coffe is life
April 5
Magandang araw my co writers/readers kamusta po kayong lahat na nandito?
Coffee-masarap inumin pag gising natin sa umaga lalo nat my kasamang pandesal or my sinangag at tuyo na my kamatis na ulam..isa ito sa pinakapafavorite ko inumin kapag umaga at ito din ang pampatulog ko kapag hindi ako dinadalaw ng antok sa gabi...
Kung yong iba ay pampatanggal nila ng antok ang coffe ako naman ay pampaantok ang wierd diba!pero yan ang totoo walang epekto sa akin ang kape minsan nga naisipan kuna din magtigil sa pagkakapi kaso pag naamoy ko yong mga kasamahan ko na nagtitimpla ng kape naiingganyo ako na magtimpla din kasi ang bango bango ng amoy hahaha oh diba adek lang sa kape,pero sa totoo lang talaga sadyang adek lang talaga seguro ako sa kami dati pag wala akong ulam basta my kape lang ayus na ayus na ako dina ako naghahanap ng wala haha..
Lalo na ngaun at napakalakas ng ulan dito sa amin,pati mga anak ko napapakape nadin nahahawa na sila sa akin hahaha..
Ito lang talaga na coffe ang pinaka gusto ko kasi creamy na medyo my pait siyang unti hindi rin siya ganun katamis,,tamang tama lang yong lasa niya...
Labada-Kanina naglaba ako kasi ang dami na ng natambak namin na labahan,lima kasi kaming nagbibihis kaya mabilis dumami..
Yan palang yong natapus ko isapay at madami pang nag aantay na isampay ang liit lang kasi ng space namin dito
kasi nakatira lang kami sa pinagtatrabahuan ng asawa ko,yong mga kumot sunod na din jan kapag natuyo na lahat ng mga yan
Forever-buti pa sa labahan my for ever tayo at hindi tayo iniiwan kahit kilan, di tulad ng mahal natin malingat kalang,nalingat na din sila sa iba or nabingwit na ng iba hahaha,,
Pagkatapus ng labada mood natin hito at kakain muna tayo ng pansit canton na my itlog kasama ko ang aking bunsong anak na napakakulit favorite niya din kasi itong pansit canton at ang yellow ng itlog tapus yong puti sa itlog tinatanggal niya na at itira sa kuya niya kasi ayaw niya ng puti sa itlog
Salamat nga pala ky zhyne sa pag convince ulit sakin para sumali dito kasi masmasarap daw makipag intirak sa mga taong dimu pa kilala hehehe,meron na din ako dating account dito ky read kaso tinigil kulang kasi wala akong maisip na maisulat araw araw..
At sa makakabasa or sa matyaga magbabasa nitong aking sulat maraming salamat sayo...
#nagpapraktis palang
p
Nice naman ng pagka photograph ng kape mo sis fit siya sa halaman. Mahilig din ako magkape tsaka naniniwala talaga ako na Yung coffee is nakaka nerbyos hehehe. Palagi nalang din Kasi ako nanenerbyos.