Paano maiiwasan magkaroon ng tigyawat

0 18
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago
Stress ka rin ba sa pabalik-balik na pimples? Ano- anu nga ba ang mga paraan para maiwasan natin ang pagkakaroon ng pimples at mapanatiling malusog ang ating kutis?

Isa ito sa mga karaniwang problema ng mga tenedyer. Mahigit sa 85% ng mga tinedyer ang may ganitong pangkaraniwang problema sa balat, na minarkahan ng barado na mga pores (whiteheads, blackheads), masakit na pimples, at, kung minsan, matigas, malalalim na bukol sa mukha, leeg, balikat, dibdib, likod, at itaas na braso. Nakakastress talaga dahil karaniwang sa mukha natin ito tumutubo. Dahil alam naman natin na kapag makinis ang ating mukha ay nakakadagdag ito ng ganda sa paningin ng ating kapwa.

Mag-iisang taon na rin mula nung magkaroon ng sakit na COVID-19 sa buong mundo at sa paglabas natin sa bahay ay kinakailangan natin magmask para iwas hawa sa sakit. Ito ay kasa-kasama na natin sa pangaraw-araw na kasuotan kapag lalabas para maggrocery, pumasok sa trabaho, magsimba at iba pa. Ngunit sa pagoobserba ko may napansin ako sa mukha ng kapatid ko. Padami ng padami ang kanyang pimples at doon ako nagkaroon ng ideya kung anong naging sanhi nito. Sa palagiang pagsusuot niya ng mask nagkakaroon na pala siya ng acne mecahnica dahil sa init, friction at pressure sa balat.

Ano nga ba ang tigyawat?

Ang tigyawat ay isang maliit na pustule o papule. Ang mga pimples ay nabubuo kapag ang mga sebaceous glandula, o mga glandula ng langis, ay nabara at nahawahan, na humahantong sa namamaga, pulang mga sugat na puno ng nana. Karamihan sa mga tao na may acne ay may edad na nasa pagitan ng 12 at 25. Ito ay karaniwang tumutubo sa ating mukha ngunit pwede rin itong mapunta sa likod, leeg, at dibdib.

Paano nga ba natin maiiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat?

Maraming pamamaraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat, ito ay ang mga sumusunod:

  1. Maayos na hugasan ang iyong mukha. Maghilamos ng mukha gamit ang maligamgam na tubig at mild cleanser na sabon upang alisin ang labis na langis, dumi at pawis araw-araw. Gayunpaman, iwasan ang sobrang dalas na paghilamos dahil maaari itong maging sanhi ng pagkatuyo ng iyong balat.

  2. Alamin ang uri ng iyong balat. Gumamit ng cleanser na naaayon sa uri ng iyong balat. Gumamit ng alcohol-free cleanser para maiwasan ang pagkatuyo ng balat. Gumamit ng moisturizing cleanser kung tuyo ang balat at oil control cleanser naman para sa mga oily face.

  3. Magkaroon ng sapat na tulog. Kapag late matulog at kulang sa tulog mapapansin natin ang mas maraming sebo na inilalabas ng kutis natin na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng tigyawat.

  4. Manatiling tayo ay hydrated. Upang mapanatiling hydrated ang iyong katawan, uminom ng 8 ounces basong tubig araw-araw. Kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa alkaline. Siguraduhing laging may sapat na dami ng tubig ang ating katawan.

  5. Palitan ang punda ng unan lingo-lingo - Kahit pa tayo ay naghilamos ng sampong beses kung ang punda naman ng unan natin ay marumi, kakapitan pa rin ng dumi ang mukha natin dahilan upang magkaroon tayo ng tigyawat samukha.

  6. Limitahan ang makeup - Nakakaakit na gumamit ng pampaganda upang magtakip ng mga pimples. Gayunpaman, ang paggawa nito ay maaaring magbara ng mga pores at makapag-agaw ng mga pagputok.

  7. Bawasan ang stress - kapag na-stress ka, ang iyong katawan ay gumagawa ng mas maraming mga hormon na nagpapasigla ng langis. Ang ilang mga pagpipilian upang matulungan kang pamahalaan ang stress ay: yoga, pagmumuni-muni, masahe, at aromatherapy.

  8. Iwasan ang mga pagkaing mamantika - ang sobrang malalangis na pagkain tulad ng taba ng karne o mga ulam na masyadong mamantika ay nagpapadami sa tagyawat dahil yan ay nagtataglay ng lactose na isa ding uri ng asukal.

Sa pangkalahatan, ang paglago ng ating mga tigyawat ay nakadepende sa mga ginagagawa at kinakain natin araw-araw. Kaya hangga't maaari nating iwasan ang pagkakaroon ng mga ito at hindi humantong sa malalang kondisyon ay gawin natin ang mga ilang paraan ng tamang pag-alaga sa balat natin. Sana ay nakatulong sa inyo ang maikling artikulo na ito.

3
$ 6.04
$ 6.04 from @TheRandomRewarder
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments