Mga Panaginip at Kahulugan nito

0 46
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Madalas ba kayo managinip? Anu-ano ang mga napapanaginipan niyo? Ito ba ay masasama o masasayang panaginip? Bakit nga ba tayo ay nanaginip? Ating alamin sa artikulong ito at bigyan natin ng kahulugan upang tayo ay magkaroon ng ideya tungkol sa mga ito.

Ang panaginip ay isang natural na pangyayari sa isang tao. Ito ay magkakasunod na mga imahe, ideya, emosyon, at sensasyon na karaniwang nangyayari nang hindi sinasadya sa isipan sa ilang mga yugto ng pagtulog.

Ang mga pangyayari sa ating panaginip ay walang kapaliwanagan at hindi natin ito lubos na nauunawaan kahit na sila ay isang paksa ng pang-agham, pilosopiko at relihiyosong interes sa buong naitala na kasaysayan.

Ito ang ilan sa mga mdalas laman ng ating panaginip at mga kahulugan nito:

  1. Nakahubo't-hubad sa publiko - babala daw ito na huwag masyado maging open sa iyong personal life. Mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan. Maari kang mahusgahan ng mga tao sa iyong paligid.

  2. May humahabol sa iyo - simbolo daw ito ng iyong paghahangad na takasan ang takot at kalungkutan. Kung hayop ang humahabol sa iyo, tinatakasan mo ang iyong tunay na nararamdaman tulad ng pangungulila, kalungkutan at galit. Kung hindi mo naman kilala ang humahabol sa iyo ito ay simbolo ng childhood trauma.

  3. Pagkalagas ng iyong mga ngipin - nangangahukugan daw ito ng sobra mong pagiging banidoso sa katawanat natatakot ka ring mawala ang iyong personal power

  4. Kamatayan - ang pagkamatay mo sa panaginip ay nangangahulugan daw ng pagkawala ng isang aspeto ng iyong pagkatao. Kung ang mahal mo naman sa buhay ang namatay sa iyong panaginip, ikaw ay nangungulila sa kanya naninibago ka sa pakikiyungo niya sa iyo.

  5. Tubig - ito naman ay sumisimbolo sa emosyon. Ang maitim na tubig ay tanda raw ng mga alalahaning paparating at ang malinaw naman na tubig ay senyales ng payapang emosyon at kasiyahan sa hinaharap. Sa panaginip ay pahiwatig na handa kang magtake -risk para sa iyong ambisyon. ito ay nagpapaalala na kumilos na upang matupad na ang iyong mga hangarin sa buhay.

  6. Lumilipad - ibig sabihin daw nito ay mayroon kang tinatakasang problema sa iyong waking life at naghahangad kang mabago ito.

  7. Late ka na - marami ka raw hangups at frustration sa buhay. Nakakaramdam ka ng stagnation at pakiramdam mo nawawala na rin sa tamang direksyon ang iyong goal sa buhay.

  8. Nahuhulog - ayon sa psychology, ito ay simbolo ng insecurity at anxiety. Ito ay ating napapanaginipan kapag nasa transition period ng iyong buhay.

  9. Pinagtataksilan ka ng partner/asawa mo - Sa iyong pagdududa sa katapatan ng iyong partner, ito ay nagrireplay sa iyong panaginip. Ikaw ay labis na nagdududa dahil sa pagkabusy at kawalan ng atensyon sa iyo ng asawa mo.

  10. Sanggol - ibig sabihin daw nito ay ang simulain at paghahangad na makaramdam ng pagkalinga at pagpapahalaga sa isang taong iniibig mo.

Base naman sa aking karanasan tungkol dito, may mga sitwasyon o pangyayari na kung saan nauugnay ang ating panaginip sa waking life. Ito ay nagpapaalala ng sitwasyon natin sa kasalukuyan. May mga bagay na hindi natin maisiwalat sa kapag tayo ay gising ay sa panaginip lumalabas. Halimbawa namimimiss mo ang taong iyon, ang paglabas ng iyong tunay na emosyon, dahilan para mapanaginipan mo ang taong iyon. Minsan naman may panaginip talaga tayo na nagbibigay babala o kaya naman nagbibigay mensahe. Tulad ng mga panaginip sa mga yumao nating mahal sa buhay lalo na kapag malapit na anibersaryo o kaarawan nila.

Maaari kang makakuha ng sagot sa panaginip sa mga suliraning kinakaharap mo sa kasalukuyan. Maaari ring maranasan mo sa iyong panaginip ang isang pangarap na hindi mo naman kailanman mararanasan sa iyong waking life. Kung tayo naman ay nakakaranas ng masasamang panaginip, isa lang ang pwede nating gawin, yun ang magdasal at manalig sa Panginoon.

3
$ 6.34
$ 6.34 from @TheRandomRewarder
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments