Tanging Hiling
Karaniwang hinihiling
Ng taong mapaghambing
Ay magkaroon ng yaman
Na hindi nauubos kailan man
Ang iba naman ay kalusugan
Upang siguro ay hindi muna makita si kamatayan
Dahil hindi pa nila nasusulit ang kabataan
Dahil hindi pa maiwan ang kasintahan
Ako'y nagtanong ng paulit-ulit
Ang saking isipan ay gumuguhit
Bakit kaya hindi ko mapilit
Isipin ang aking pangarap kahit ilang pihit
Bagkus ay wala nga talaga akong pangarap
Dahil ba ako'y mapagpanggap?
Batid kong ako'y nasa alapaap
Yun pala sarili ay hinahanap
Naparito't naparoon
Ang kasagutan ay meron
Meron akong pag-asang bumangon
Mula sa kalungkutan kong nakakulong sa kahon
Sarili ay di matagpuan
Kahit sino man ay lapitan
Walang maibigay na kasagutan
Sa napakahirap na katanungan
Ano nga ba ang tangi kong hiling?
Ang pamilya'y muling makapiling?
Ang kasintahang muling iibigin?
O sarili muna ang iisipin?