Mga tanong sa ISIPAN ko..

0 1
Avatar for jhen
Written by
4 years ago

Nag-umpisa lamang ito noong ako'y labing-tatlong taong gulang na. Nag-aaral ako noon sa isang pribadong paaralan. 2nd year high school ako noon, masipag mag-aral,mahilig sumali sa mga program lalo na kapag sayawan.Ngunit nagbago ito ng isang araw ay tanungin ako ng aking kamag-aral ng tanong na "may kakambal ka ba?" hindi ako nag-isip ng isasagot sapagkat sigurado ako na wala akong kakambal kaya agad kong sinabi na"wala! wala akong kakambal!" sunod niyang sabi sa akin ay "kung wala kang kakambal bakit kamukha mo yung kaibigan ko? Magkapatid ba kayo? Iniwasan ko siya at hindi na muli pang kinausap.Isang araw habang kami ay kasalukuyang nagkaklase,ang aming guro naman ang nagtanong sa akin.Tinawag niya ako at pinatayo sabay sabing anak may kakilala ka bang ganitong pangalan? Napaisip ako at sinagot siya ng wala po e.. Sumunod pa niyang sabi magkaparehas kase kayo ng apelyido at maging ang pangalan ng inyong ama ay pareho din.Simula noon ay naging usapan na sa paaralan ang mga tanong na iyon. Nagkaroon pa ng bulong-bulungan na ako daw ay anak sa labas.Lubha ko itong ikinagalit dahil kailanman ay hindi ako naging anak sa labas sapagkat kasal ang aking mga magulang.

Puputulin ko po muna dito..

1
$ 0.00

Comments