Ayon kay Doc Willie Ong, ang pinakamasustansyang prutas sa buong mundo ay ang saging.
"An apple a day keeps the doctor away". Mali po iyan. Ang bago ngayon ay 'Two bananas a day keep the doctor away'," ani Doc Willie Ong.
Gaano nga ba ito katotoo? Ano-anu nga ba ang mga health benefits ng saging?
Isa ako sa mahilig sa iba't-ibang uri ng saging dahil bukod sa masarap na masustansya pa. Kumakain kami ng saging ng pamilya ko bago kumain ng agahan. Nakaugalian na natin na ang prutas ay gawing panghimagas pagkatapos kumain. Kaya naman nagreresulta ito ng pagdighay, paghilab na may kasamang pananakit ng tiyan, pakiramdam na laging puno ang tiyan at pangangasim ng sikmura. Isa hanggang dalawa ang kinakain namin na saging na parang isang appetizer na rin dahil nalaman namin na ang saging ay mainam kainin kapag wala pang laman ang tiyan natin.
Mga benepisyo sa kalusugan ng Prutas na Saging
Ito ay pampalakas ng enerhiya. Ang saging ay nagbibigay ng enerhiy sa ating katawan dahil ito ay nagtataglay ng potassium na para sa normal na pagtibok ng puso. Para sa mga nag-eehersisyo, may malaking benepisyo upang hindi ka madaling manghina at upang manatili ang lakas ng iyong katawan.
Ito ay gamot sa ulcer, mahapdi ang sikmura, hyperacidity at gastroesophageal reflux disease (GERD.). Ang saging ay may component na leucocyanidin na kung saan ito ay tumutulong upang pakapalin ang lining ng stomach.
Tumutulong para sa normal na pagdumi. Naglalaman ang mga saging ng tubig at fiber, na kapwa nagtataguyod ng pagiging regular at hinihikayat ang kalusugan sa pagtunaw. Ang isang daluyan ng saging ay nagbibigay ng humigit-kumulang 10% ng mga pangangailangan ng fiber ng isang tao sa isang araw.
Ang saging ay mayaman sa Vitamin C. Kung sa pagkakaalam natin ang mga oranges, citrus at maaasim na prutas lang makukuha ang Vitamin C ay nagkakamali kayo. Ang saging ay pwedeng alternatibong pagkukunan ng bitaminang ito.
Mabisang pagkunan ng Vitamin B6 (pyridoxine). Ang pyridoxine ay tumutulong para sa pagpapagaling ng mga may anemia at neuritis (pamamaga o impeksyon sa nerve.)
Ito ay mabisang pangontra sa stress. Ang saging ay may isang maliit na halaga ng tryptophan, isang amino acid na kapag isinama sa saging na likas na bitamina B6, ay nakakatulong na mapalakas ang paggawa ng serotonin,serotonin (pag-anagt ng mood brain neurotransmitter) napakakalma nito ang iyong mood.
Ang balat ng saging ay pangontra sa pangangati. Huwag itapon ang mga balat ng saging kung mayroon kang makati na kagat ng lamok. Ang paghuhugas sa loob ng isang balat ng saging ay binabawasan ang pangangati at pamamaga ng mga kagat ng insekto.
Ang saging ay may mataas na level ng mga mineral na copper, magnesium at manganese. Ang copper ay kailangan para sa produksyon ng red blood cells. Ang magnesium ay nagpapatibay ng buto maging ang puso natin. Ang manganese naman ay may bahaging ginagampanan sa paglikha ng anti-oxidant.
Nakabubuti ang pagkain ng dalawang saging sa isang araw upang mapunan ang mga sustansyang kailangan ng ating katawan. Para sa mga may diabetes, hindi masama ang kumain ng saging basta’t huwag lalampas sa dalawa ang makakain sa isang araw. Mas maigi rin na kumain ng prutas na wala pang laman ang iyong tiyan, mawawala ang mga problemang tulad ng pamumuti ng buhok, nakakalbo, bigla na lang inaatake ng nerbiyos at pangingitim ng paligid ng mata.Lahat ng prutas ay "alkaline". Wala daw prutas na acidic. Nagiging acidic lamang ito kapag humalo ito sa mga pagkaing dati nang nasa bituka/tiyan. Kung kayo naman ay mahiling uminom ng mga fruit juice kinakailangan ito ay fresh dahil kung ito ay dumaan sa food processing, nakakatunaw ito ng vitamins
[bad iframe src]