Sobrang hirap ng buhay

1 18
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Lahat tayo ay may iba't-ibang suliranin sa buhay. Mga problema na hindi matapos tapos at alam naman natin na normal ang magkaroon ng problema. Sabi nila lahat ng problema ay may solusyon. Ngunit nakadepende na lang sa atin kung paano natin ito lulutasin. May mga taong kinakaya ang mga problema na hindi kinakayanan ng ibang tao at ngreresulta ito ng pagwakas ng kanilang buhay. Ngunit mas marami pa rin ang may mga positibong pananaw sa atin. Mas marami pa rin ang pinipiling lutasin ang kanilang mga problema.

Ako ay nagmula sa mahirap na pamilya, hindi salat sa buhay. Hindi kami perpektong pamilya, tulad ng iba may mga sikreto, may mga hindi nagkakaintindahn at may ibat ibang paniniwala sa buhay. Sampu kaming magkakapatid, at pang-anim ako sa magkakapatid. Sa hirap na buhay namin lahat naman kami napagtapos ng high school ng aming mga magulang at lima sa amin ay nakapagtapos ng college. Si nanay ang naging haligi at ilaw ng tahanan. Ang tatay naman namin ay nagbibigay ng kaunting suportang pinansyal kay nanay. May lupa kami kung saan doon din namin kinukuha ang mga pandagdag sa mga gastusin namin sa araw maging sa pag-aaral. Kung iniisip niyo na hiwalay sila, ay nagkakamali kayo. Mukha lang silang hiwalay pero magkahiwalay lang ng tirahan. Hindi sila magkasundo. Ang nanay ko ay nakasentro sa pangangailangan naming magkakapatid at ang tatay ko naman nakasentro sa trabaho at sarili niya. Pero hindi aq galit sa tatay ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro hindi naman kasi talaga siya masama. Sa pamilya namin makikita na hindi lahat ng miyembro ay magkakasundo at nagkakaintindihan. Ang pakiramdam na nagkakahiyaan at nagpapakiramdaman. Hanggang ngayon nakikita at nararamdaman pa rin namin ang hindi pagkakasundo ng mga magulang namin. Kaya hindi nakakapagtaka na hindi rin kami malapit sa mga magulang namin. Hindi kami yung tipong nagbabahagi ng problema namin tulad ng problema namin sa paaralan, sarili, kaibigan at iba pa. Madalas magalit ang nanay namin pero naiintindihan ko iyon dahil siya lang naman ay sobrang stress dahil sa dami ng problema. Siya lang kasi ang humaharap sa mga problema dahil laging wala ang tatay namin.

Ngayong may asawa na ako, may pagsisisi dahil hindi ko pa rin natutupad ang mga tungkulin ko bilang anak. Hindi ko man lang masuklian ang mga paghihirap ng nanay ko para mapagtapos ako. Kaya hanggat nabubuhay ako gagawin ko pa rin ang lahat para makatulong kahit sa anumang paraan. Kaya't hangga't kaya ko pang solusyunan ang mga problema ko ayokong bigyan ng mga mabibigat na problema ang nanay ko. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang matulad sa aking pamilya ang pamilya ko noon. Dadalhin ko ang mga magagandang pangaral ng nanay ko. Iisipin ko lang ang mga positibong pinangaral sa akin ng aking nanay. Aminado ako na mahirap lang kami dahil mahirap din ang aking napangasawa pero pareho kaming nagsusuportahan sa mga gagawin namin upang maging magaan ang aming pamumuhay. Sa kabila ng hirap namin sa buhay hindi naman kami nagkukulang sa mga pangangailangan ng aming nagiisang anak.

Mahirap man o mayaman lahat naman ay hindi nawawalan ng problema. Tayo ay may kanya-kanyang lebel ng problema. Ang ating mga problema ay tulad ng pera, asawa, kalusugan at iba pa. Ngunit isa lang masasabi ko, sobrang hirap ng buhay. Ngunit sabi nga nila masarap mabuhay. Binibigyan tayo ng diyos ng problema na may kaakibat na solusyon. Ang buhay natin ay hiram at mahalaga na gamitin natin ito upang gumawa ng mabuti.

4
$ 2.59
$ 2.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @tired_momma
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments

Ganyan tayong mga Pilipino kahit gano kahirap ang buhay, laban lang!!! 🥰

$ 0.00
3 years ago