Ang economic output ng Pilipinas na sinusukat sa pamamagitan ng Gross Domestic Product ay bumaba ng 0.2% noong unang quarter ng 2020. Ito ang unang pagkakataon mula noong 1998 na bumaba o nagkaroon ng economic contraction ang bansa.
Simula 1961, tatlong beses pa lang nakaranas ng economic recession ang Pilipinas. Una noong 1984 at 1985 sa dulo ng panahon ng diktador na si Marcos. Pangalawa noong 1991 dahil sa oil and energy crisis na sinundan pa ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo, at pangatlo noong 1998 Asian financial crisis.
Nakaligtas tayo sa recession noong 2008 global financial crisis pero sumadsad pa rin ang ating ekonomiya ng mga panahong iyon. Marahil ay dahil na rin sa natuto tayo sa mga nakaraang financial crisis at mas naging handa para dito.