Pagkawala ng mga larong Pinoy: Dahilan at Epekto

0 300
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Nakakalungkot isipin na ang mga tradisyunal na larong pinoy ay unti-unti ng nawawala sa ating kultura. Ang mga kabataan ngayon ay hindi maikakaila na bihira na makita sa mga kalsada na nakikipaglaro ng mga larong pinoy. Hindi tulad noong kabataan ko, ang mga larong pinoy ay aking naranasan. Nakakatuwa ang mga larong pinoy dahil marami kang matutunan dito. Noon, palagi kaming nasa kalsada at nakikipaglaro sa kapwa bata. Ngayon, halos lahat ng mga kabataan ay madalas maglaro ng video games at nasa bahay lang, nakakalimutan na ang mga tradisyunal na larong pambata.

Nasaan na nga ba ang mga larong pinoy ngayon? Bakit unti-unti na itong nawawala sa ating tradisyon? Ano nga ba ang naging dahilan at epekto kung bakit nawala ang mga ito?

Ang Larong Pinoy ay tinatawag ding "Laro ng Lahi". Ito ay mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Dito unang nalinang ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam nating makakabuti para sa atin.

Mga Dahilan at Epekto kung bakit unti-unti na itong nawawala sa kultura natin

Alam naman nating kung ano ang pangunahing dahilan ng unti-unti nitong pagkawala, ito ay ang pagsibol ng mga makabagong teknolohiya. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay umunti na ang naglalaro ng mga larong pinoy. Maraming mga bata ngayon ang nahuhumaling sa mga video games. Sa patuloy na pagbabagong ito,unti- unting naglalaho ang mga larong pinoy na siyang humubog  sa atin upang ihanda tayo at gawing responsibleng indibidwal nang sa gayon  ay maging produktibo tayo sa oras ng ating pagharap sa reyalidad ng buhay.Ito rin ang nagbigay ng kaalaaman sa noon nating mga murang isipan  dahil sa bawat  pagyapak natin sa lupa ay may mga aral tayong natututunan  na atin ring naisasabuhay.

Sa ngayon, ang mga kagamitang moderno ay talaga namang malaki ang epekto sa buhay natin na umaagaw sa oras natin sa ating pamilya at mga kaibigan. Hindi na rin natin nabibigyang halaga ang pakikipagkapwa-tao. Ang mga larong pambata noon ay nakakatulong sa katawan at kalusugan ng mga bata dahil ito ay maituturing na rin na isang ehersisyo. Ngunit ang mukha naman ng mga larong pambata ngayon ay nakakasama sa kanilang kalusugan at ngdudulot din ng addiction lalo na ang walang limitasyon na paggamit ng mga gadget.

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga tradisyunal na larong pinoy na hindi ko malilimutan dahil dito ko natutunan kung paano maging sport at makipaghalubilo sa iba pang mga bata:

  1. Patintero - tawag nito saamin ay "tubig-tubigan". Ito ay nilalaro sa isang parihabang parilya na iginuhit sa lupa. Ang rektanggulo ay karaniwang 5 hanggang 6 m ang haba, at 4 m ang lapad. Ito ay nahahati sa apat hanggang anim na pantay na bahagi sa pamamagitan ng pagguhit ng isang gitnang haba na linya at pagkatapos ay isa o dalawang linya na tumatawid. Ang laki ng rektanggulo at ang bilang ng mga subdibisyon ay maaaring iakma batay sa bilang ng mga manlalaro. Ang mga indibidwal na mga parisukat sa parilya ay dapat sapat na malaki upang ang isang tao ay maaaring manatili sa gitna na hindi maabot ng isang taong nakatayo sa linya. Ito ay nakakatuwang laro dahil mapupuno ng katatawanan ang mga kalahok dito.

  2. Luksong baka - ay isang tradisyunal na larong Filipino na nagmula sa Bulacan. Nagsasangkot ito ng isang minimum na 3 mga manlalaro at isang maximum na 10 mga manlalaro at nagsasangkot sa kanila ng paglukso sa taong tinawag na baka, ang pangunahing layunin ng mga manlalaro ay matagumpay na tumalon sa baka nang hindi hinawakan o nahuhulog sa baka.

  3. Piko - maraming klase ang larong piko, may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang  bato mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay mo.

  4. Taguan - ay isang tanyag na laro ng mga bata kung saan hindi bababa sa dalawang manlalaro ang nagtatago ng kanilang mga sarili sa isang itinakdang kapaligiran, na matagpuan ng isa o higit pang mga naghahanap. Ang laro ay nilalaro ng isang manlalarong napili na pumikit at magbibilang sa isang paunang natukoy na bilang habang nagtatago ang ibang mga manlalaro.

  5. Syato - Isang Stick Game. Ang Player A ay tumama sa kahoy gamit ang stick kaya nakakakuha ito ng sapat na hangin upang maapuan ng stick. Ang Player B sa kabilang banda ay kailangang asahan at mahuli ang maliit na piraso ng kahoy upang mapawalang-bisa ang mga puntos at maging kanyang turn O inaabangan ang panahon ng Player A upang makaligtaan ang pagpindot sa kahoy.

  6. Tumbang Preso - kilala rin bilang tumba lata ("patumbahin ang lata"). Sa paglalaro ng tumbang preso ang taya ay nagbabantay sa kanyang lata na huwag tamaan ng sinelas ng tumitira, nas loob ng bilog ang sinelas at kapag walang naka tira nito ang pinaka malayong sinelas sa bilog ay siya ang magiging taya, kapag tinamaan mo ang lata at ito ay tumayo ikaw ang taya, kapag nakulong sa bilog ang iyong sinelas – ikaw ang taya, kapag tinamaan mo ang lata at natumba ito dali dali kayong kunin ang sinelas ninyo bago maitayo ang lata ng taya at maabutan kayo ng taya na wala sa base.

  7. Sipa - ay itinapon paitaas para sa paghuhugas ng player gamit lamang ang mga binti, partikular ang lugar mula sa paa hanggang sa itaas lamang ng tuhod. Dapat na pigilan ng manlalaro ang Sipa na hawakan ang lupa sa pamamagitan ng pagpindot nito nang maraming beses. Ang bawat hit ay binibilang, ang manlalaro na sinisipa ang Sipa ang pinaka nagwaging laro.

  8. Chinese garter - kailangan ng flexibility, balance at coordination. Ang pangunahing layunin ng larong ito ay ang tumawid sa garter nang hindi nai-trip. Sa bawat pag-ikot, tumataas ang tangkad ng garter. Ang garter ayon at malaki ay nagsisimula mula sa ibabang antas ng binti at pagkatapos ng antas ng tuhod na iyon, at iba pa hanggang sa puntong matatagpuan ang garter sa itaas.

Ang aking mga nabanggit ay ang mga paborito at madalas kung laruin noon. Marami pang mga tradisyunal na larong pambata na pwede natin ipamana sa mga susunod na henerasyon. Kaya naman, hindi ko hinahayaan ang anak ko na puro na lamang gadgets ang nilalaro. Hinahayaan ko siyang makipaghalubilo sa mga kapwa bata at tinuturo ko sa kanya ang mga larong pinoy at mas nakikita ko ang saya at tuwa niya sa mga larong ito.

4
$ 5.78
$ 5.73 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @rosienne
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments