Tula Para Kay Corona

7 69
Avatar for jehe
Written by
3 years ago

Mga ka-Artikulo Uno, gumawa ako ng isang tula para sa minamahal nating si Corona 😑. Nawa'y sumalangit na sya. Feel free to comment if may mali akong mga talata. 😅

Nung una kang lumabas sa isang pahayagan

inaakala ng madla ika'y pangkaraniwan

nung Enero kasi kami'y nag-iiyakan

kasagsagan ng pagkamatay ni Kobe Bryant.

Ika labing-isa ng Marso taong kasalukuyan

idineklara ng W.H.O. na isa kang Pandemya

kung ika'y ihahambing sa mundo ni Saitama

isa kang Dragon Level: Class S na halimaw.

Buong mundo nagsara ng borders laban sa iyo

sigla ng ekonomiya ay unti-unting naglaho

upang makontrol at maaga kang masugpo

animo'y isang eksena sa pelikulang "The Flu".

Sa sobrang bagsik mo kami'y laging nagtatago

pagsusuot ng face mask pinatupad sa mundo

W.H.O. nagrekomenda ng distansyang isang metro

paggamit ng sabon at alcohol abay biglang nauso.

Itong gobyerno ng Pilipinas halatang nataranta

naghigpit sa mga ibang lahi, hindi sa taga-Tsina

kung maaga sanang pinagbawal mga turista

bilang ng mga nahawaan edi sana mababa.

Biruin mo, ang haba ng lockdown dito sa Pinas

pagpunta sa palengke daraan pa sa isang butas

hinahanapan ng papel tawag nila'y travel pass

nagugutom na kami, pabili po ng sardinas.

Nasaksihan namin kung pano ka manalasa

libong tao ngayon nasa ilalim na ng lupa

milyon na nga ang iyong mga tagahanga

Ay mali! Di ka pala sa YouTube naghaharana.

Hanggang dyan na muna yung tula. Next time again. Alam kong kulang yan haha.

Good - Better - Best evening mga kababayan 😏

5
$ 0.01
$ 0.01 from @carisdaneym
Avatar for jehe
Written by
3 years ago

Comments

Ay ang galing mo lagi gumawa ng tula hahaa pwed kna maging author isang tula ayh😂😂

$ 0.00
3 years ago

1st time ko gumawa tula dito sa forum haha.

$ 0.00
3 years ago

Nagalak ako sa iyong tula, napamangha sa 'yong katha, nakaaaliw at nakabibighani. muli kong aabangan ang iyong mga salita o tula para kay corona.

$ 0.00
3 years ago

Salamat sa iyong pagbisita tula Kay corona iyong nabasa subukan ko ulit gumawa pag isip koy umarangkada

$ 0.00
3 years ago

Oh corona lumayo ka na:(

$ 0.00
3 years ago

Parang pang novena yan ah

$ 0.00
3 years ago