"Bakit"
Magandang araw mga kareadmate kamusta naman ang araw niyo?
Kaya ito yong tittle ng kwento ko kasi kadalasan ganito din ang nararamdaman ko!true to life!
Bakit ang mga ama o tatay kapag nakapagprovide sa pamilya ng pangtustos like basic needs dakila na ang tingin, responsableng tao na sila.
Bakit ang tatay kapag di makatulong sa pag-alaga sa mga bata o gawaing bahay, nauunawaan nila?. Kesyo pagod need pahinga, baka puyat kakakayod etc. Bakit ang tatay once nagkasakit anak nila sinasabi lang okay lang yan part ng paglaki ng bata or dala ng panahon. Hindi naman daw nila kasalanan.
Bakit ang mga tatay kapag nag hahang out with friends ang sasabihin, syempre need din nila mag relax relax or makapag unwind man lang. Bakit ang lalaki kapag fresh looking kahit pamilyado na sinasabi inspired?
Bakit ang lalaki kapag nagkasakit, sinasabi magpahinga din kasi wag pabayaan sarili. Makakaantay mga gawain. Bakit ang lalaki kapag nag pakita ng attitude anak sasabihin lang iba na kasi panahon ngayon e.
Bakit kapag lalaki walang trabaho at nakakadiskarte lang ng konti konti MADISKARTE O MASIPAG NA. Bakit ang nanay kahit maiprovide na ang needs ng bata parang hindi pa rin sapat?
Bakit ang babae kapag hindi agad nakagawa o nakakilos sa gawaing bahay tamad na? Bakit ang nanay kahit anong alaga mo sa anak mo kapag nagkasakit parang pinabayaan mo na buong buhay?
Bakit nanay kahit may sakit hindi pwede magpahinga kahit saglit man lang? Bakit ang nanay kapag nagpakita ng ugali anak sasabihin di kasi nagabayan o pinamimihasa kasi. Bakit ang mga nanay kapag nag ayos ayos ng sarili sasabihin rarampa, may iba na, buhay dalaga etc.
Bakit ang babae kapag mag hahang out with friends hindi pwede kasi dapat anak mo na tutukan mo?.Bakit ang babae kahit anong raket na pasukin parang ang baba pa rin ng tingin
Bakit sobrang hirap maging nanay?
Kapag naging nanay ka hindi kana makakaalis ng hindi mo bitbit ang mga anak mo,kasi walang ibang mag aalaga sa kanila,kapag umalis ka na naiwan ka sila sa bahay yong isip mo naiiwan mo din sa kanila hindi ka din mapakali at magmamadali kalang din umuwi kasi hindi mo alam kung kumain naba sila or anung pinaggagawa nila sa bahay,,kaya ako bilang nanay hindi ako umaalis na hindi kasama ang mga anak ko,kung asan ako andun din sila para makita ko kung kumakain ba sila or anung pinag gagawa nila...iba na talaga kapag nanay kana or my mga anak kana kisa nuon na dalaga kapa!
Ang mga tatay kasi puntahan or ayain lang yan ng barkada sa inuman go na yan sila kasi hindi naman nila inaalala ang anak nila kasi anjan naman ang nanay,,kaya go lang sila ng go..pero hindi naman lahat kadi yong asawa ko kapag sa bahay nalang din siya umiinum pumupunta nalang din ung kaibigan niya sa bahay kaya minsan nakikita niya din ang mga bantay kung anung pinag gagawa..mas maigi na yong sa bahay siya nag iinum kisa naman kung saan saan diba!alam niyo na pagsinabing inuman maraming ng yayari...
Maraming salamat sa pagbabasa!
Relate much ako nito na kahit ginawa ko pa lahat pero di pa rin sapat. Hanep diba? Pg sila nkipag inuman ay okay lng pg tayo aattend Ng bday di papayagan kesyo gnun gnyan. Bwsit na buhay diba hahaha.