Pasko sa Pandemya

5 28
Avatar for jhuls
Written by
2 years ago

Halos dalawang taon ng nagpapahirap sa atin ang isang sakit na hindi natin nakikita. Marami na rin ang nagsakripisyo at labis na nasasaktan sa panahong ito. Ang tanong, kelan nga ba matatapos ito at masasabi natin na tayo ay malaya na?

Ngayong magtatapos na ang taon, paano kaya natin pinagdiriwang ang araw ng pasko? Bagong taon?

Dito sa aming probinsya ay makikita mo pacrin ang pagsunod ng mga tao sa pagsusuuot ng "facemask" ngunit hindi mo naman mararamdaman na pandemya pa rin dahil hindi magkamayaw sa paglabas o pamamasyal ang mga tao. Hindi ko ikakaila na isa ako sa mga taong lumalabag. Dito kasi sa aming probinsya ay maluwag na. Sumusunod pa rin naman kami sa protocol ngunit kung ikaw ay mamasyal yung kapwa mo naman ay hindi sumusunod halos nadadamay lahat. Dalawang beses namin sinubukan mamasyal at ito ang napansin ko. Wala ng social distancing, wala ng gumagamit ng face shield at sa pampublikong sasakyan siksikan na rin ang mga pasahero. Sa napansin ko mukhang di na yata muna kami lalabas dahil mukhang madla na nga ang nagsasabing wala ng "virus" sa paligid. Pagdating naman ng mga mall sa umaga ay makikitang konti ang mga tao pero pagdating ng hapon siksikan na din. Sa mga kainan naman disiplinado pa rin nila ang mga tao na gusto magdine in.

Sa bahay naman, kami ay hindi na nagluto ng kahit munting salu-salo dahil kaming tatlo lang namang mag-aama. Basta nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na sa amin. Tamang bigayan ng mga regalo at pera. Naglagay ng mga dekorasyon para kahit papaano ay ramdam pa rin ng mga bata ang Pasko. Wala din akon masyadong nakitang nangangaroling kundi mga bata lamang na nagkakasiyahan. Itong taong 2020 at 2021 ay talaga namang napakahirap para sa amin ngunit pilit nam8ng kinakaya para sa pamilya. Lalo na't bukod sa virus ay alam nating may mga nagdaraang bagyo. Sa darating na Bagong Taon ay wala kaming paghahanda kundi maglalagay lang ng kaunting prutas sa lamesa ay ayos na. Gusto kasi naming magsimula sa 2022 ng panibagong pagiipon para sa hinaharap. Ngayong marami na ang vaccine na nilalabas ay isa yun sa mga pag-asa ng mga tao para makalaya na sa kinsasadlakan. Lahat na rin kami fully vaccinated at ang apat na taon kong anak ay pinaturukan ko na rin ng flu vaccine dahil mahina ang kanyang baga. Sa awa ng Diyos lahat kami dito ay maayos.

Sa pagtatapos ng taon na ito ay sana maging maayos na rin ang buong mundo para naman maranasan ng mga tao at mga susunod na henerasyon kung paano ang maging masaya na walang kinatatakutang sakit lalo pa't hindi natin uto nakikita. Sa ngayon, nagaaral na anak ko "face to face". Isang guro sa tatlong estudyante ay maayos na para sa akin. Ngunit hindi ko pa rin kinakalimutan na gumamit ng facemask at magalcohol sa tuwing aalis at uuwi kami ng anak ko. Sana nga sa paparating na Bagong Taon ay malaya na tayo upang maranasan naman ng mga anak natin ang kalayaan nila sa paglalaro sa mga parke, pag-aaral sa mga eskwelahan at pamamasyal ng hindi gumagamit ng facemask. Para naman sa mga pamilyang biktima ng pandemyang ito, sana naman tulungan sila ng Panginoong Diyos na makabangon ulit at mabigyan ng panibagong pag-asa. Sa mga taong nakakaranas at bakas pa rin sa kanilang alaala ang krisis na nagpahirap sa kanila nawa'y bigyan sila ng lakas ng loob upang maging matatag at bumangon ulit. Alam natin ang buwan ng Disyembre ay buwan din ng mga bagyo. Sa mga nasalanta ng nakaraang Bagyong Odette sana matulungan sila upang makabangon ulit.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @Aiah_05
Avatar for jhuls
Written by
2 years ago

Comments

Sana lang natapos na, ang laki ng pinsala lalo na sa mga kabataan. Yung nga ginagawa dati biglang tumigil ng dalawang taon din. Pero kapag nag face to face classes Naman ang di ko alam kung anong sistema ng mga bata.

$ 0.00
2 years ago

Ako din. Yung tipong face to face classes pero kinakabahan dahil hindi mo din alam kung ang guro na makakasalamuha ay hindi infected. Nakakbahala. Ngunit kailan ba tayo magiging ganito? Habang buhay na lang ba tayo magtatago sa bahay?

$ 0.00
2 years ago

Hay salamat, tapos na ang Pandemic. Nakalaya na Rin Tayo lalo na ang mga bata.

$ 0.00
2 years ago

Naway dinggin ang iyong mga panalangin parungkol sa mga nasalanta ng bagyo at sa kinakaharap nating krisis ngayun sa gitna ngpandemya.

God bless you

$ 0.00
2 years ago

Maraming salamat po. Kaawa awa na kasi ang mga taong biktima ng kalungkutan.🥺 sana magkaroon na tayo ng kalayaan sa krisis na ito. Para rin sa mga batang sana ay naeenjoy ang pasko at bagong taon ngayon.

$ 0.00
2 years ago