Ang away ng mag-asawa ay normal lamang. Ang mga away at diskusyon ay normal sa mga magkarelasyon. Bahagi rin ito ng isang magandang relasyon sa asawa o partner ang mga away o diskusyon. Ngunit, kung tumitindi ang bangayan, at nawawalan na ng respeto sa isa't isa tuwing mag-aaway, kailangan itong aksiyunan agad kung nais pang salbahin ang pagsasama.
Bakit kailangan aksyunan ang lumalalang pag-aaway? Ito ay para hindi mauwi sa hiwalayan o kaya naman mauwi sa pisikalan.
Sa katunayan, minsan hindi nila napapansin, nag-aaway na sila. Hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng magkaibang background. Hindi nagtutugma ang mga bagay na mayroon sila.
Ang isang normal na away ay madalas na mayroon pa ring matatamis na palitan ng mga salita sa kabila ng di pagkakaunawaan. Nananatili pa rin ang respeto at pagmamahal habang nakikipag-usap sa partner.
Sa kabilang banda, kapag mayroon nang lumalabas na masasakit na salita at tila madalas na itong nagaganap, ito na ang away na nakapipinsala sa isang relasyon.
Mga bagay na madalas pag-awayan ng mga mag-asawa:
Kawalan ng oras sa isa't-isa. Dito nagsisimula ang problema ng mag-asawa dahil kapag nawawalan sila ng oras sa isa't-isa lumiliit ang pagkakataong makapagbonding sila. Sa ganitong pagkakataon, dapat sila ay magkaroon ng masinsinang pag-uusap sa isa't-isa. Makakatulong ang salitang "tayo" dahil ito ay tungkol sa kanilang dalawa kung paano nila maiintindihan na bahagi ng kanilang buhay ang isa't-isa.
Away Pinansyal - Sa pagbubudget, nagkakaroon ng problema ngunit mahalagang masolusyunan ito ng hindi nauuwi sa matinding pag-aaway. Kailangan lang respetuhin ang bawat opinyon. Lahat ng mga mag-asawa dapat maging open-minded tungkol sa pera.
Pagkakaroon ng isyu sa mga biyenan. Ang buhay ay mag-asawa ay hindi mawawalan ng pagmamalasakit mula kanilang mga biyenan. Ngunit, ang mga biyenan ay dapat gumagabay lamang, hindi nanghihimasok sa buhay mag-asawa dahil dito nagkakaroon ng problema ang isang relasyon. Kadalasan nangyayari ang problemang ito sa mga puna tungkol sa kung paano palakihin ang kanilang apo. Sa pagkakataong ito nagkakaroon ng kampihan sa pagitan ng mga biyenan. Isa lang naman ang solusyon dito, ito ay ang respeto.
Negatibong gawi sa pamamahay. Kung tutuusin ito ay maliit na bagay lamang na lumalaki dahil sa hindi pagkakaunawaan. Tulad ng napabayaang nakabukas na gripo, isa sa mga sanhi ng pag-aaway na lumalaki dahil sa diskusyon. Dito ay kailangan ng konsiderasyon ng kung sino man ang mas may pag-unawa.
Kakulangan sa intimacy. Napakaimportante ng intimacy sa mag-asawa dahil nakakatulong ito upang magkaroon ng matibay na relasyon ang bawat isa. Ang pakikinig sa isa't-isa ay isang halimbawa nito.
Selos. Ito ay nagiging problema ng mag-asawa lalo na sa mga mayroong trabaho. Dahil sa trabaho, nasa mundo sila ng pakikisama at nauuei ito sa matinding pagseselos sa isa't-isa.
Sa huli, mas mainam pa rin na maresolba ang relasyon dahil sa pagmamahal at tiwala sa isa't isa, at di lamang dahil sa mga anak. Pagkakaintindihan at respeto ang pinakaimportante sa buhay mag-asawa.
Mahalaga ang komunikasyon sa pagsasama ng isang mag asawa. At kailangan parebo nilang mahal ang isa't isa.