Huwag husgahan ang mga breastfeeding mom

0 28
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Ang pinakamasustansyang gatas ng ina ang laging inirerekomenda ng mga doktor. Ang pagpapasuso ay kapag pinakain mo ang iyong sanggol ng gatas ng ina, karaniwang direkta mula sa iyong dibdib. Tinatawag din itong pag-aalaga.

Sa totoo lang wala akong alam sa pagpapasuso, hindi ko alam kung gaano kahalaga ang pagpapasuso. Pinili ko ang pagpapasuso sa anak ko dahil sa payo ng aking doktor. Sa simula ay hindi naging madali ang pagbreastfeed ko dahil unang una ay wala lumalabas na gatas sa akin. Nakakastress dahil nakikita mo na gutom na gutom na ang anak mo ay wala kang magawa. Sa isang pampublikong ospital kung saan ako ay nanganak ay ipinagbabawal nila na gumamit ng formula milk. As a first time mom, hindi ko alam kung anong gagawin ko kahit iyak ng iyak ang anak ko dahil sa gutom. Mga pagkain na dapat kong kainin para lang magkaroon ako ng breastmilk. Buti na lang may nagmagandang loob na magpapadede sa anak ko. Simula noon nagsaliksik ako tungkol sa breasfeeding. Kumain ako ng mga pagkaing makakapagparami at makakapagpaganda sa suplay ng gatas ng isang breastfeeding mom.

May mga nalaman ako noong ako ay nagpapabreastfeed, hindi pala madali pero kinakaya naman para sa anak. Kapag nagpapasuso ang isang ina madalas itong maikumpara sa mga nanay na gumagamit ng formula milk. Ang pinakamadalas kong naririnig ay "mas mahirap ang formula milk kasi kailangan mo pang tumayo at magtimpla ng gatas sa gabi at "mahal ang gatas". Ang mga linya na ito ay totoo pero ang breastfeeding ay hindi kasing dali ng inaakala ng ibang mga mommies.

Paano ko nasasabing hindi madali ang magpasuso?

  1. Madalas kang magutom dahil kada kinakain mo ay napupunta sa anak mo. Kaya ubos ang energy mo.

  2. Naaapektuhan din ang pagtulog mo dahil any time na magising siya ay kaylangan mo pasusohin.

  3. Ang mga breastfeeding mom ay dumaraan sa mga pagsubok kagaya ko. Sa mga unang linggo ko ng pagbreastfeed nagkaroon ako ng pagsusugat sa utong dahil sa sobrang pgsipsip ng anak mo lalo na kung wala naman talagang masipsip. Dahil na rin sa mga pagkakataong bumabara ang daloyan ng gatas at umaabot ito sa pakiramdam na parang nilalagnat sa sobrang bigat ng breast mo.

  4. Sabi nila ang mga breastfeed mom ay kadalasan ang anak ay posibleng maging clingy, dahil dito hindi ka makakilos ng maayos o gawin ang mga gawaing bahay. Ang pagligo, kain at kahit pag-ihi ay hindi mo magagawa lalo na kung walang pwedeng humawak kay baby.

  5. Napakalakas ng radar ng mga breastfeed babies. Alam na alam nila kung wala ka sa tabi nila. Madali silang magising sa konting ingay lang.

  6. Kapag ayaw magpakarga ng anak mo sa iba, ang pagpapasuso mo ang sisisihin. Ngunit ang hindi nila alam ang mga breastfeed babies ay may pagkaclingy kaya halos ayaw nilang magpahawak sa iba.

  7. Sabi ng iba, tamad ang mga breastfeeding moms dahil nga sa halos maghapon itong nakaupo o nakahilata dahil sa pagpapasuso.

  8. Panunukso at Panghuhusga ang tinatamo ng mga breastfeeding moms. Dito sa Pilipinas, kapag nakakakita ng inang nagpapasuso sa pampubliko siguradong makakarinig 'yan ng mga hindi magagandang salita. Pero kapag nakakita ng isang babae na halos kita na ang kaluluwa, okay lang yn.

  9. Kapag payat ang anak mo, sisisihin nila ang pagbreastfeed mo. Iisipin nila isa kang pabayang ina o kaya naman panay suggest ng kung ano ano para lang mapataba ang anak mo.

  10. Kapag naextend naman ang breastfeeding mo sa anak mo kahit malaki na ito ay sasabihin naman nila "pahintuin mo na 'yan sa pagpapasuso", "baka elementary na yan sumususo pa yan sayo".

O di ba? Hindi madali maging isang breastfeed mom. Oo, nakakatipid sa gastusin sa gatas ang mga breastfeed mom pero hindi matutumbasan ang mga sariling pagod at sakripisyo nito para lang mapabuti ang kalusugan ng kanilang mga anak.

Kaya naman huwag natin husgahan ang mga breastfeeding mom, huwag tayo basta basta humusga ng hindi natin alam ang sitwasyon at tunay na pinagdaraanan nila. Bagkus, ipagmalaki natin sila. Mabuhay ang mga Breastfeeding Moms!

Tandaan: Ang breastmilk ng ina ang pinakamasustansyang gatas para sa mga sanggol.

3
$ 3.74
$ 3.74 from @TheRandomRewarder
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments