Sina Don Juan at Donya Namongan ay taga nalbuan, na ngauon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Itoy si Lam-Ang. Bago pa isinilang si Lam-Ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng Igorote na kalaban nila.
Nang isilang si Lam-Ang, Apat na hilot ang nagtilong tulong. Ugali na ng mga Ilokano noong una, na tumulong sa mga hilot sa twing manganganak ang kanilang asawa ngunit dahil nga sa wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsisilang ni Donya Namongan.
Pagkasilang, nagsalita ang sanggol at siya ang humiling na Lam-Ang ang ipangalan sa kanya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong nya sa binyag. Itinanong panrin nya sa ina ang ama, kung saan naroon ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagsilang. Sinabi ng ina ang kinaroroonan ng ama. Ang bata ito ay kinamaladan din ng likas na kalakasan.
Makaraan ang siyan na buwan, nainip na si Lam-Ang sa d pagdating ng ama kayat sinundan nita ito sa kabundukan. May dala sitang ibat-ibang sandata at mga anting-anting na makapagbibigay-lakas sa kanya at siya’y d maaring makita ninuman.
Sa kanyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpistahan na ng mga Igorote. Galit na Galit si Lam-Ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting anting. Ang isa ay kanyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang mga Igorote ng kanyang lakas, tapang at talino. Umuwi si Lam-Ang nang nasiyahan dahil sa naipaghiganti niya ang pagkamatay ng ama niya.
to be continue ...