Paano Tanggalin ang Malaki at Matigas na Tutuli? Mga Uri at Kulay ng Tutuli: Paano Tanggalin, Alamin Ang tutuli o cerumen ay isang natural substance na ginagawa ng mga tainga para maprotektahan ang ear canal at eardrum. Alam mo ba na hindi dapat tanggalin ang tutuli nang madalas? Dahil ang tutuli ay may protective functions: pinapanatili nitong lubricated ang ear canal, samakatuwid, pinipigilan ang mga tainga mula sa pangangati; pinipigilan din ang iba’t ibang mga pollutant na pumasok sa loob ng tainga; at ang substance ay may antibacterial properties. Ang gray na tutuli ay pangkaraniwan lalo na sa mga nakatira sa lungsod ngunit kung ito ay tuyo or nangangati ang ear canal, maaari itong magpahiwatig ng seborrheic eczema. Ang tutuli na may bahid ng dugo ay maaaring magpahiwatig na nasira ang iyong eardrum, na maaaring humantong sa otitis. Ang itim na tutuli ay resulta ng matagal na exposure sa oxygen at kung madalas na nangangati ang tainga, ito ay maaaring magpahiwatig ng fungal infection. Ang mabahong tutuli ay maaaring may impeksyon sa gitnang tainga or may na-trapped na tubig sa ear channel. Ang mga paraan para matanggal ang malaki at matigas na tutuli: gumamit ng agents na nagpapalambot sa tutuli tulad ng mineral or baby oil or ear drops. Maglagay ng ilang drops sa iyong tainga isang beses sa isang linggo upang mapalambot ang tutuli at tulungan itong lumabas nang mas madali at mabilis.
0
380