Kalidad ng Edukasyon sa Pilipinas (Quality of Education in the Philippines)

4 3094
Avatar for itsme.littlemadam
3 years ago

“Kaya hindi nakapagtataka kung bakit puro tayo kuda at walang ginagawa, sapagkat nasanay tayong makinig nang hindi pinapakinggan at pagsalitaan nang hindi hinahayaang magsalita.  Sunod-sunuran lamang, walang kasiguraduhang sasabay sa pandaigdigang agos upang makibagay at makikipag kompetensya sa iba” - https://read.cash/@itsme.littlemadam

Paaala: Ang artikulong ito ay isang pagtatangkang maipamalas ang Wikang Filipino bilang midyum ng pakikipagtalastasan.

Screen capture: GMA News Online, 2019

Ayon sa isang artikulo na inilathala ng GMA Network (GMA News Online, 2019), isa ang Pilipinas sa mga bansang may mababang kalidad ng pagkatuto at nakababahalang estado ng edukasyon.  Lalo pang nabahala ang marami nang ipinatupad ang programang K-12 sa bisa ng RA 10533 na dagdag dalawang taon sa basic education curriculum na idinidiin ng gobyerno bilang "upgrade" sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Sangayon ako kay Dr. Milwida Guevara, Chief Executive Officer ng Synergeia Foundation, na dahil sa lawak ng K-12 curriculum ay "mas nakatuon sa dami ng subject o competency ang tinatalakay" imbes na natututukan nang mas malalim ang pagbasa ng mga mag-aaral.

Hindi lamang iyan, sapagkat ang pinaka naging argumento nang implementasyon ng K-12 program sa Pilipinas ay sa kadahilanang isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa buong mundo at nag-iisang bansa sa Asya na may "10-year pre-university education" lamang.

Nakakadismayang isipin, hindi ba?

Sapagkat kung kalidad ng edukasyon pala ang nais, bakit ang pagdaragdag ng taon sa pag-aaral ang ginawang solusyon kung pwede namang pangkalahatang repormasyon? Sa tingin ko, ang ugat ng problema sa de-kalidad na edukasyong ito ay hindi ang nasabing maliit na panahong iginugugol ng mga mag-aaral sa pag-aaral kundi ang sistema ng pagtuturo at paraan ng pagkatuto na umiiral at pinapairal sa mga institusyon.

Ipagpalagay nating nakakatuwa kung iisipin na base sa Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (2013) na nabanggit rin sa nasabing artikulo (GMA News Online, 2019), "9 sa 10 Pilipino edad 10 hanggang 64 ang functionally literate o marunong magbasa, magsulat, at magbilang."

Ngunit hindi rito nagtatapos at nasusukat ang tunay na edukasyon ng tao, sapagkat ano pa ang saysay ng karunungan sa pagbabasa kung hindi naman naiintindihan ng mag-aaral sa malalim na konteksto ang binabasa? Ano ang saysay ng kagalingan sa pagsusulat at pagbibilang kung hindi naman na a-apply sa tamang paraan?

Hindi tayo uunlad sa "reading" lamang, kailangang "reading at comprehension.” Hindi yung maraming alam wala namang naiintindihan.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit puro tayo kuda at walang ginagawa, sapagkat nasanay tayong makinig nang hindi pinapakinggan at pagsalitaan nang hindi hinahayaang magsalita.  Sunod-sunuran lamang, walang kasiguraduhang sasabay sa pandaigdigang agos upang makibagay at makikipag kompetensya sa iba.

Ang nakapanghihinayang pa rito ay ang pangarap na "global competitiveness of the Filipinos" gayong kahit sa "local arena" wala tayong naibubuga. Para tayong sumabak sa gyera na hindi dala ang tamang sandata. Para saan nga ba ang "global competitiveness", para punan ang "global demand" ng "semi- skilled at cheap labor?"

Maraming Pilipino ang biniyayaan ng magandang kaisipan. Sa totoo lang, kakikitaan ng kakaibang talento ang mga Pilipino sa ibat-ibang dako man ng mundo. Ngunit di maipagkakailang tunay nga na mababa pa rin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Dinagdagan pa ng dalawang taon sa Senior High kung saan ang mga "graduates" ay bibigyan ng Certificate of Competencies na siyang ibinibigay rin sa mga TESDA graduates na kung tutuusin nakababahala sapagkat hihikayatin lamang nito ang mga estudyante na maghanap ng "employment" kaysa kumuha ng "tertiary education", na hindi pa talamak na ideya sapagkat mas pinipili nga naman ng ilang mga kompanya ang "college degree holder" kaysa Senior High graduate.

Ayon kay Philippine Business for Education Executive Director Lovelaine Basillote (GMA News Online, 2019), hindi lang ang K-12 curriculum ang may problema.

Hindi talaga, sapagkat pati ang mentalidad natin nasasakop ng maling sistema.

Hindi ba natin napapansin?

Ang kasalukuyan ay parang salamin lamang ng nakaraan. Hindi nga ang ating lupain ang sinasakop kundi ang ating kaisipan. Kaya nga may sarili tayong "identidad" dahil hindi lahat nang ginagawa ng isa ay "applicable" sa iba.

Ika nga ni Sir Albert Einstein:

Screen capture: https://www.azquotes.com/quote/369274

 Bakit hindi muna natin buuin ang ating sarili bilang mga Pilipino, bago makipagsabayan sa ibayong dagat? Sa paraang ito, hindi tayo basta-basta mawawasak ng kahit sino.

Dahil sa ganang akin, malayo-layo pa ang ating lalakbayin. At naniniwala ako na isa ang kalidad na edukasyon sa pupuna ng maling sistema na umiiral sa ating bansa.

 Screen capture: (The Legacy of Miriam Defensor Santiago, 2017)

 Ikaw, ano ang kwentong "quality education" mo?

Sponsors of itsme.littlemadam
empty
empty
empty

______________________

Sanggunian/References:

GMA News Online. (2019). Retrieved from Kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway': https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/bawalangpasaway/687987/kalidad-ng-edukasyon-sa-pilipinas-tatalakayin-sa-bawal-ang-pasaway/story/

The Legacy of Miriam Defensor Santiago. (2017, August 2). Retrieved from www.facebook.com: https://web.facebook.com/MDS2016/posts/i-have-realized-why-corrupt-politicians-do-nothing-to-improve-the-quality-of-pub/1949019348720803/?_rdc=1&_rdr

https://www.azquotes.com/quote/369274

 

3
$ 0.17
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.05 from @engrhisrael
$ 0.02 from @Ellehcim
Avatar for itsme.littlemadam
3 years ago

Comments

The first step in selecting an above-ground pool is to determine your budget. Above-ground pools come in a wide range of prices, starting from a few hundred dollars to several thousand dollars. Determine how much you can afford to spend on a pool, including the cost of installation, accessories, and maintenance. https://skyhighpools.com/best-automatic-vacuum-for-above-ground-pool/

$ 0.00
1 year ago

Kahit ako man ay hindi gaanong nasiyahan sa bagong sistema ng edukasyon na ito. Tila minadaling desisyon para lamang masabing 'nakakasabay sa ibang bansa'. Ang problema ay inihain na agad ito gayong hindi pa naaayos ang mga dapat unahing ayusin sa aspeto ng edukasyon. Hindi masyadong nakatulong, nakapabigat pa.

Iminimungkahi kong isumite mo ang artikulong ito sa komunidad na "Filipino Readers". Hintayin mong maaprubahan ng mga tagapamahala, upang masmarami ang makabasa nito.

Mahusay ang pagpapaliwanag. Marami akong natutunan.

$ 0.00
3 years ago

Maraming salamat sa iyong pakikiisa, binibini!

Isang karangalan para sa akin na maipabatid sa publiko ang mga salitang ito. Ako man ay nadidismaya rin, pero malaki ang pangarap ko para sa bansang ito. Napansin ko lamang na para bang naging kultura na ng mga Pilipino ang magbingi-bingihan. Sabagay, mas masarap nga naman ang minatamis na kasinungalingan kaysa sa mapanakit na katotohanan. Iilan na lang siguro ang hanggang ngayon ay naghahanap ng kaliwanagan.

Nawa'y gumising na ang mga nagtutulog-tulugan.

$ 0.00
3 years ago

Hanggat ang mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang nasa itaas ng tatsulok, ang nasasakupan ay mananatiling bulok. Hindi na nakakagulat kung ang mga kagaya ko ay masnasisiyahan pa sa ibang bansa.

$ 0.00
3 years ago