Ang sarap balikan ng payak na pamumuhay sa probinsya. Mahirap na may kasamang sarap ang buhay probinsya dahil malayo man sa syudad, kakaibang saya ang mararamdaman mo tuwing makakalanghap ka ng sariwang hangin ay payapang kapaligiran.
Ako ay isang laking probinsyana at ikinakarangal ko iyon dahil doon ako nagsimula at natuto ng mga bagay na nagdala sa aking tagumpay kaya nakarating ako ng syudad. Ngunit sa aking pagtanda, pipiliin ko pa rin tumira sa probinsya kung saan doon ako nanggaling. Alaala ng aking kabataan sa probinsya ang lagi kong ibinabahagi sa mga taong nakakasalamuha ko sa syudad. Ipinagmamalaki ko sa kanila ang kagandahan at kapayapaang pamumuhay ko sa probinsya sa kabila ng kahirapan.
Masaya kaming naninirahan sa probinsya noon, sa iyong paggising sa umaga maririnig ang mga tilaok ng manok at malambing na boses ni nanay para kami ay gisingin. Ang sarap sa pakiramdam tuwing babangon ka ay maaamoy mo ang lutong agahan ni nanay habang siya naman ay nagwawalis sa bakuran. Disiplinado kami ng nanay sa mga gawaing bahay, may kanya-kanyang trabaho mula umaga hanggang sa pagtakip-silim. Nakakatuwang isipin at nakakapanabik ang pagsasama at pagtutulungan namin noon. Dati-rati sa umaga ay sinasama pa kami sa bukid upang pakainin ang alaga naming baboy, kumuha ng kahoy na panggatong, mamitas ng mga gulay at kung anu-ano pa. Tuwing bakasyon o sem break, nilalagyan ang aming buhok ng katas ng niyog at pagkatapos isa isang tinitingnan ito upang alisin ang mga lisa at kuto, nanghuhuli ng tutubi sa umaga, naghahabulan at tagu-taguan. Naaalala ko din noon, nanghuhuli din kami ng alimango, suso, at isda sa sapa galing bukid para may maiulam sa gabi. Noong mga panahon na iyon ay malinis na malinis pa ang mga sapa. Nakaabang din kami sa mga bagong pitas na santol, bayabas, langka at kung ano-ano pang mga wild fruit.
Ano nga ba ang kalamangan ng buhay probinsya?
Una, ang sariwang hangin at magagandang puno. Sa probinsya maraming mga puno at malawak na berdeng bukirin na gumagawa ng mas presko at mas malamig na hangin kumpara sa syudad. Maaari kang maglakad at magbabad sa araw na may kasamang langhap ng sariwang hangin, hindi ang usok ng mga sasakyan.
Pangalawa, mga simpleng paraan, magiliw na mga tao. Mas madali ang pag-commute, ang pag-navigate ay mas madali, ang mga pila ay mas maikli, at kadalasan, ang mga kapitbahay ay mas palakaibigan.
Pangatlo, higit na mas mura ang mga bilihin, partikular ang mga sariwang ani tulad ng gulay at prutas ay mas mababa kumpara sa lungsod dahil sa kalapitan ng mga bukid. Ang mga wet market sa lalawigan ay nag-aalok ng sariwang catch seafood sa mas murang presyo. Magkaroon lamang ng isang lokal na kaibigan o kamag-anak na samahan ka upang maaari kang makipagtawaran sa tamang paraan.
Pang-apat, ang simoy ng trapiko, halos walang umiiral na trapiko sa probinsya lalo na sa mga maliliit na bayan na nagbibigay ng ginhawa sa iyong buhay at kung may trapik man paminsan-minsan literal na masisiyahan ka sa tanawin, makatipid sa iyong gasolina at iyong mahalagang oras habang nagmamaneho.
Ano naman ang mga kahinaan ng buhay probinsya?
Una, Mas kaunting ang mga pagkakataon sa iyong karera. Alam naman natin ang karamihan sa mga malalaking kumpanya ay nagpapatakbo ng kanilang operasyon sa syudad, na iniiwan ang mga lalawigan na may kaunting mga pagpipilian para sa trabaho sa korporasyon. Karamihan sa mga oportunidad sa trabaho sa lalawigan ay nasa mga larangan ng agrikultura, pagbabangko, edukasyon, at tingi.
Pangalawa, limitado ang mga pagpipilian sa pamimili at kainan. Karamihan sa napamimili natin ay limitado maging ang mga signature o branded na gamit ay mahirap hanapin. Ang mga bazaar at nagtitipid na tindahan ay hindi rin karaniwan tulad ng sa syudad. At habang ang ilang mga probinsya ay nag-aalok ng maraming mga pagpipilian sa kainan, karamihan ay walang grand buffet o fine dining na maaari mong makita sa metro.
Pangatlo, kaunti ang pagliwaliw mo sa gabi dahil kaunti lang ang mga bars at club sa probinsya.
Pangapat, mas kaunting ang mga aktibidad sa probinsya. Isa na rito ang mga konsyerto na kaganapan at karaniwang gaganapin sa syudad. Gayundin, hahanapin mo ang kalapitan sa malalaking kagamitan sa lungsod tulad ng mga internasyonal na paliparan, malalaking ospital, tanyag na paaralan, atbp.
Gayunpaman, napadpad man ako sa syudad ay mananatili akong isang probinsyan na lilingon at babalik sa pinaggalingan ko. Sana'y ako sa buhay mahirap dahil ang kasiyahan ay matatagpuan sa pamilya at sa kanayunan ay hindi mapapantayan ng pera,lalo na ang mga karanasan na hindi naranasan ng iba.
Nakakamiss umuwi at mamuhay SA probinsya pero kailangan makipagsapalaran sa malayo dahil mas marami oportunidad.