Maruming Palikuran sa mga Pampublikong Lugar

0 49
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Gaano kahalaga ang isang malinis na banyo?

Para sa akin, mahalagang-mahalaga. Sa totoo lang, kapag malinis at maayos ang isang banyo ng anumang pampublikong lugar ay hindi ako nagaatubili na gumamit nito. Sa simbahan, paaralan, parke, mall, airport at iba pang mga pampublikong palikuran ay mahalaga ang kalinisan. Ang mga lugar na ito ay mayroong mga palikuran na nakakatulong naman sana sa mga taong pumupunta rito ngunit kapag hindi kaaya-aya ang amoy at itsura nito ay hindi ka maeengganyo na gamitin ito. Ang maruming palikuran ay nakakaapekto rin sa ating kalusugan.

Ang Pampublikong Palikuran ay isang pasilidad na may mga kubeta at labatoryo na hindi bababa sa isa na itinatayo para sa pangangailangan ng pangkalahatang publiko. Ang maayos na palikuran ay binubuo ng lababo, salamin, kubeta at iba pa. Sa pagdaan ng panahon, sa pag-unlad ng teknolohiya at mgasuliraning sanhi ng agarang pagbabago sa mga pasilidad,iba’t ibang pagbabago ang nangyari saitsura ng mga palikuran. Ang mga palikuran ayhindi lamang ginawa para sa pagdudumi. Bagoang modernong panahon ito ay nagsilbing lugarkung saan nag-usap-usap ang mga mayayaman omahihirap kasabay ng pagdumi. Pagdating namansa modernong panahon ang mga pampublikong palikuran ay nagsilbing puwesto kung saan hindi naaangkop o ilegal na mga gawain angnangyayari tulad ng pagdodroga, pagtatalik at tampalasan.

Malaking tulong ang libo-libong banyo na ipinapagawa ng ating gobyerno sa mga Pampublikong Palikuran. Ngunit napapanatili ba natin ang kaayusan at kalinisan ng mga ito? Maganda sana kung napapanatili nating ang kalinisan ng mga ito. Kadalasan kasi, sa umpisa lang malinis pero habang tumatagal, nababaon na rin sa limot at walang pag-aalaga. Ito ang sakit ng maraming establisyamento. Maganda at malinis sa umpisa, pero habang tumatagal, nakakadiri nang pasukan. Sana naman sa pagpapagawa ng mga pampublikong palikuran ay gumawa rin ng paraan kung paano ito mapapanatiling maayos kasabay ng pagiging responsable din ng mga gumagamit nito, Oo! tayong mamamayan ay maging responsable sa paggamit nito.

Katulad na lamang sa mga pampublikong paaralan. Kawawa naman yung mga bata na walang mapuntahan para magpaginhawa. Kadalasan, tinitiis na lang hanggang sa makauwi. Kung mayroon man palikuran dito ay may kakulangan naman sa tubig na kung saan napakahalaga rin para sa kalinisan ng mga palikuran.

Ako ay isang mamamayan na naging iresponsable din sa paggamit ng mga pampublikong palikuran dahil na rin sa mga nangangalaga ng mga palikuran na ito. Noong ako ay nasa elementarya pa lamang hindi ako sanay umihi sa pampublikong palikuran ngunit kung nasa paaralan ka mapipilitan kang umihi sa palikuran dito. May mga oras na ihing-ihi na ako ngunit walang tubig, tinitiis ko na lamang ang baho ng banyo at hindi ko na rin nabubuhusan ng tubig dahil wala ngang sapat na tubig. Gumagawa na lang din ako ng paraan kung paano ako umihi sa banyo na iyon. Sa isang terminal ng dyip naman, ihing-ihi na ako at kailangan ko ng banyo. May nakita naman ako at dali-dali akong pumasok dito. Kumpleto naman ang bawat sulok nito ngunit tila ang itsura ng banyo na ito ay parang isang taon ng hindi nililinis dahil sa kulay kalawang na kulay ng buong paligid nito. Mabaho din ang amoy nito. Nagtataka ako dahil ang pag-ihi at pagdumi dito ay may bayad, limang piso sa dudumi at dalawang piso sa iihi. May sapat ding tubig para ito'y linisin ngnit ito ay madumi pa rin.

Malaking bagay talaga ang malinis na palikuran, kahit saan ka pa magpunta sa mundo. Sino ba naman ang gustong pumasok sa marumi at sirang palikuran? Hindi ba, lahat tayo ay gustong magkaroon ng malinis na palikuran, ngunit bakit ayaw natin panatilihing malinis ang mga ito?

Isa lang ang maisasagot ko sa tanong na ito. Maging responsable ang bawat mamamayan na gumagamit nito.

 

 

 

2
$ 5.17
$ 5.17 from @TheRandomRewarder
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments