Rhinitis: Mga Sanhi, Sintomas, Paggamot

1 26
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Noong bata pa ako, ako lang yata ang walang allergy sa aming magkakapatid. Allergy sa manok, seafoods tulad ng alimango at hipon, bagoong at kung ano-anu pang klase ng ulam na masasarap.

Ano nga ba ang allergy?

Ang Allergy ay isang reaksyon ng iyong immune system. Ang mga kasama sa mga sintomas nito ay ang pangangati ng mata at balat, pagbahin, kasikipan ng ilong, paghinga, at pantal.

Sa buong buhay ko hindi ako nakaranas ng mga allergies kaya naman halos lahat na gustuhin kong pagkain ay nakakain ko. Hindi rin ako allergy sa mga alikabok, balahibo ng hayop o kahit pa sa mga matatapang na amoy. Sa madaling sabi, wala akong history ng mga allergies. Pagkatapos kong makarekober sa panganganak, naging madalas ang ubo at sipon ko tuwing umaga ngunit pagdating sa hapon ay bigla naman itong nawawala. Ngunit tumagal ito ng ilang buwan. Ang akala ko nung una ito ay dahil sa paglalaba ko gabi-gabi at pagbubuhat ng mabibigat kaya ipinagsawalang bahala ko lang ito. Nagpamasahe lang ako sa katawan at uminom ng gamot para sa ubo at sipon ngunit wala pa ring nangyari kaya't nagpasuri na ako sa doktor. Sabi ng doktor, ako raw ay may allergic rhinitis. Ang sanhi nito ay ang ang mga nalalanghap ko na matatapang na amoy, pulbos ng sabon panlaba, pulbo, alikabok at labis na paggamit ng electric fan dahilan para ako ay magkaroon ng allergy.

Ito ang nasal spray na madaling nakapagpagaling sa akin.

Ano nga ba itong tinatawag na allergic rhinitis?

Kadalasang nakakaranas ng allergic rhinitis ang isang tao dahil sa alikabok, damo, ipis o balahibo ng hayop.

Ang normaI na ubo at sipon ay kadalasang tumatagal mula tatlo hanggang limang araw. Ngunit, hindi tulad ng sipon, maaring tumagal nang isang buwan ang sipon at sakit na dala ng allergic rhinits, lalo na kung hindi madaling malaman kung ano ang nagiging sanhi nito. Nararanasan ito ng mga taong may asthma, maging ang mga taong may kapatid o magulang na may asthma.

Mga sintomas ng allergy rhinitis

Ang mga karaniwang sintomas ng allergic rhinitis:

  • Pagbahin

  • runny nose

  • baradong ilong

  • makating ilong

  • ubo

  • namamaga o gasgas na lalamunan

  • Makating mata

  • watery eyes

  • madilim na bilog sa ilalim ng mga mata

  • madalas sakit ng ulo mga sintomas na uri ng eczema, tulad ng pagkakaroon ng labis na tuyo,

  • makati na balat na maaaring paltos at umiyak

  • pantal

  • sobrang pagod

Lahat ng mga karaniwang sintomas na ito ay naranasan ko. Bukod pa rito madalas din sumakit ang ulo ko at hindi makatulog ng maayos.

Mga Sanhi ng Allergic Rhinitis

  • Polen ng mga Damo

  • Alikabok

  • Pet dander

  • laway ng pusa

  • amag

  • usok ng sigarilyo

  • Malamig na temperatura

  • Mga matatapang na pabango

  • hairspray

  • Polusyon sa hangin

Gamot para sa allergic rhinitis

Maaari mong gamutin ang iyong allergy rhinitis sa maraming paraan. Makipag-usap sa iyong doktor bago subukan ang anumang bagong hakbang sa paggamot para sa allergy rhinitis. Ang nasal sprays ay ang pangunahing nireseta sa akin ng doktor para sa allergic rhinitis at agad naman akong gumaling dito, kaya ito ang pangunahing irerekomenda ko para sa mga may allergic rhinitis.

Ang Nasal sprays ay maaaring makatulong na mapawi ang kati at iba pang mga sintomas na nauugnay sa allergy sa maikling panahon. Gayunpaman, depende sa produkto, maaaring kailangan mong iwasan ang pangmatagalang paggamit. Ngunit mas mahalaga pa rin ang pagkonsulta sa doktor bago ito gamitin.

Mga Paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng allergies

  1. Tuyuin ang basa sa banyo, kusina at towels para iwas amag.

  2. Magpalit ng madalas ng punda, kumot at kurtina.

  3. Iwas sa usok, siga, pintura, cutex, pabango kung may allergic rhinitis.

  4. Iwasang mag-ehersisyo sa labas ng umaga.

Sa ngayon hindi na ako nakakaranas ng allergy rhinitis dahil iniiwasan ko ang mga bagay na maaaring magdulot ng allergy. Tatlong buwan din ako gumamit ng nasal spray at tuluyan ng nawala ang sipon at ubo ko tuwing umaga.

3
$ 5.20
$ 5.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @gerl
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments

Same,pero wala akong gamot o pangontra,,tiis tiis Lang😂

$ 0.00
3 years ago