Mga Awit ng Kalikasan

0 5

Ang agos ng ilog, kay sarap pakinggan

Ang dahon ng niyog habang sumasayaw,

Pati ang mga ibong nagliliparan

O, kawili-wili habang minamasdan

At kung humahampas sa pampang ang alon,

Wari ay pagbagsakng tubig sa talon

May awit din naman ang patak ng ambon,

Saka mga huni sa buong maghapon

May awit ang hayop, saka ang kulisap

Pati karagatan, tila nangungusap;

Hangiy bumubulong kapag lumalabas,

Lahat nga ng itoy sadyang nagaganap.

At ang mga awit na naririnig mo,

Ating kalikasan ang may dulot nito

Handog ng Maykapal sa lahat ng tao

Likas na awiting kay gandang totoo.

May tahol ang aso, may awit ang hangal

May iyak ang sanggol kapag nasasaktan,

Subalit tandaang iisa ang mahal,

Iyay ang TINIG MO, AKING KAIBIGAN!

5
$ 0.00

Comments