Hirap Makatulog, Mga Paraan Para Makatulog ng Mabilis at Mahimbing.
Hirap ka bang makatulog? Isa ka ba sa mga milyong Pilipino na hindi nakakakuha ng sapat na tulog? Ang pagkakaroon ng maganda at mahimbing na tulog ay kinakailangan para mapabuti ang iyong pisikal at mental health. Ang pagtulog ay mahalaga para lumakas ang iyong immune system at malabanan ang sakit. Ang kakulangan sa pagtulog ay maaaring maging sanhi ng hormonal imbalances na maaaring humantong sa pagtaas ng timbang, irritability, mental disorder, depression, sakit ng ulo at mabagal na reaksyon paminsan-minsan. Kinakailangan na makakuha ka ng 7 hanggang 8 oras na tulog bawat araw. Ano ang mga paraan para makatulog ng mabilis sa loob ng dalawang minuto ayon sa US Army? Ang military technique na ito ay makakatulong sa iyo na makatulog nang mas mabilis at mas mahaba. I-relak ang iyong facial muscles kasama ang iyong dila, panga at muscles sa paligid ng mata. Kapag naka relax na ang iyong mukha, ibaba ang iyong balikat nang mas mababa at i-relak ang iyong magkabilang braso at kamay. Makakatulong ito na mabatak at mailabas ang tension sa iyong leeg. Huminga nang malalim at i-relak ang iyong dibdib. Pagkatapos ay i-relax ang iyong mga binti at pakawalan ang tension mula sa iyong hita at hayaan na ang relaxation ay bumaba sa iyong mga paa. Habang ang muscles nang iyong katawan ay naka relax, isipin mo na ikaw ay nasa matahimik na lawa at nakahiga sa bangka or nasa madilim na silid at nakahiga sa duyan.
Mainam din na huwag uminom lang caffeinated drinks like coffee and sofa. :)