Akala ko okay na. Akala ko maayos na Pero hindi pa pala. Masakit lang para sa akin na lagi nalang ako nagmamaka awa para mahalin. Akala ko pag mag asawa na kami sa akin lang siya na nasa akin lang attention Pero hindi pala ganun Yun.
Apat na taon na kami. Masasabi ko na sa apat na taon na yun hindi ako ang priority niya. Siguro dahil din sa lumaki siyang mahal siya ng lahat, kaya ganun siya.
Feeling ko sa araw araw na magkasama kami hindi ko nararamdaman ang pagpapahalaga niya sa akin .
Lagi niyang sinasabi na kung anu anu daw iniisip ko . Mali bang sabihin ang nararamdaman ko? Mali bang humingi kahit konting oras lang?
Ang sakit sakit ng puso ko. Gabi Gabi akong umiiyak Pero wala siyang pakealam.
May Isang Gabi na nanaginip ako,may Isang lalaking gusto ako ilayo sa lahat. Sa lahat ng masasakit na nararamdaman ko ngayon Pero hindi siya yung lalaking Yun siguro nga hindi talaga kami ang tinadhana ni Lord.