Pinakbet
Dahil nagugutom ako ngayon oras na ito, naalaala ng panlasa ko yung pinakbet. Then, swerte naman may pinakbet dito. Yes madlang pepol, nakahanap ako ng lumang litrato ng pakbet (mas sanay ako sa tawag na pakbet) sa gallery ko 😅.
Kung napapansin nyo mas lamang kalabasa. May iba't ibang klase kasi ng pinakbet depends sa lugar at kinalakihan ng magluluto. Yung karaniwan, gumagamit ng bagoong (fermented fish) para sa pampalasa. Pero dito sa aming tahanan, alamang (yung maliliit na mga hipon) kasi mas masarap. Sa ibang lugar may bersyon sila na mas madaming gulay (kulang nalang ibuhos yung bahay kubo) at karne para mas masustansya. Gaya ng pagdadagdag ng talong, kamote, kamatis, at mga buto ng bataw (yung malalaki).
Hays, kulang ng litrato ng pritong galunggong para solb na.
Good night.
ano yan pinakbit ba yan.parang nilaga ah..hehhe kulang sa soy sauce buddy..sarap naman yan ihalo sa kaning lamig..yum yum yum yum