Angel Locsin writes open letter after TV Plus shutdown: "Ang daming time pag-initan ang ABS..."

0 31
Avatar for jayrine24
4 years ago

"Ang daming time pag-initan ang ABS."

Ito ang bahagi ng open letter ni Angel Locsin, 35, sa kanyang Instagram Stories ngayong Miyerkules ng gabi, July 1.

Walang direktang tinukoy ang aktres kung para kanino ang sulat na may salutation na "To whom it may concern."

Ngunit mahihinuhang para ito sa mga mambabatas na may kinalaman sa posibleng tuluyang pagpapasara ng ABS-CBN.

Litanya ni Angel, bakit daw masyadong pinag-iinitan ang ABS-CBN gayong maraming kinahaharap na problema ang bansa.

Kasunod ito ng pagsasara kahapon, June 30, ng digital broadcast ng ABS-CBN TV Plus dahil sa alias cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC).

Bukod pa rito, ipinatigil din ng NTC ang operasyon ng SKY Direct ng Skycable Corporation, ang cable channel ng ABS-CBN, dahil sa pagkapaso umano ng prangkisa nito.

Saad ng Iba ‘Yan host, "Make sure you have plans for the many workers who lost their income.

"Ang daming time pag-initan ang ABS, i-prioritize pa ang re-naming ng airport, anti-terrorist bill, pero ang kailangang marinig ay ang plano tungkol sa Covid & frontliners, plano sa edukasyon para sa mahihirap na walang access sa internet o magtuturo sa bahay, balik probinsya, OFW’s na stranded sa ibang bansa, kabuhayan ng nawalan ng trabaho, paano na ang tradisyunal na jeepney drivers?"

Ang tinutukoy ni Angel ay ang isinusulong sa Kongreso na House Bill No. 7031 o ang panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa inihaing panukala ni presidential son at Davao City First District Representative Paolo Duterte, kasama sina House Representatives Lord Allan Jay Velasco at Eric Go Yap ng ACT-CIS Party-list, nais nilang palitan ang NAIA sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Ang isa pa ay ang mainit na usapin tungkol sa House Bill 6875, na kilala rin sa tawag na Anti-Terrorism Act of 2020.

Ang iba pang usaping nais daw sanang matugunan ni Angel ay ang pagbabalik-eskuwela sa August 24, at ang mga kababayan nating apektado ng COVID-19.

Pagpapatuloy pa ni Angel, "Paano ang mga senior citizens?

"At sa kung anong kakaharapin ng masang Pilipino pagkatapos ng pandemya."

Tinapos ni Angel ang kanyang open letter sa paggamit ng signature na "Taxpayer."

Kabilang ang Kapamilya actress sa celebrity taxpayers ng bansa.

4
$ 0.00
Avatar for jayrine24
4 years ago

Comments