Ryza Cenon sa kaniyang pagbubuntis: 'Happiness is on the way'

2 14
Avatar for jayrine24
3 years ago

Ipinakita ni Ryza Cenon sa  kaniyang "before and after" Instagram post ang pagkakaroon niya ng baby bump.

Pinaghahandaan na ni Ryza ang pagkakaroon ng anak dahil sa isa pa niyang post, makikita ang isang sonogram kasama ang mga damit at kagamitan na pang-baby.

Naka-tag si Miguel Antonio Cruz  na siyang ama ng kaniyang ipinagbubuntis, sa mga larawang naka-post.

Sa ulat ng pep.ph, si Miguel ang kasalukuyang boyfriend ni Ryza, isang cinematographer mula sa Bacolod City na naka-base ngayon sa Manila.

Sinadya raw ni Ryza na hindi ipaalam sa publiko ang bago niyang relasyon, dahil isang pribadong tao lang din si Miguel.

4
$ 0.00

Comments

kala ko si Rome yung ama hhha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Kala mo lang te. hehehe

$ 0.00
3 years ago