Bossing Vic, ‘napatawag’ kay Vico nang malamang walang manliligaw si Mayor Donya Tesoro

0 15
Avatar for jayrine24
3 years ago

Pabirong napatawag si Bossing Vic Sotto sa anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto nang ihayag ni San Manuel, Tarlac, Mayor Donya Tesoro na wala itong kasalukuyang manliligaw.

Sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” nitong Sabado, naging panauhin ang mga mayor ng iba’t ibang lugar sa bansa, kabilang na si Mayor Donya.

Hindi naman napigilan ng Dabarkads na sina Jose at Paolo na kamustahin ang mayora tungkol sa kaniyang lovelife.

Wala raw boyfriend sa ngayon si Mayor Donya.

“Ano po ang type niyong boyfriend?” tanong ni Paolo sa alkalde.

‘Ako kasi hindi naman ako particular sa looks eh. Basta hindi babaero ... Siyempre ’yung maiintindihan ’yung trabaho ko,” sagot ni Mayor Donya.

“Kailangan mayor din ’yung mapangasawa mo!” biro ni Jose, na nagtanong kung may panahon sa lovelife ang mayora.

“Sa ngayon hindi siya priority. Kaya nga palagi kong nilalagay na #notimeforlove,” sagot ni Mayor Donya.

Dito, tila ini-link na ng Dabarkads si Mayor Donya kay Mayor Vico Sotto.

“Paano kung nandiyan na, may balak lang, ano po ba ’yung paborito niyong pagkain?” tanong ni Jose kay Mayor Donya.

“Sa meryenda po, ano mga gusto niyong pagkain? ... Kalamay gusto niyo?” tanong pa ni Jose, na tila gustong marinig kay Mayor Donya ang salitang “biko” na katunog ni Vico.

Hanggang si Bossing na ang nagtanong kay Mayora. “May nanliligaw ba sa inyo ngayon?”

“Hi Bossing! Parang wala. Parang ayaw naman nila sa akin,” sagot ni Mayora Donya.

Dahil dito, pabirong napaabot na si Bossing sa kaniyang phone at tinawagan ang anak niyang mayor ng Pasig City.

“Hello Vico! Hello?” sabi ni Bossing Vic. “Diniretso ko na.”

Ayon naman kay Mayor Donya, “maraming nagte-text, nangungutang, humihingi ng tulong, pero walang nanililigaw” daw sa kaniya.

“Darating din ang biko may latik,” biro ni Jose.

2
$ 0.00

Comments