Mabisang paraan upang mabawasan ang iyong stress

0 27
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Sa buhay ng tao ang stress ay laging nandiyan, ito ay bahagi na ng ating buhay. Lahat naman yata ay nakakaranas ng stress araw-araw bilang bahagi ng buhay. Bawat tao ay may iba't-ibang lebel ng pagkastresssa kanilang buhay. Ang stress ay maaaring magmula sa mga mahihirap na gawain, tulad ng paghanap ng trabaho o pagaaral ng Ingles, at mula rin sa mga bagay na dapat ay masaya, gaya ng pakikihalubilo o pakikipagkaibigan. Hindi natin maiiwasan ang stress, ngunit maaari kayong matutong magbawas ng mga ito upang masiyahan kayo sa buhay at hindi humantong sa pagkakasakit ng katawan o sa kaisipan.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng stress?

Ang stress ay isang pakiramdam ng emosyonal o pisikal na pag-igting. Maaari itong magmula sa anumang kaganapan o pag-iisip na sa tingin mo ay nabigo, nagalit, o kinakabahan. Ang stress ay reaksyon ng iyong katawan sa isang hamon o pangangailangan.

Ayon sa mga psychologists at psychiatrist, ang mga sumusunod ay ang mga mabisang paraan upang mabawasan ang iyong stress:

  1. Ang pagsusulat ng 5-10 minuto sa isang araw upang isulat ang iyong mga saloobin, damdamin at mga ideya ay nakatulong raw mabawasan ang iyong stress at malinawan ang isipan. Maaari mo itong gawin sa isang pribadong lugar.

  2. Gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo tulad ng paggawa ng mga hobbies, pamamasyal, at panonood ng mga videos sa youtube channel. Gawin mo ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo upang maibsan ang stress sa buhay mo.

  3. Kapag ikaw naman ay nakakaramdam ng pagkabahala ay matutong isipin kung ano ang pwedeng mangayari at mag-isip ng solusyon kung paano ito malulutas. Halimbawa, kung ikaw ay nag-aalala na mawawalan ka ng trabaho, tanungin ang sarili kung ano ang mangyayari kung ito ay nangyari. Maaaring nakakatakot sa simula (kulang sa pera, mawala ang apartment) ngunit pagkatapos ay isipin ang susunod na mangyayari. Siguro gusto mong hanapin ang isang bagong trabaho, maghanap ng mas murang apartment, at kumuha ng pautang. Sa ganitong paraan, nababawasan ang takot mo.

  4. Iwasan ang sobrang stress sa pamamagitan ng paghahanap dito ng mga positibong paraan dahil hindi naman lahat ng stress ay kailangan maging negatibo.

  5. Palaging mangibabaw ang mga positibong pananaw at huwag isaalang-alang ang mga negatibong pananaw.

  6. Ang palagiang pageehersisyo tulad ng paglalakad ay mahalaga sa kaisipan ng tao dahil ito ay nakakatulong upang makapawi ng stress at maging maayos ang iyong inisip.

  7. Ang koneksyon sa mga taong malalapit sa iyo ay mahalaga. Kapag kailangan mong makaramdam ng koneksyon puwede mo silang i-text o i-email para sila ay makausap.

  8. Kapag natigil ka sa isang negatibong pag-iisip, isulat ang dalawang magagandang bagay - Isipin ang mga positibong bagay sa iyong buhay sa sandaling ito. Puwede ang isang bagay na nagdudulot sa iyo ng kagalakan, isang bagay na ipinagmamalaki mo at isang taong nagmamahal sa iyo. Makatutulong ito sa pag-alis ng iyong pagkadismaya.

    Tandaan: Magkakaroon ng stress sa buong buhay mo. Patuloy na darating ang mga singil, palaging nariyan ang trabaho, ang mga guro ay mamamahagi pa rin ng mga takdang aralin. Ito ay kung paano mo ginagamit ang iyong mga kasanayan sa pamamahala ng stress na gumagawa ng pagkakaiba! Sa pamamagitan ng pag-kontrol sa iyong mga saloobin, emosyon, at kapaligiran ay kinokontrol mo ang iyong buhay sa halip na hayaan ang pagkontrol ng stress sa iyo! Tandaan kung ano ang totoong mahalaga sa buhay- Ang iyong Kaligayahan!

1
$ 0.62
$ 0.62 from @TheRandomRewarder
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments