Simula noong nagkaroon ng sakit na COVID-19 ay sobrang naapektohan ang mga tao. At isa na ako don.
Nawala lahat ng pinapangarap ko. Ang mga minimithi kung gawin. Akala ko makakaibang bansa nako ngunit simula nung nag lockdown nanghinayang ako kasi hindi na matutuloy ang mga binabalak kong gawin at mga pangarap na sana tutuparin palang.
Nang dahil dito heto tayo na quarantine hindi makalabas, kung lalabas ka man dapat may quarantine pass .
Dahil dito limitado nalang ang maga mapupuntahan mo di ka parin makalayo kasi sobrang secure nila. Pero alam naman natin na para din sating kapakanan ito .
Pero thankful naman ako kasi di ako natuloy sa pupuntahan ko, Kasi kung natuloy ako at nalock down din dun. Wala din ako mapapala siguro ngaun nagpapagala gala ako. Kagaya ng mga kababayan nating ofw sa ibang bansa . Na nakakaawa mga kalagayan nila, dahil sa ganitong sitwasyon.
Kaya bilang pag respeto saludo ako sa mga ofw's natin nag tratrabaho sa ibang bansa.
Nagpapasalamat din ako kasi kahit ganito hindi makalabas o makapunta sa gustong puntahan ay di ako nagkaroon ng sakit . Kasi pano pa kaya kung nagkaroon . Wala na nga mapaghanapn ng pera tapos nagkasakit kapa. Malaking problema.
Kaya thankful ako lalo na sa may kapal. Kasi hindi tayo pinapabayaan. Kahit gaano pa kadami ang kaslanan natin magpasalamat tayo kasi hindi siya nagsasawang magbigay , magparaya magalalay sa lahat lahat ng ginagawa natin.
Sana matapos na ang pandemyang ito.
Sana mabalik na ang dating masayang buhay na walang takot.
Patuloy tayong manalangin lumaban sa mga sakit na ito. Pasasaan pa't matatapos din ito.
Stay safe to each and everyone.
Godbless!...🙏🙏🙏