Kapuso stars, may online benefit show para sa anak ni Super Tekla

0 17
Avatar for jayrine24
3 years ago

May idaraos na online fundraising concert ngayong Martes ng gabi ang ilang Kapuso stars para sa operasyon ng bagong silang na anak ni Super Tekla na may birth defect na anorectal malformation.

Magaganap ang online show #OneHeartForBabyAngelo mamayang 8:00 p.m., at mapapanood sa YouTube at Facebook account ng GMA Network, GMA Artist Center, at YouLOL.

Kabilang sa magtatanghal ay sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rita Daniela, Betong Sumaya, Kristoffer Martin, at Edgar Allan Guzman.

Magpapasaya rin ang mga stand-up comedians na sina Boobsie at Kim Idol; mga "Clasher" na sina Golden Cañedo, Garret Bolden, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, at Jennifer Marvilla; at maraming iba pa.

Una nang ibinalita ni Tekla na sumalang na sa unang operasyon ang kaniyang anak na isinilang na walang butas ang puwet. Pero may iba ang operasyon na pagdadaanan ang sanggol na wala pang isang buwang gulang.

Lumapit na rin si Tekla kay Willie Revillame para humingi ng tulong at hindi naman siya nabigo. Naging emosyonal pa nga ang komedyante nang mag-guest siya sa "Wowowin-Tutok To Win."

READ: Super Tekla, emosyonal na nagbalik at muling nakausap si Kuya Wil sa ‘Wowowin’

Sa kaniyang Facebook post, nagpasalamat din si Tekla sa tulong ng mga GMA executives, at maging ng ilang personalidad tulad ni Senador Bong Revilla at Bong Go.

Aminado si Tekla na kapos siya ngayon sa pinansiyal dahil na rin sa limitado ang pagtatrabaho niya bunga ng umiiral na community quarantine.--FRJ, GMA News

6
$ 0.00

Comments