"THREE TYPES OF WOMEN."
As I look on what's my grandmother holding, a picture. Curiosity shows on my face.
"Three types of women lola? Where?" I asked.
"You know apo, tayong mga babae may iba't ibang katauhan na maaring ilabas, pwedeng sabay sabay o paisa isa."
"Eh lola, kaya ba natin yon? I mean, we're human. Ofcourse we can do multi tasking pero lola yung katauhan? I don't think so." Wika ko.
Ibinigay niya sakin ang litratong hawak hawak niya.
"Can you tell me, ano ang nakikita mo sa larawan na yan?"
Umm. I look at the picture. Maigi kong pinagmamasdan.
"Lola, required ba na labas dede?" I ask while laughing.
Ba't kasi nakalabas yung dede.
"Karamihan sa mga tao ay hindi alam ang nakatagong ibigsabihin sa larawan na yan."
She sighs.
"... dahil siguro, hindi sila ang nasa larawan o hindi nila nakikita ang sakripisyo na nagagawa ng isang babae. "
I sit properly habang nakatingin kay lola.
"Lola, ano pong ibigsabihin mo?"
As she close her eyes, reminiscing her past maybe, wala na kong nagawa kundi ang antayin ang sasabihin niyan.
"Willingness, bravery and courage."
Ha? Naguguluhan ako ngunit ng himayin niya ang mga salitang binanggit niya ay tila naliwanagan ako.
"Willingness, ito apo." Tinuro niya ang babaeng hubad ang pantaas at may takip ang ulo.
"Alam mo ba, karamihan sa mga babae ay willing ibaba at kalimutan ang dignidad nila para lang mapatunayan ang pagmamahal sa isang tao? And that's the reason kung bakit may takip ang ulo niya at may tali ang kamay niya."
Mariin kong tinitigan ang nasa larawan, willingness.
"Nang ibigay niya ang dignidad sa isang tao na hindi sigurado sa kaniya. Nawalan na siya ng karapatan bilang isang babae kaakibat ng kahihiyan na humarap sa maraming tao na tila malinis pa siya."
When I heard what she said. Agad na pumasok sa isip ko ang mga kabataan.
Tama nga si lola.
"Ang pangalawang babae ay nagpapakita ng katapangan, bravery." Wika niya
Tahimik lang ako na nakikinig sa paliwanag niya.
"She can do everything para sa kumakalam na sikmura. Kaya niyang maging matapang para sa pangangailangan niya. That's why she's holding a gun, showing that she is brave enough to take the risks."
Agad akong tinamaan. Totoo, kapag ang babae ang nag sacrifice hahamakin niya ang lahat ultimo maubos pa ang sarili niya.
"At ang pang huli. Ang babaeng sunod sunuran, courage." Napasinghap muli siya.
"Sa panahon ngayon. Ang mga babae ay mararahas, hindi na wais. Basta nalang magpaalipin kung kanino ay ayos lang. Kahit masaktan ay ayos lang."
"Hindi na nila naiisip na ang sobrang lakas ng loob ay pwedeng kahantungan ng sakit. Sa sobrang pagmamahal, nakalimutan na niya na maari siyang masaktan sa gagawin niya."
Tila hindi ako makagalaw sa narinig ko. Tama nga lahat. Sakto.
But..
"Lola, anong ibigsabihin ng babaeng bato sa ibaba?" I asked for the third time.
"Kamatayan apo."
"Kamatayan po?" Pag uulit ko.
"Dahil sa kapusukan ng kababaihan hindi nila alam na maari silang mamatay, hindi lang physically kundi mentally."
"Kaya may malaking patalim ang nakatusok sa iba't ibang parte ng katawan nila." Tinuro niya ang pinaka una.
"Ang sobrang lakas ng loob gawin ang lahat ng bagay ay maari kang saktan ng hindi mo namamalayan."
Tinuro niya ang pangalawa.
"Ang sobrang katapangan ay maari kang dalhin sa bingit ng kamatayan."
At ang pang huli..
"At ang sobrang pag payag mo sa lahat ng ipapagawa sayo kahit ang kapalit ay dignidad mo ay pwede kang patayin sa pamamagitan ng pagtanggal ng karapatan mo at tingin sayo ng mga tao."
Tila naalog ang isip ko sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na pwede pala ako maging ganon kung hindi ko makokontrol ang sarili ko.
"Willingness because of love, bravery because of needs and courage to do everything for the sake of someone, apo it can destroy you."
Agad akong napayakap kay lola.
"Women are so powerful apo. Gamitin mo sa tama iyon." Wika niya na nakapag pagising sakin sa reyalidad.
Written by: Talia Bright
Artwork by: Erik thor Sandberg
Eh pano naman yung mga pusa sa ibaba?
Ayon kay Sinichi Writes, isang manunulat,
Sila yung mga kumakatawan sa mga taong nagluluksa sa pagkawala mo.
Yung mga taong iyong masasandalan at hanggang kamatayan hindi ka nila iiwan.
Kaya hanggang sa huli, sila parin ay nasa iyong tabi.
Sayang po hindi po masyadong kita yung pictures. Pwede po bang i edit mo ito and put a picture? Para makita nmin meaning