Bonding with my family and friends
April 15 #7
Hello every one kamusta ang holly week ng lahat ng readcash member?anung pinagkakabuzy ng lahat ngayon?
Huebes ng umaga bumyahe kami papuntang tanay rizal medyo mainit na kasi 8am na kami umalis at nakakatuwa lang sa byahe kahit mainit na kasi madami kami at nagkukwentuhan ng mga kung anu anung nakakatuwang kwento kaya hindi namin ininda ang init sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan,4 days kasi sila walang pasok kaya ayon napagkasunduan nilang mag outing ganito sila kapag mahaba haba ang vacation nila gala gala/relax relax muna..ambagan nalang sa lahat ng gastos!
Dito kami napunta sa ilog ang lawak ng ilog nila at running water na din siya tuloy tuloy ang pag ago ng tubig at subrang linaw niya at lamig pa ng tubig ang sarap lang liguan puro siya bato bato pwede kang humilata sa gitna meron mababaw meron din malalim para sa pangmatanda,, at ang maganda sa lugat na ito ay walang signal kay makakapagrelax ka talaga ng husto na walang iniisip at walang makakacontact sau kahit na sinu kasi kahit unting signal wala kang masagap at ang gamit nalang ilaw dito ay solar lahat wala silang pinoproblemang kuryenti at tubig na babayaran..ang ganda lang talaga dito sa lugar ang dami puro napakapresko talaga!
Ayan subrang linaw talaga ng tubig talo niya pa yong dagat tuwang tuwa yong mga bagets na kasama namin,,halos buong araw sila sa tubig at aahon lang sila kapag nagugutum na at pagtapus nilang kumain balik sila ulit sa tubig...at ito lang ang kaganda nito hindi siya makati sa balat,nagbomfire din kami nung kinagabihan natapus nung bandang 8;00pm na kumain na kami kasi tapus na silang magluto pinaahon na namin ang mga bata para makakain na din at pagtapus ng kain isa isa na din namin niligpit lahat ng gamit namin kasi uwian na at isa pa nagpaparamdam na din ang langit kasi kumukog at kumikidlat na din baka maabutan pa kami ng ulan at baka tumaas ang tubig sa ilog kasi mabilis daw tumaas ang tubig duon kapag umuulan....kaya dina din kami nagpagabi masyado,tapus kinaumagahan bumalik nalang ulit kami kasi gusto pa maligo sa ilog ng mga bata kaya ayon pinagbigyan nalang namin kasi yon naman ang punta namin dun,,hahahahaha ang saya lang kasi first time kulang din nakaligo sa ganitong ilog ang lawak tapus subrang linaw ng tubig kung panty lang susuot mo kitang kita ka...inabot din kami ng 11;30am bago umahon tapus nung umahon na kami dritso bihis na at nagsikain nalang kami para bisog lahat bago umuwi ng maynila medyo mahaba habang byahe ulit...
Maraming salamay sa pagbabasa!happy hollyweek sa lahat!
Ay feel ko mag enjoy din ako pag naligo Dyan, nka fresh Yung tubig☺️