scam ka eh wala namang kukunin syo na pera. Kapag free try mo lang ke legit o hindi wag ka matakot sumubok. Kung hihingan ka ng fee or any information to reveal your identity to hack your account matakot ka na…
Bago po ako mag goodnight sa lahat...gusto ko po muna magpasalamat sa mga bagong affiliates na sina @Bhengskie, @JhazzyQueen and @NimfaML. Basa basa po ng mga post/content para may basehan kayo kung paano mag post dito sa noise.cash. May rules din po jan sa dropdown button sa upper right side pakibasa na lang po. And comment kayo na related sa post ng content creator. And not below 50 letters po dapat ang mga reply. Wag din po mag spam and bawal din ang copy/paste sa google…
Happy Wednesday morning noisemates. Kamusta po ang mga ginising ni Lord. Huwag po kalimutang magpasalamat sa Kanya bago umpisahan ang ating araw. Lord salamat po sa bagong umaga. Maraming salamat po sa muling pagmulat ng aking mga mata. Sana po ang araw na ito ay mapuno ng saya at mapawi ang aming mga pangamba. Sana po ay gumaling na ang mga may karamdaman at pawiin Mo po sana ang takot na aming nararamdaman. Sana po ang pandemya ay matapos na at bumalik na kami sa normal na…
Nung Sunday umuwi dito sa bahay ang anak ko para makapagsimba at makapag serve sa church. Papunta pa lang dito nabasa na sya ng ulan nung umaga. Pagbyahe nung gabi pabalik sa tinutuluyan nya naabutan ulit sya ng ulan. Kaya nung lunes medyo masama na ang pakiramdam nya sa ubo't sipon. Medyo may sinat na din pero pumasok pa din sya sa work. Kaya lang pinag halfday sya dahil medyo may hilo din sya. Kahapon ng umaga gumanda ang pakiramdam nya kaya pumasok ulit sya sa work. Nung…
Kanina magkocomment lang sana ako sa isang post...kaso mahaba ang tanong ko kaya hindi ko na tinuloy. Kasi naisip ko content na nga pala yun kaya dito ko na lang post ahaha. Ito yung tanong ko... Paano ba mag transfer fund sa coinflex para maka send din ako ng fund sa metamask. Kasi kapag ginamit ko wallet address ng metamask sa coins.ph invalid wallet address daw. Kasi gusto ko din bumili ng $CAT bago tumaas. Hindi ko pa din kabisado ang coinflex. Hindi ko makita yung…
Bakit kaya naging ugali ko na yung kung kelan nakaligo na saka pa maiisipan magpapawis ahaha. Natanaw ko kasi ang likod bahay ang dami ng namang tuyong dahon kaya ayun. Kuha ng walis kaya ngayon pawis na pawis ahaha. Magandang umaga kanoise. Tara po kape tayo ahaha.
Internet connection lang kaya? Sobrang bagal ng loading and error 504 madalas. Sa speed test naman okay naman sya. Sa inyo din ba mga kaingay ganon din? Sa ibang platform naman okay pati sa youtube. Pero dito sa noise.cash nawawarningan pa ako ng don't spam kasi panay loading o ikot lang kapag nag post.
Guys kain po tayo...napaaga ang friday munggo ko. Nanghihinayang kasi ako sa kamatis na binili ko kamahal pa naman kaya napaaga ang pagluto ko ng munggo ahaha. Wala pong pamalunggay o ampalaya kasi ang malunggay ko hindi nagtuloy na tumubo ahaha. Pero may hipong pagpag yata tawag don...yung pinatuyong hipon na maliliit. Tara po kain tayo.
Sobrang bagal talaga ng uploading dito sa noise.cash ngayon. Baka dahil na din siguro marami ang gumagamit sa online school kaya bumabagal ang internet connection natin. Medyo delay din pala ang payout...wala na dito sa wallet pero wala pa din sa coins.ph. Magandang hapon mga kanoise.
Sa sobrang delay kanina ng payout...nagsabay na yung ipon ko kaninang umaga na minimun 1$ payout at yung ibang naipon ko ngayong hapon. Parang nakaset tuloy sa 2$ ang min. payout ko ahaha. Pero ang ganda palang tignan pag malaki ang pumapasok sa wallet. Ang mainam kasi sa malaki ang min payout isang transfer fee lang kay coins.ph kaya lang napag aabutan na ng pagtaas ng rate bago maka auto buy si noise di tulad ng mababa ang min payout naaabutan nya ang mababang rate. Minsan…
Papalubog na naman ang araw. Nanibago ako sa lugar ng pinaglulubugan niya ahaha. Dati sa kabila lang ng mataas na bakod sa likod ng convention center ngayon lumihis na. Lalo tuloy lumayo ang pa sunset view. Baka next time kailangan ko na pumunta sa kurbadang kalsada sa may tulay para makita sya ahaha. Magandang hapon po mga katambay.
Nung kabataan ko hindi ko matutunan ang larong sudoku. Hindi ko matandaan kung anong year nauso ang larong ito. Pero dahil sa mga apps na nauso saka ko lang nalaman kung paano 'to laruin. Naging pampaantok ko na din sya kapag ayaw pa akong dalawin ng antok sa oras ng pagtulog. Simple lang syang laruin pero may mga time din na nagkakamali ako ng sagot lalo may mga number ka na hindi napansin na nasa row and column na pala. Kaya dahil nilaro ko to ngayon nakakaramdam na din…
Magandang umaga kaingay. Kanina pa ako nagising ng 5am...nakapanalangin na din ako bago ako sumilip dito. Nakaugalian ko na talaga tuwing umaga sa tuwing pagmulat ng mata ang magdasal ng isang Ama Namin. Dahil lahat na ng dapat mong ipagdasal at hilingin ay nabanggit mo na. Pati ang paghingi ng patawad sa mga nagawang pagkakasala ay nahiling mo na din. Idagdag ko na lang sa pasasalamat sa iyo Lord, ang muli Mong pag gising sa akin. Marami pong salamat sa panibagong…
Ako lang kaya yung gusto makipag unahan kapag may bagong post na pumasok sa notification ahaha... Pansin nyo ba kamema na kapag kayo ang nauna na nag heart sa content...picture nyo palagi ang naka feature kahit may nag heart ulit sa post mo. Wala lang...parang gusto ko lang makita sa unahan ang mukha ko kapag nag click ako sa mga puso sa post nyo ahaha. Kaya lang hindi naman ako palaging tutok ngayon kaya nauunahan ako ahaha. Magandang umaga kamema. Ingat po palagi. Tara…
Nag withdraw lang po ng hindi ko pera...kakabalik lang ahahaha. Nakita ko kasi may laman ang paypal ko...pero kilala ko ang sender. Not totally kakilala pero nakapagpadala na din kasi dati kaya nasa history na ng transactions. Para sa pamangkin ko yung padala. Kesa maabala pa ko mamaya pagpunta ng pamangkin ko dito...isinabay ko na lang sa lakad ko. Along the way naman sa pinuntahan ko kaya nag wdraw na ko. Magandang umaga po sa lahat.
Masyado akong nasiyahan sa panonood ng youtube video ni Mahal and Mygz Molino. Naging fan lang nila ako mula nung napanood ko silang dalawa sa pagbisita nila kay Mura. Kitang kita talaga ang chemistry nilang dalawa. Sobrang masaya silang magkasama. Hindi mo mababash si Mygz kasi kitang kita talaga ang pagmamalasakit nya kay Mahal. Kung meron man sigurong nagsabi na ginamit lang ni Mygz si Mahal siguro ilan lang sila. May mga tao kasi talagang mamahalin mo regardless of their…
Almost one week na mula lapitan ako ng vice president of operation sa dating pinagtrainingan ko na academy for call center agents. Inalok ako ng homebase job. Hanggang ngayon hindi pa din ako nagsasubmit ng aking resume. Ganon pala yung hindi ka handang maghanap ng work pero may lalapit syo na opportunity pero dahil hindi ka naman interesadong humanap ng work...hindi ka mag aapura na mag apply. Kaya ngayong undecided pa ako...pinagbabasehan ko ang pagtaas ng bch…
Maulan na naman ngayong pagabi dito sa amin. Ginawa ko ng content kasi halos mas matagal pa yata ginugol ko sa pag abang sa notification ko ng mga bagong post dito sa noise para pusuan ahaha. Kapag wala talaga ako maisip nagchecheck lang ako sa notification ko. Pero hindi ko pa yata na red bell lahat ng pinafollow ko kaya medyo konti lang yung laman ng notif ko. Magandang hapon kaingay.
Ito yung gamot na ipinasok dito sa atin ng mga chinese importer dati na kiniclaim na gamot daw sa covid. Pero ayon sa Bureau of Food and Drugs Administration...traditional medicine lang ito for cough and cold. Pero nakapasa naman sa BFAD ang gamot na 'to pero hindi para sa covid kundi sa cough and cold lang. Nag google din ako at nakita ko na pwede din sa fever. Na try ko na sya kasi nga inuubo ako paminsan minsan. Nabili ko to sa kakilala na may kaibigang doctor. Masasabi…
Matutulog na lang yata ako ng maaga kasi palaging may error...kundi 502 eh 504 ahahaha. Medyo inaantok na din naman ako. Nagkasabay pa ang update ng coins.ph and noise.cash. Ramdam ko na kasi ang mga daliri ko na may gustong i-type pero ang utak ko naman ang blangko kaya nakadildil lang sa keyboard ang mga kamay ko. Goodnight po sa inyo mga kaingay. See you again tomorrow. Lord thank you po ulit sa lahat ng blessings and for keeping us safe. Sana po tuluyan na din gumaling…
3 am nagising ako para mag cr. Nakita ang ilaw ng wifi kaya nahawakan ko na naman ang cp ko para sumilip dito sa noise.cash kaya hindi agad ako nakabalik sa pagtulog...parang mag iisang oras na yata ako nakatambay dito ngayong madaling araw kaya parang nahihilo na ko ulit sa antok. Matutulog na nga po ako ulit. Magandang umaga po.
Good morning noisemates. Thank God it's Friday na agad. Ang bilis talaga ng oras. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil nakabalik agad ako sa pagtulog nung nagising ako kaninang madaling araw at napasarap din ang tulog ko. Kaya magaan ang pakiramdam ko ngayon at maganda ang gising. Lord salamat po sa blessing. Amen. Medyo kulimlim ang panahon dito sa amin ngayon. Pero mukhang hindi naman uulan. Makapal lang ang ulap kaya di gaano makasilip si haring araw. Magdala na lang po…
Ayown....now I know ahahaha. Hindi ko kasi makita dati kung paano mag aadd ng fund dito sa coinflex. Hindi ko kasi makita kung saan nakalagay ang deposit. Maglilipat sana ako ng fund from coins.ph to coinflex kaso nanghihinayang naman ako bawasan ang coins.ph ko malapit ko na kasi mareach ang 1bch. Gusto ko sana palitan na lang ang bch wallet address ko dito sa noise.cash... ang gagamitin ko yung wallet address ng coinflex ko. Pwede kaya yun noisemates? Magandang umaga po sa…
Noisemates diyan po muna kayo... makikipagdate lang po ako saglit kay judith. Bibili na din pala ako ng bigas at pandesal... Nilagay ko na dito sa content para wag ko makalimutan...ginawang listahan ng bibilhin ang content ahahaha... Hindi muna siguro ako bibili ng ulam. Sa Sunday na lang para fresh. May delata pa naman kasi ako dito yun na lang muna. Sige po larga na ko ahaha. Ingat guys. Magandang umaga.
Sabi ko kanina bago ako pumunta sa palengke magdedelata na lang ako sa tanghalian. Plano ko mag gisa ng sardinas pero hindi ko naisip na bumili ng luya. Kaya natanaw ko bigla sa likod bahay yung tinanim kong luya. Nakalabas na sa lupa yung luya ko akala ko malaki na ang laman kaya hinalukay ko...yun pala kakapiraso pa lang at may kagat pa ng langgam sa ilalim ahaha. Akala ko ayaw ng langgam yan pero sa ilalim pa ng mga ugat sila nagbahay. Magandang umaga po mga katambay.
Mga kaingay magandang tanghali po sa lahat. Nakakain na ba kayo? Ako tapos na po...may tira pa akong tortang sardinas. Dahil wala akong luya hindi ko na ginisa. Nilagyan ko na lng ng 3 itlogs ahahaha. Kaya ayan sobra pa. Miriendahin ko mamaya palaman sa tinapay para hindi na malagay sa ref. Uubusin ko na lang. Masarap din kasi palaman sa tinapay.
Masyado ko pinoproblema kanina yung hindi na diretso sa coins.ph ang ipon natin dito. Pero unti-unti nalilinawan na 'ko ahaha. Kung paano tayo magpalit dati ng wallet address kapag gusto natin mag send ng fund sa ibang wallet ay ganon din pala ka-easy gawin sa new wallet. Nasa deposit and pay lang naman pala. Doon na lang ipipaste ang wallet address ng papadalan. Tanong ko lang...binura ko pa ang wallet address ko sa ss...okay lang ba na pakita? Naisip ko din kasi baka bigla…
Ang ganda ng ating new wallet ng bitcoincash. Parang pang professional na trader na ahahaha...Thank you noise.cash for this new feature. The wallet is very impressive. I really love it.
Sa nagtatanong po kanina na hindi ko nasagot...at sa mga nalilito pa din kung paano mag import ng wallet...depende po kung made in china or US ahahaha...joke po. Click nyo lang po yang import your Bitcoin Cash wallet. Medyo hindi ko na po natandaan ang pagkakasunod ng procedure para magawa ang bagong wallet kasi dalawang device ang gamit ko. Laptop and cp po kasi ang inimport ko. Pero kapag hiningan na kayo ng seed phrase....diyan din po ako nalito nung una...click nyo po…
Nakakatuwa naman ang new wallet natin. Pag nakumpleto mo na ang minimum payout diretso agad sa new wallet...wala nang delay. Bahala ka na lang magtransfer sa coins.ph or sa wallet na gamit mo. Magandang gabi po mga katambay.
Noisemates tahimik na ang kalsada dito sa lugar namin. Puro kuliglig na lang din halos ang naririnig. May dumaan man sasakyan medyo madalang lang. Kaya siguro it's time to say goodnight na din sa inyong lahat. Lord thank you po ulit for all the blessings na aming tinanggap sa araw na ito and thank you for keeping us safe from sickness and all harm. Amen. Guys antok na talaga ako...naubos yata ang laman utak ko kaya wala na akong maisip na sasabihin. Goodnight na po sa lahat.…
Good morning noisemates. Happy weekend po sa inyo. Medyo nakakatamad pang bumangon pero kanina pa ako 5am ginising ni Lord. Every gising is a blessing thank you po Lord. Nagsilip muna ako dito kanina pag gising ko...pumuso muna sa mga pumasok sa notification ko. Yung iba na hindi ko pa na red bell naka on na din. Madalang kasi ako minsan mag ikot sa mga post...madalas yung nasa notif ko lang ang napupusuan ko kaya kapag nakita ko na hindi pa naka red bell yung nag heart sa…
Ano kaya ibig sabihin nito? Kadalas lumabas... Hindi pa siguro kumpleto ang update ni noise.cash. May bug pa siguro sa system kaya hindi pa masyado smooth ang flow ng galawan dito sa platform. Minsan error 502, 504 at meron din isa kanina na 495 yata yun. May nabasa din pala ako kanina na malaki daw ang transfer fee from new wallet sa coins.ph. Na try nyo na ba guys? Baka ganon din nung si noise pa ang nagpapadala sa atin direct sa coins.ph. Parang ipinasa lang nya sa atin…
Sobrang pawis ko na at medyo nahihilo na din kaya ako huminto sa ginagawa ko. Ngayon ko lang ulit naituloy yung paglilinis at pagbubunot ng damo sa harap ng bahay. Hindi ko din natapos kasi sobrang init na ng sikat ng araw. Schedule din kasi sa baranggay ang community cleaning kaya binawasan ko na ang kalat para naman makita nila na naglilinis ako ahaha. Mirienda na muna siguro ako at makapagpahinga na tuloy para makaligo. Mainit na umaga po sa lahat. Ingat po palagi.
Levis 501 na tayo ahahaha. Parang ang pantalon ko na napaglumaan na ng panahon. Halos lahat kasi ng pants ko levis. More than 10 yrs ko na yata sinusuot kasi walang pambili ng bago ahaha. Congrats po sa papadami nating pamilya. Magandang umaga po sa lahat mga kamema. Ingat po palagi.
Bigla akong nainip sa pagdami ng laman ng coins.ph ko mula mag import ako ng wallet. Hindi kasi tulad dati na delay man... may tumutunog sa cp ko na notification ahahaha. Plano ko ngayon...ipunin muna sa new wallet hanggang tumaas ang price saka ko transfer sa coins.ph. Kasi kung ngayon ko ililipat mababa ang price nya. Ewan ko kung same lang kasi alam ko naman na pag bumaba ang rate sabay pa din sya na bababa. Guys nakakain na ba kyo? Ako po kakatapos lang. Magandang…
Pang ilang attempt ko na yata 'to... Laging failed...Tsambahan talaga makapag post ngayon ahaha. Kanina pa nakaligo ang yuppy ko... Nakaligo na din ako. Nagtry ako mag upload kanina panay error. Pati pag heart and comment ang tagal pumasok. Hindi pa man natatapos ang pag type ko nag eerror agad. Hindi ko na habaan baka mawala ulit ahaha. Magandang hapon po kaingay.
Bigla akong napatingala sa puno ng atis ko sa likod bahay...may bunga pala ahaha. Sa tagal ng panahon biglang namunga tapos iisa pa. Pero di pa ako sure kung may bigla na naman mauuna sa akin pumitas tulad ng pakwan na kaytagal ko hinintay mahinog tapos iba pa ang nakakuha ahaha. Hindi ko kasi alam kung hinog na o hindi pa. Pero sa tingin malapit na din mahinog yan kasi parang bumubuka na yung balat nya.
https://youtu.be/rk5NVa4TBg4 Nag upload ako sa channel ko sa youtube ng kanta ko na hindi edited and song na hindi ko naman talaga kinakanta ahahaha. Natuwa lang ako sa effect ng promac v8 soundcard na nabili ko. Gagawan ko sana ng unboxing yung soundcard kaso tinatamad naman akong dumakdak sa camera at mag edit ahahaha.
Magandang gabi po noisemates....kakatapos ko lang po kumain. May bigla lang ako naisip na content baka kasi makalimutan ko na naman kung maghuhugas muna ako ng pinagkainan ahaha. Masyado lang akong humanga sa technician(IT) and web developer ng noise.cash. Ang galing talaga nila dahil ang bilis nasolusyunan ang problema ng platform na 'to. Naalala ko tuloy nung nasa training pa ako ng remotask na partime online job ko dati. Kapag lagi nag eerror ang system namin...few…
Ginabi na pala ako kakanood ng youtube video. Hindi ko na namalayan ang oras. Dati 8pm pa lang naggugoodnight na ko ahahaha. Matutulog na din ako mga katambay. Maaga pa pala bukas may simba. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Ingat po palagi. Lord salamat po muli sa buong magdamag. Salamat po sa mga biyayang aming natanggap. Dalangin ko po sa Iyong banal na pangalan na sana po ay ilayo Mo kaming lahat sa kapahamakan at karamdaman. Tulutan Mo po nawa na makatulog…
Have a Blessed Sunday po sa lahat. Lord thank you po sa muling pagmulat ng aking mga mata. Maraming salamat po sa panibagong pagkakataon na masilayan ang bagong umaga. Dalangin ko po nawa ay gumaling na ang mga may karamdaman lalong lalo na ang aking anak. Amen. Magandang umaga po sa inyo. Maaga po ako ngayon para magsimba. Pero aasikasuhin ko muna ang aking mga alaga bago gumayak. Yun lang po muna. Ingat po palagi. God Bless us all.
Mga kaingay jan po muna kayo...sisimba po ako. Sobrang nakahinga ako ng maluwag nung makausap ko ang anak ko. May trangkaso kasi siya kaya sobrang nag aalala ako lalo't hindi nya sinasagot ang tawag ko. Nakailang chat at txt na ko sa kanya at sa gf nya pareho silang hindi sumasagot. Panay na din ang dasal ko at plano ko na sana hindi magsimba. Pupuntahan ko na talaga sila. Yun pala nahimbing lang ng tulog. Thank you po Lord. Have a Blessed Sunday po sa lahat. Punta na po ako…
Magandang umaga po ulit. Nakasimba na po ako at nakapamalengke na din. Nakabalik na po ako dito sa bahay. Nakapagsalang na din ng sinaing ahahaha. Kasalukuyan po akong nagmimirienda ngayon ng sumang kamoteng kahoy na kamahal ng presyo...20 tatlong piraso ahaha. Dati apat isang tali bakit ngayon tatlo na lang. Sabagay kung kakanin na isang styro 50 pesos pero mas mukhang madami pa din ang dalawang tali ng suman sa isang styro ng kakanin. Tara po kape tayo. Ingat po lagi. God…
It's time to defrost my ref na siguro kasi ayaw na sumara ng pinto ng freezer. Lamangutngot na ahaha. Off ko na muna para tipid din sa kuryente kasi maglalaba ako ngayon. Nakalimutan ko kasi maglaba kahapon...akala ko next week pa ang schedule ko buti nakita ko na isang brief na lang pala ang nakatupi ahaha. Every 2 wks kasi ang laba ko kasi kokonti lang ang labahin ko sa isang linggo. Sayang naman ang sabon kung konti lang ang lalabahan. Magandang tanghali po mga katambay.
Nagbabanlaw pa lang ako ng labahin ko....biglang buhos ng malakas ng ulan. Nakakatakot din maghawak ng cp kasi ang lakas ng kulog at kidlat. Pati alaga kong aso nagtatago na sa sulok ng mesa. Parang nasa bubong lang kasi kapag kumikidlat ahahaha. Maulang hapon po sa lahat mga kaingay.
Kahit sabihin sa akin ng anak ko na okay na ang pakiramdam nya...sobra pa din ang pag aalala ko. Hindi naman na sya nilalagnat pero yung ubo at sipon nandoon pa din. Barado daw ilong nya kaya hindi siya makaamoy. Pilit ko na lang pinapauwi muna dito sa amin para maasikaso ko sya kesa nag aalala ako ng husto pero ang sabi nya sa akin baka ako naman daw ang mahawa sa kanya. Kahit sabihin ko na mahawa na kung mahawa okay lang sa akin basta maaasikaso ko sya. Maulang hapon po…
May nabasa akong post tungkol sa kung bakit daw may mga puso na walang value at sinagot yun ni noise.cash. Ang sabi ni noise.cash baka sila daw ay receivers, givers, spammers, baka daw namimigay ka ng tips to the same user, may agreement ka sa isang tao na magbibigayan kayo, o kaya may violation ang user or maybe naibigay na ng platform ang money for the day. Kung ako ang tatanungin kung alin ako diyan....siguro ang sagot ko ay isa akong giver. Kasi everytime na may lalabas…
So ayun po mga kaingay....gabi na naman at malamig ang panahon. Mapungay na ang singkit kong mata at gusto nang matulog ahaha. Sinabihan din ako ng anak ko na wag na magpuyat. At ang magandang balita medyo okay na daw ang pakiramdam nya. Hindi na sya nahihilo ngayong gabi at nilalagnat. Ang bait talaga ni Lord dahil isang dasal ko lang kaninang umaga ay pinagbigyan nya agad ang panalangin ko. Medyo nawala na din yung kaba at pag aalala ko. Lord sobrang salamat po sa Iyo.…
Magandang umaga noisemates. New day...new beginning. Thank you Lord for this wonderful morning. Sobrang aliwalas at presko ng panahon ngayon. Umulan kasi kagabi kaya napasarap ng tulog. Sabay pa sa lamig ng panahon kaya tipid sa kuryente. Hindi na din ako nag electric fan ahaha. Maaga ako nagising mga 5am yata pero nagsilip lang ako saglit dito. Lutang pa kasi isip ko kanina...wala pa maisip na ipopost ahaha. Nakahiga lang ako saka scroll ng bahagya. Kamusta na mga gising…
Ang aga kong ipinagluto ng ulam ang alaga ko...atay-balunbalunan syempre ulam ko din yan ahaha. Nag steam na din tuloy ako ng kaunting siomai pang mirienda ko mamaya. Ewan ko ba kung bakit naisipan ko din lagyan ang adobo ahaha. Trip trip din minsan. Tikman ko na lang mamaya kung masarap ang adobong siomai ahahaha. Magandang umaga po sa lahat. Keep safe always. God Bless.
Ang tatag pa din ng kapit ko kay bch kahit 8k na ibinaba sa ipon ko ahahaha. Ang presyo ngayon sobrang baba na Php29k+ na lang. According to bch price prediction pababa pa din for the next days. Baka kaya bumalik na sa dating presyo mula nung nag start ako na 23k lang...huwag naman sana ahaha. Nakakahinayang din kasi i-sell ngayon sobrang liit ng presyo. Sana pala nung nag 32k naglabas na ko tapos ibinalik ko ngayon. Pero nandiyan na yan. Hayaan na lang siguro. Magandang…
Kakatapos lang ng Madlang Pi-Poll sa #showtime. Nakiparticipate ako baka mabunot eh...sayang ang premyo ahahaha. Kailangang mag strategize para manalo. Piliin ang hindi common na isasagot ng studio player. Pero dito sa noise.cash parang ginagamit ko na din ngayon kasi pansin ko na less post more heart value. Pansin ko kasi ang 10 posts eh katumbas ng 3 posts ng iba ahahaha...Ang hirap pa naman mag isip ng content ahahaha...Magandang hapon kaingays.
Kabado ako sa mga kahati ko sa pagbayad ng internet. Pagabi na hindi pa ibinibigay yung share nila. Sa 7-11 pa naman ako pupunta para magbayad. Kulang ang laman ng coins.ph ko kaya hindi ko pwede abonohan. Ayaw ko naman ilipat ang bch ko kasi mababa pa ang rate. Bahala sila kapag naputulan kami. Student pa naman yung pamangkin ko at naglalaro ng axie yung isa ahaha. Medyo matagal pa naman daw magbalik ng internet connection ang converge kahit bayad ka na.
Nakabayad na ko ng internet. Mas mura pala charge sa 711 kapag nag direct kesa magload pa ko sa coins.ph ko . May charge na sa pagload...may charge pa pag nagbayad. Bale 7 pesos lang ang charge sa kiosk. Napaselfie din ako bigla paglabas ko ng 711 kasi parang ngayon lang yata ako nagawi ng gabi don. Mag goodnight na nga din po ako sa inyo. Maaga akong inantok malamig kasi ang panahon. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God Bless us all. Lord salamat…
Magandang umaga po mga kaingay. Napasarap ang talaga ang tulog ko. Thank you Lord sa mahimbing na pagtulog at sa muling pag gising ngayong umaga. Thank you sa panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Amen. Ito yata yung tulog ko na hindi ako nagising ng madaling araw para mag wiwi. Nanaginip din ako na hindi ko na maalala kung ano yun. Kundi pa siguro may makulit na pusa sa labas baka nakahiga pa ko. Nag iingay na mga alaga ko kaya bumangon na din ako para bigyan…
May visitor ako sa aking tanglad plant. Buti hindi naninira ng halaman. Saka parang ayaw yata ng kulisap ang lasa at amoy ng tanglad. Pasalamat talaga ako na pinaghiwalay ko nung magtanim ako ng tanglad. Yung binigay kasi sa akin parang limang lastay sa isang puno. Sinadya ko talagang ikalat sa paligid ko para lumago. Ayaw din kasi ng lamok at langaw yan. Pero kung nagkataon na itinanim ko lang sa isang lugar...baka wala na yan. Kasi yung inilagay ko sa likod bahay nawala.…
Tuwing kinakamusta ko ang anak ko kung okay na sya. Lagi nya sinasabi okay na po ako papa. Nagsusuob ako. Mahusay daw yung ginagamit nyang pangsuob nakita daw nya lang sa facebook. Very effective daw. Try nyo guys to baka effective din sa inyo. Pero syempre po joke lang yan ahahaha. Syempre si Lord ang talagang best doctor ng anak ko. At dasal ang pinaka epektibong gamot para gumaling agad sya. Magandang umaga po sa lahat. #goodvibeslang Photo credit to the owner.
I had an email received from noise.cash last September 17 that says I changed my wallet address on noise.cash or someone else did it. If that was me, then click the link to confirm. But I don't change my wallet address. What I remembered was I changed my wallet address when we received a notice from noise.cash that we have a new wallet. And if it's not me, don't click the link and click forgot password. But where can I find that forgot password button in our new bitcoin.com…
Guys gabi na po...and it's time to say goodnight na. Pero sure ako na marami pa din late matulog sa atin dito sa noise.cash. Dito kasi sa amin sa probinsya pag tumuntong pa lang ng 6pm ang relo parang gabing gabi na ahahaha. Tulad ngayon almost 9pm na mas lalo pa. Tahimik na din sa kalsada. Madalang na ang dumadaang sasakyan. Saka medyo kinokontian ko na din ang post ko ngayon kasi minsan parang sa fb dati na kapag flooded na ang mga post nag eerror na. Saka nakita ko na ang…
Maaliwalas na umaga po sa inyong lahat noisemates. Every gising is always a blessing. Thank you Lord for this wonderful morning. Mga 5am po gising na ko pero ang sarap mahiga kasi medyo malamig ang panahon. Lumabas lang po ako para kumuha lang ng picture ngayong 6:43am para lang may maishare na photo ahaha. Pero kung sisipagin lang sana ako lumabas ng maaga at mag bike baka may magandang sunrise ako maipakita. Kaya lang talagang nakakatamad lumabas lalo mag isa lang ako.…
Hindi ko talaga maiwasan na tumingala sa puno ng bayabas ko tuwing nadadaanan ko. Minsan sinuswerte naman makakita ng hinog. Madalas kasi nauunahan ako ng mga dumadaan ahahaha. Magandang umaga po kamema.
Ang mga bata dito sa amin laging nakatingala sa punong mangga kahit walang bunga. May dala din panungkit wala namang susungkitin ahaha. Yun pala ito ang sadya nila. Ang gagambang panglaban. Ito yata ang hindi masyadong nalaro nung kabataan ko kasi medyo takot ako non sa mga crawling insects ahaha.
Nakakainip din pala yung madalang kang mag post dito sa noise.cash... Kahit na wala kang maisip na topic. Pero maghapon halos ang isip mo talagang nandito. Mag iisip ka talaga ng kahit ano para lang may maipost. Kayo din ba kaingay...kahit may iba kayong ginagawa nandito pa din ang isip nyo ahaha. Parang nasa sistema na ng katawan ko ang noise.cash. Hindi mo na maialis na kahit man lang saglit eh hindi ka sisilip. Lalo na sa wallet kung may nadagdag ahaha. Tumayo lang talaga…
Mula nagkaroon ako nito saka naman ako dumalang kumanta. Ang lakas pa naman makaganda ng boses ahahaha. Saka ang hirap pala kapag gumagamit ka nito lalo sa umaga. May tumatawag na sa akin sa labas hindi ko pa napapansin kasi talagang puro music lang ang madidinig mo kapag nirereview ko yung kanta ko. Kapag tahimik naman ang gabi kapag kumakanta ko...sinasabayan naman ako ng tahol ng aso. Sabi siguro HOY MAGPATULOG KA NAMAN....ahahaha. Sige na nga po matutulog na ko.…
Maglalatag na sana ako ng higaan at iooff ko itong laptop ko bigla akong may naalala. Nanaginip pala ako kagabi ng mga numbers na papatayaan ko sana sa kapatid ko sa lotto ahaha. Hindi kasi ako tumataya....saka malayo kami sa lottohan. Huwag sana lumabas yung mga numbers. Mga bdays naming magkakapatid. Baka kasi tumama eh nakakahinayang. Huwag ko na lang palang tignan kung ano ang tumama bukas tutal hindi naman ako tumaya para walang panghihinayang ahaha. Goodnight na po…
Every gising is always a blessing. Thank you po Lord. Magandang umaga po sa lahat. Ang bilis talaga ng araw...Huwebes na agad. Singbilis nung tumawid ako sa kabilang kalsada makunan lang ang napaaliwalas na umaga. Buti na lang wala pang tao gaano sa labas kundi baka pagtawanan ako sa ginagawa ko ahaha. Hindi ko na ma-attach yung isa pang picture sa likod bahay...error 500 na naman. Tara guys umpisahan na natin ang araw na may ngiti at galak para positivity ay ma-attract.…
Mga kaingay magandang umaga. Mamalengke lang po muna. Green ang bch natin kaya naka green din ako ngayon para tuloy tuloy ang pag arangkada ahaha. Samahan natin ng positivity ang araw na 'to. Sabayan natin ang #bitcoincash sa pag angat. Ingat.
Guys nakapamalengke na po...at nalinis ko na din ang isda. Prito lang po ako ng tilapya ngayon at maglalaga din ako ng okra. Nakasalang na din ang sinaing. Inuna ko muna pala iluto ang adobong atay balunbalunan para sa alaga ko. Pagkatapos prito naman ako ng isda. Habang naghihintay akong maluto ang adobo...mirienda po muna tayo. Cassava cake at kape. Tara po kain tayo. Ayaw ma upload ng cassava cake ko...error 500 daw ahaha.
Nagkaroon ng biglaang shoot. Nagulat pa ako ng biglang may lumapit sa akin. Walang booking...basta on the spot agad agad ahahaha. Kaya kahit hindi pa ako nakabihis at hindi nakaready ang aking camera biglaan din akong nagready ng gagamitin. Mura lang naman ang singil ko and wala pang isang oras. Sa malapit lang naman ang shoot kaya kahit mababa ang singil ko okay lang naman. No edit...No print. Pero itong post ko inedit ko naman para mai-share ko dito. Magandang hapon…
Kanina ko pa 'to sana ipopost palaging error 500. Magyaya pa lang sana akong mag dinner pero nakatapos na akong ngayong kumain. Nakita ko kasi kanina 'to na kahit gabi na may bakas pa din ng konting sunset. Nalibang kasi ako kanina kaya di ko na napansin ang oras. Nagkataon na may nagpaload lang kaya ko lang nakita ang view na 'to. Magandang gabi po sa lahat. Keep safe.
Kakakain ko lang pero ginawa ko pang dessert itong nabili ko kaninang umaga na cassava cake. Medyo nanigas na kasi nilagay ko sa ref. Mirienda ko sana bukas 'to kaya lang nasa bibig ko pa ang lasa ng bagoong na may calamansi na pinagsawsawan ko ng isda kanina ahaha. Hindi ko naman inubos...bumawas lang ako ng konti. Siguro guys maggu-goodnight na din ako. Medyo napagod din ako kanina sa photoshoot. Wala na kasi gaano activity sa labas kaya konting lakad lang napapagod agad.…
Good morning everyone. Thank God it's Friday na. Pero dapat not only on Friday lang tayo magpasalamat sa Diyos. Everyday gising is always a blessing kaya be thankful everyday. Lord thank you for this brand new day. Thank you for a new beginning. Thank you Lord for waking me up this morning. Thank you for the gift of life. Amen. Magandang umaga noisemates. Kamusta po ang mga gising? Sana po palaging good mood at laging naka smile. Tulad po ng nakasanayan tuwing magigising…
Ang alam ko wala akong itinanim na gumamela na ganito ang kulay. Ang nahingi ko lang naman eh kulay pula at parang beige yata yun. Pero magkakatabi ko silang itinanim. Posibble ba na maghalo ang lahi nila kapag tabi tabi sila ng pinagtaniman? Yan nasa pangalawang picture talaga ang nahingi kong variety. Pero yung nasa una may shade of red kaya parang kulay pink na sya. Parang nagkakaroon na ng kulay ang paligid dahil sa mga bulaklak. May mga bagong buds na din sila.…
Hindi ko na namalayan ang oras. Nakalimutan ko na din magkape ahaha. Bumalik kasi ang interest ko sa pag edit ng pictures dahil sa photoshoot kahapon. Marami na ko nakalimutang effects sa photoshop. Kakain na lang siguro ako ng dinner. Dinnerienda na lang para tipid na din. Agahan ko na kumain kasi gutom na ko ahaha. Magandang gabi po sa lahat.
Ito yata ang rate nung magsimula akong mag noise.cash. Akala ko hindi na sya babalik sa ganitong rate. Pero tuloy pa din ang pagbaba. Natatakot na ko baka wala na matira sa ipon ko. Sana pala nung nag 27k na nag sell na ko. Ang dami na kasi kontrobersya sa crypto. Nabasa ko lang kanina sa post ni lods @Je0ff may issue na naman sa china about crypto. Kapag medyo umangat baka sell ko na muna kasi ang liit na ng natitira sa ipon ko kesa masayang. Since last week nasa 10k na…
Yung mga dati kong ginagawang editing sa mga photos na tulad nito limot ko na. Ilang years na din yata mula nahinto ako sa pag edit ng mga photos na tulad nito. Kaya ko pa dati ang mga pa softlight effect pero ngayon parang hindi ako satisfied sa mga color effects ko sa editing. Need ko ulit sigurong mag practice para makapa ko ang dati kong talent ahaha. Magandang gabi #photogPHOTOGRAPHERan and noisemates.
Sa totoo lang mas gusto ko talaga ang mga unedited kong mga kuha. Kaya sa camera setting pa lang sinisigurado ko na na hindi ko na kailangang mag edit pa. Pero minsan kailangan mo lang mag adjust sa brightness and contrast at kaunting crop para mai-center mo ang subject. Tulad ng isang ito...extra lang sya kasama ng model ko ahaha. Tinuro ko lang sa kanya ang tamang paghawak ng reflector kung saan dapat pasinagin ang araw sa subject gamit ang reflector. Ako ang kumuha at…
Ang bulaklak ay nalalanta ngunit ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi magmamaliw. Lord salamat po sa walang sawang pagmamahal sa amin. Maraming salamat po sa umagang ito sa muling paggising Mo sa akin. Amen. Magandang umaga po mga kaibigan. Happy weekend. Ingat po palagi. God Bless.
Ang plano ko gawin ngayong weekend...itutuloy ko na ang paglilinis sa harap ng tindahan ko. Papatagin ko ang mga tambak na lupa na iniwan ng contractor ng nawasa. Pero sa tapat ng ibang bahay na hinukay nila pinasemento pa. Pero dahil lupa daw ang harapan ng bahay ko hindi ako kasali. Pinagtambakan pa ko ahaha. Pero bago yun magtutoothbrush na muna ko kasi hindi ako magsusuot ng facemask ahaha. Mahirap magkalkal ng lupa na may harang ang mukha. Magandang umaga po sa lahat.
My sweat paid off kasi bukod sa nakapag exercise ako...nakapaglinis pa ako ng bakuran ko. Pero hindi ko pa natapos lahat kasi nahihilo na ko. Buti na lang nakisama ang panahon. Makulimlim lang at hindi mainit kaya kahit paano nakatagal ako sa ginawa ko. Maybe next day but not tomorrow ko na lang itutuloy kasi I deserve a break ahaha. Tara po mirienda na muna tayo.
Mga kamema at kanoise...kain na po tayo. Masarap po ang sawsawan ko. Toyo na may kalamansi, sibuyas at sili...nilagyan ko din ng kaunting suka at asukal. Parang yung sawsawan ng crispy pata. Imagine ko na lang na crispy pata ang ulam ko ahaha. Tara po kain tayo.
More than 3 decades yata nung huling natikman ko 'tong chiz curls. Na curious lang ulit akong tikman. Kasi napasama lang sa binili kong roller coaster potato rings na tinda ko. Iba na pala ang lasa nya. Medyo matabang na...di tulad dati na lasang cheese talaga. Dati dinidilaan ko ang daliri ko non kasi kumakapit talaga sa daliri yung cheese flavor ahaha. Pero baka naman nagbago na panlasa ko dahil pambata talaga ang chiz curls. Naging sitsirya kid kasi ako. Isa sa paborito…
Hindi na ako nagbukas ng tindahan ko kasi napagod ako kanina maglinis ng harapan ng bahay ko. Muntik pa makalampas ang grasya kasi nakasarado nga ang pinto at bintana ahahaha. Buti na lang umikot sa likod bahay yung pamangkin ko...akala ko magpapaload lang pero nakita ko may inaabot sa siwang ng bintana...buti kasya ang grasya ahaha. Tara guys mirienda na.
Nag effort ako ng kaunti sa pa sunset ngayon. Nagpunta na ko sa kita na sya ng buo ahahaha. Joke lang...nagpunta kasi ako sa land bank para mag wdraw ng padala kaya lang walang laman pera ang atm ahaha. Kaya ayan huminto na lang muna ko sa gilid kalsada sa may bakanteng lote at sa Palayan Park para magpicture. Meron din pala sa tapat ng Slerra Madre Suite dito sa Palayan City. Bale yung sunset flare naman sa kabilang side. Hindi din nasayang ang lakad ko kasi nasaksihan ko…
Good evening @Clicks&Shots noisemates. This afternoon, I went to the bank to withdraw money, but the atm was out of order. And since it was late afternoon and the sun was about to set, I first stopped at a place with a view of sunset before I went home. I didn't waste my time staying for a while because I watched the beautiful sunset. Lord, thank you for your wonderful creation.
Noisemates it's time to say goodnight na. Saturday is almost over and malalim na din ang gabi. Matutulog na din po ako kasi may simba pa bukas ng umaga. Kitakits na lang po ulit bukas. Ingat po palagi. Lord thank you po muli sa lahat ng blessings. Thank you Lord for letting me witness your amazing creation. And thank you so much for keeping us safe from sickness and all harm. Amen. Goodnight everyone. God Bless.
A Blessed Sunday to everyone. Lord thank you for waking me up again this morning. Thank you for letting me see the morning light. Thank you Lord for the gift of life. Amen. Mapagpalang umaga po sa inyong lahat. Kamusta po ang inyong gising? Sana po lahat good mood. Tara pong mag almusal na. Gagayak na din ako para magsimba pagkatapos. Diyan na po muna kayo at ako'y kikilos na baka malibang na naman ako eh baka ako ay ma late pa sa misa ahaha. Ingat po palagi. God Bless.
Mga kamema magandang umaga po sa lahat. Sisimba po muna ako. See you later. Ingat po palagi. Have a Blessed Sunday to everyone.
Yesterday and today will make a difference. We started from nothing but, if we strive harder, we will reach our dreams. Like a flower from a bud, it will bloom into a beautiful flower.
Halos maghapon na lang yata akong nag relax...nanginain ng bayabas at nagkalaykay ng tuyong damo habang nakatambay sa labas. Parang wala ako sa mood na mag cp ngayon. Nood lang sa laptop ng youtube videos pagkatapos kong alisin ang mga tuyong damo. Sumilip lang ako saglit dito sa noise...bigla ko nadaanan ang post ng bch dip. Ang laki na pala ng ibinaba pero todo pa din ang kapit. Baka kaya kung kelan sobrang baba na saka ko pa maisipang iligpit ahaha. Magandang hapon po…
#actofkindness Ang ganda ng message sa napanood ko na short video sa facebook upload ni Dharmann Studio...Sakto din sa homily sa church kanina. About giving and caring. May isang babae na halos lahat ng bagay na maibigan nya ay nakukuha nya pero hindi naman sya masaya. Kaya nagpakonsulta sya sa isang psychologist. Hindi lang daw sa mga bagay na mamahalin na kaya nyang bilhin ang makapagpapasaya sa isang tao. Dapat daw ay matuto ding magbigay. Hindi ka man siguro kumikita ng…
Happy Monday morning guys. Lord thank you for the gising. Thank you for this wonderful blessing. Salamat po Lord sa panibagong umaga at sa bagong simula. Kami po nawa ay manatiling ligtas sa lahat ng kapahamakan at anumang karamdaman. Amen. Magandang umaga noisemates. May nanghihingi na ng pagkain...gutom na yata. Tinanghali kasi ako ng gising. Naalimpungatan ako kagabi ng 11:35pm ewan ko kung bakit. Bigla na lang ako nagising sa kasarapan ng tulog ko. Mga 2am na yata ako…
Minsan medyo mabubwisit ka bigla sa makikita mo. Alam ko naman na hindi sinasadya...malamang kinalkal ng pusa ang basura ng kapitbahay kong motor parts and repair...pero dapat unahin muna nila ligpitin ang kalat bago sila magsimula ng kanilang negosyo. Alam naman na pinagpaguran ko ang paglilinis sa harap ng tindahan ko. Tanghali na nandiyan pa din ang basura nila.
Hindi mawawala talaga ang kahit simpleng bagay na makapagpapasaya sa araw mo... Hindi ako naunahan ngayon sa atis ko. Buti naalala ko na silipin kanina habang naglilinis ako sa likod bahay. Sure na matamis ito. Hinog sa puno at bumuka na talaga sa pagkahinog. Buti na lang hindi pa nahuhulog.
Yung alam kong nabudol ako pero masaya na din ako dahil alam ko na nakatulong naman ako. May isang binata na lumapit sa akin siguro nasa edad 16. Kumakain ako nung dumating sya. Ang ulam ko pritong itlog at tokwa lang kasi medyo parang ayaw ko kumain ng adobo muna kasi ulam ko na sya kagabi. Inabutan ako ng isang baretang sabon at isang powder. Libre lang daw kasama sa training nila. Sigurado ba kako na walang bayad kasi wala akong pera sa ngayon. Tinanong apelyido ko...may…