Nakakaranas ka din ba ng tinatawag na stress? Paano mo ito nilalampasan?
Ang stress ay kadalasang nararanasan sa mga panahong labis tayong nag-iisip ng mga bagay-bagay.
Sa mga panahong tulad nito na may problemang kinakaharap ang bansa hindi maiiwasang makaranas tayo ng stress.Sa bawat paggising natin sa araw-araw nag-iisip tayo kung paano malalampasan ng bansa ang pandemyang ito.Nag-iisip din tayo ng kung anong pwedeng mangyari sa ating pamilya sa hinaharap kung patuloy na dadami ang tatamaan ng covid.
Sa pagdating ng pandemya mas madalas din tayong nakakaranas ng tinatawag na stress. Dulot na din kasi ito ng labis nating pag-iisip. Pag-iisip na kung saan tayo kukuha ng pang araw-araw ng ating pamilya kung ano ang maaari nating gawin upang mabuhay sa araw-araw. Habang nagiging limitado ang galaw natin lumalala din ang nararanasan nating stress.
Pero kung iisipin nating mabuti kung patuloy tayo na magpapaapekto mas lalo tayong mahihirapan. Isipin mo na lamang kapag nastress ka mas lalo kang hindi makakapag-isip ng tama kaya mas lalo mong pahihirapan ang iyong sarili at ang mga taong nakapaligid sayo. Kaya naman kaysa mag-isip ka ng kung anu-ano bakit hindi mo subukang pakalmahin ang iyong sarili at iwasan mong mag-isip ng sobra sobra para maging maayos ang mga gagawin mong desisyon.
Labanan natin ang stress para ating pamilya at sa ating bansa๐ช๐ช๐ช
Salamat sa pagbabasa๐๐๐๐
Please write article in English