Goal: Peso Savings Challenge 2021

0 31
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Likas sa ating mga Pilipino ang magsaya at magdiwang sa mga espesyal na araw tulad ng kaarawan, piyesta, pasko, pagsalubong sa bagong taon at iba pa. Tulad ngayon Disyembre, malaki ang mga gastusin ng mga tao dahil panahon ito ng handaan at pagbibigay ng mga regalo sa mga inaanak. Ngunit ngayon panahon ng pandemya hindi natin kailangan gumastos ng malaki at gawin ang mga nakagawian tuwing idadaos ang mga selebrasyon dahil kailangan pa rin natin maging maingat dahil patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ang kauna-unahang ipon challenge ko, taong 2018. Ito ay Peso savings Challenge na kung saan sa loob ng isang taon ay makakaipon ka ng 53,750 pesos sa loob ng isang taon.

Ang ilustrasyon sa taas ay isa sa mga sinimulan ko sa pag-iipon. Hindi ako dati marunong magipon at magbudget ngunit noong taong 2018 napagpasyahan naming mag-asawa na magipon kahit maliit lang ang sahod niya sinubukan namin ang peso savings challenge. Mahirap talaga lalo na kung nasa 200, 500, at 1000 na ang iyong kukumpletuhin. Ang kabuuang naipon namin noong 2018 ay kalahati lamang ng hinihingi sa peso savings challenge. Umabot lamang ito sa halagang 25, 689 pesos. Samakatuwid hindi siya umabot sa itinakdang ipon na hinihingi na 53, 750 pesos. Pero ng mga oras na iyon masaya at proud ako dahil doon ko nalaman na kaya naman pala naming magipon ng pera kahit sa maliit na halaga. Doon kami nagsimula sa tuloy-tuloy na pagiimpok at ngayong darating na taong 2021 ay gagawin pa rin namin ang ganitong nasimulan namin.

Mas mainam kung tayo ay magtitipid dahil sa panahon ng COVID-19 outbreak kailangan natin ng sapat na ipon para sa mga hindi inaasahang pagkaantala sa suweldo o pagkawala ng trabaho habang nadadagdagan ang gastusin at bayarin. Kaya naman mahalaga na matutunan kung paano makaipon ng pera. Marami sa atin ang hindi nag-iipon ng pera dahil na rin sa sakto lang ang sweldo natin para sa mga gastusin sa bahay. Hindi biro ang pag-iipon ng pera ngunit kung matututo tayo magipon, hindi imposible na makapagipon tayo kahit sa pagsisimula sa maliit na halaga.

Narito ang ilang mga tips upang makapag-budget at makapag-ipon ng pera ngayong darating na bagong taon:

  1. Gumawa ng layunin sa pagtitipid. Para saan ang iyong pagiipon? Para sa bagong bahay? edukasyon? o emergency funds. Sa pamamagitan ng pagtakda ng layunin ay magagawa mong magpigil sa paggastos at at hindi ka matutukso na gamitin ang iyong iniipon para sa ibang bagay na mas hindi mahalaga.

  2. Magplano. Gumawa ng badyet doon sa matitira ng iyong sweldo. I-lista ang lahat ng iyong gastusin. Maliit man o malaking halaga na pagiipon ay importante para sa tuloy tuloy na layunin kung bakit ka nagiipon.

  3. Pangangailangan vs. kagustuhan. sa pag-iipon, ano ba talaga ang mas mahalaga?pangangailangan o mga kagustuhan?. Ang bbisyo ay isa sa mga hadlang kung bakit tayo ay hindi nakakapagipon ng tuloy-tuloy. May sarili man o wala tayong pamilya, kung talagang gusto mong mag-ipon ng pera para sa pinaglalaanan mo nito mas pipiliin mo ang prayoridad o kaya ang mga pangangailangan mo. Gaya ng pagsisigarilyo, pagiinom ng alak, sugal at kung ano ano pa. Sa mga Kabataan naman tulad ng milk tea, pagpili na kumain sa labas at pagoorder ng mga pagkain.

  4. Gumawa ng Bank account. Ang buong 20% ay ilagay sa banko. Hindi man masyadong malaki ang itutubo ng iyong pera, mahalaga pa din na iyon ang naitabi mo na dahil sabi nga nila maliit man ito, kapag pinagsama-sama mo ay makakaipon ka na ng malaki.

  5. Maghanap ng karagdagang extra income. Makatulong ito lalo na kung isa lang sa inyo ang may hanapbuhay. Makakatulong din ito kung ikaw ay may gustong bilhin na kailangan mong pagipunan at hindi na kumuha pa sa iyong savings account. 

Alam nating lahat kung gaano kahirap ang mag-ipon ngunit palagi nating iisipin kung para saan ba ang pinagiipunan natin. Sa ganoong mindset ng isang tao makakaya natin ang magipon ng tuloy-tuloy. Kailangan lamang sundin ang mga nabanggit ko sa taas. Kilangan din ng disiplina sa sarili at maging determinado sa buhay.

3
$ 7.07
$ 7.02 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @rosienne
Avatar for jhuls
Written by
3 years ago

Comments