1st crush... 1st love.... A heartbreaking story๐Ÿ’”

0 12
Avatar for jazzreggae13
3 years ago

Bagong lipat ako nun from pasay to quezon city... Napaka boyish ko nun, nagka girlfriend pa ko nung kabataan ko.... Ahahaha pero nung malipat ako sa quezon city at nakita ko ung boy next-door sa bagong tahanan nmin, iba ung kabog ng dibdib ko....kakaiba...un din ung 1st and last na naramdaman ko sa buong buhay ko... Kelan kaya ulit mauulit ang ganitong pakiramdam? ๐Ÿ˜Š. Sa tuwing magsasalubong kami kinakabahan ako, pero kinikilig kasi nakita ko n nman sya, as time goes by, gumawa na ko ng paraan para kahit papano makita ko sya, sumisilip pa ko sa bintana kasi madalas sya sa terrace nila nagpapalipad ng kalapati, hays!!! Tapos pupunta ko sa tindahan nila pag sya ung nagtitinda, tapos sobrang kilig pag kinausap ako... Parang tanga lang hahahah!!!!

One time, tinanong nya ko kung ilang taon na ko, sinagot ko nman kaya lang sabi nya "ay bata ka pa"... Nalungkot ako, ang gusto nya pala mas matanda sa knya... Pero bakit parang sa tuwing titingnan nya ko ramdam kong may gusto din nman sya sakin ๐Ÿ˜ญ Hanggang sa nagtapos ako ng pag aaral at nagtrabaho, sya pa din ang gusto ko kaya lang hindi na pwede kasi may gf na sya. Ung mama nya lagi n lng ako iniinvite sa bahay nila, masaya lang kasi makikita ko sya pero hindi pala.... Napakasakit makita na ung gustong gusto mo may kasamang iba, ang sweet pa nila.... Hays!!!!! Hanggang ngayon nasasaktan ako pag naiisip ko un... Lumipas ang mga taon, hinanap ko sya sa fb, nagfriend request ako pero till now deadma... Aaminin ko iniistalk ko pa din sya. Hays!!!! 1st love never dies nga ba??? Hindi ko na ulit naramdaman ang ganon klaseng feeling....at sa tingin ko matanda na ko para sa mga ganyan hahaha.... Nashare ko lang kasi di ko talaga sya makakalimutan.

Ang lungkot lang kasi ung 1st love ko hindi nman naging masaya.... ๐Ÿ’”

1
$ 0.00

Comments