0
5
Kamusta kayong lahat? Ako'y bago lang po dito. Wala pa akong ideya kung anong meron kaya magpapakilala nalang muna ako sa inyo. Ako si JENNY, isang BEED student sa isang Unibersidad dito sa Pampanga. Pangarap ko ang maging isang GURO mula pa noong musmos ako. Isang Guro ang aking nakatatandang kapatid at siya ang nagiging inspirasyon ko sa kursong ito. Hindi madali pero pinipilit na kinakaya. Dalawang taon pa ang aking bubunuin para makapagtapos naway kahit may pandemya tayong nararanasan ay hindi maging hadlang upang makamit ang pangarap na ito. Pananalig sa Panginoon ang aking nagsisilbing lakas sa hamon ng buhay. Sanay marami akong makilala at maging kaibigan dito. Comment lng po kayo kung nababasa ninyo.