Bahagi ng buhay ng tao ang pagtanda. Ang pagtanda ng isang tao ay may malaking pagbabago sa pisikal at sikolohikal na aspeto. Ito ay nagsisimula mula sa kapanganakan natin dahil pinaka mabilis sa panahong iyon ang paghahati ng selula at paglaki, at dahan-dahan itong bumabagal habang lumilipas ang panahon.
Ngunit, kailan nga ba natin masasabing ang isang tao ay nasa "old age" at ano ang mga karaniwang karamdamang nararanasan sa yugtong ito ng buhay?
Ayon sa ilang eksperto, nag-uumpisa ang "old age" sa edad na 60 hanggang 65.
Sa ganoong edad, normal umano ang pagkakaroon ng ilang karamdaman. Kasama sa proseso ng tumatanda na ang maraming pagbabago sa katawan kabilang ang: mga pagbabago sa paningin, pandinig, memorya, at marami pa, ito ay tinatawag nating "normal aging".
Kasama sa mga madalas na maramdaman ng mga dumarating sa "old age" ang pagbabago sa hormones o iyong mga substance na nagkokontrol sa mga sistema ng katawan. Isa sa pangunahing palatandaan ng pagtanda ng babae ay ang pagtatapos ng pagregla. Maaaring biglaan ito, o unti-unting huminto sa loob ng 1–2 taon. Sa karamihan ng kababaihan, nangyayari ito sa pagitan ng edad 45 at 55. Ang menopause ng mga babae o paghinto ng regla ng babae ay dahil "kulang na ang isang babae sa estrogen". Kung sa babae may tinatawag na menopausal stage, mayroon din sa mga lalake. Andropause naman umano ang katumbas nito sa lalaki kung saan nanghihina ang lalaki dahil sa kakulangan sa hormone na testosterone.
Menopause vs. Andropause
Ang menopos ay ang oras sa buhay ng isang babae kung saan huminto ang kanyang pagreregla. Nangyayari ito dahil ang mga ovary ng babae ay hihinto sa paggawa ng mga hormone estrogen at progesterone. Ang isang babae ay umabot na sa menopos kung hindi na siya dinadatnan sa loob ng isang taon. Ang andropause ay posibleng mangyari sa mga lalaki. Ito ang kilala rin sa tawag na “male menopause.”Mula sa edad 30 ay unti-unti nang bumababa ang lebel ng testosterone ng lalaki ng 1% kada taon. Pagdating ng edad 70 ay posibleng bumaba na ang lebel ng testosterone ng halos 50%.
Mga Sintomas: Menopause at Andropause
Mga Karaniwang sintomas ng menopos sa mga babae:
insomnya
pagkatuyo ng ari
Pagdagdag ng timbang
depresyon
pagkabalisa
nahihirapan mag-concentrate
mga problema sa memorya
nabawasan ang libido o sex drive
panunuyong balat, bibig at mata
nadagdagan ang pag-ihi
masakit o malambot na suso
sakit ng ulo
racing hearts
UTI
Masakit o matigas na mga kasukasuan
less full breast
pagnipis o pagkawala ng buhok
increase hair growth sa iba-ibang parte ng katawan tulad ng leeg, mukha, dibdib at itaas ng likod
nabawasan ang kalamnan
reduced bone mass
Mga sintomas naman ng Andropause ay ang:
Pagbawas ng gana sa sex
Lumiliit na mga masel ng katawan
Panghihina
Pagbaba ng kumpiyansa sa sarili
Paggamot
Para sa mga lalake, una, kumain ng masustansya at ituloy ang regular na ehersisyo. Pangalawa, magpa-check up sa doktor para malaman kung may ibang dahilan ang iyong nararamdaman. Para naman sa mga babae, ang menopause ay panadalian lamang. Ito ang ilan sa mga dapat gawin: kumain ng sapat, magkaroon ng maayos na tulog, mag-ehersisyo araw-araw, kung mayroong panunuyo sa pwerta o makaramdam ng sakit habang nagtatalik, gumamit ng over-the-counter na water-based lubricants (tulad ng KY Jelly), kumain ng soya tulad ng soy milk at tokwa at mag-practice ng mag-relax.
Habang bata pa, mahalaga na alagaan ang kaniyang pangangatawan para maiwasan ang mga sakit pagdating ng pagtanda. Simulan ito sa ating kabataan, upang pagdating natin sa old stage ay mabawasan ang ating mga karamdaman. Ngunit ang menopausal stage ay isang normal na nangyayari sa ating pagtanda.