Pagbubuntis..

0 13
Avatar for jho01
Written by
4 years ago

Talaga pala na ang pagbubuntis ay hindi pare-pareho. mayroong madali mayroong mahirap.. Tulad ng aking karanasan ngayon sa aking pangalawang pagbubuntis. Ako ay hirap dahil sa aking maselang pagbubuntis. Nagkaroon ng mataas na UTI, paraovarian cyst at subchorionic hemorrhage na nagdulot upang ako ay mag bedrest na sadyang hindi ko kinasanayan.. Kahit pa ako ay pinag bedrest ng aking OB may mga pagkakataong hindi ko ito masunod sapagkat isa akong maybahay na kailangan ng pagaasikaso ng aking asawa na naghahanap buhay.. bukod duon ay kailangan ko din asikasuhin at alagaan ang aming panganay na anak. Kung kaya kahit nahihirapan ay kinakailangan ko pa rin ang kumilos sa aming munting tahanan. Kahit may sakit na nararamdaman ay mapipilitan gumawa para sa ikaaayos ng pamilya.. Sa ngayon ay nasa 3rd quarter na ako at medyo maselan parin. kaya ibayong pagiingat parin ang aking kinakailangan.. Mahirap pero masaya lalo na kung alam mongay sanggol sa sinapupunan mo na kailangan ng iyong pagkalinga. Ako ay lubos ng nasasabik na makita ang aking munting anghel.. Hinihiling ko ang maayos na delivery para sa aming mag-ina.. 😊

2
$ 0.00

Comments