E she share ko sa inyo, kung paano ako nagkaroon ng first time crush na nauuwi sa almost 1st love.
Noong grade 4 palang ako, napansin ko na parang may batang lalaki nakatingin sa akin, sa una hindi ko pinapansin dahil natakot akong pagalitan na naman ako ng teacher ko kapag lumingon ako, that was during flag ceremony. Wala ang attenti0n ko sa kinakanta naming bayang magiliw, kundi nasa batang lalaki na nakatitig sa akin, na ilang dipa lang ang layo sa akin. Nang matapos kaming kumanta ng national anthem, hindi ako nakatiis at lumingon ako sa gawi niya. Talagang nabighani ako sa kanya, dahil masyado siyang maputi at guapo sa paningin ko, masasabi ko na kalook alike niya si L ng Infinite . Pero noong time na yon hindi ko alam kung bakit titig na titig siya sa akin. Tinanong ko pa ang sarili ko ng "Why did he look at me that way? Do I have a dirt on my face?" a few seconds later, my classmate tapped my arm and said "don't you know why he stares at you like that? Look at the slipper you are wearing" sinunod ko ang utos ng kaibigan ko.
NAKU! NAKU!
Hindi pala pares ang tsinelas na suot ko. Nakakahiya! 😄😄😄😄 biglang pumula ang mga pisngi ko. Nang tinitingnan ko uli yong guapong bata na yon, ngiting ngiti siya sa akin. Dahil doon biglang nawawala ang hiyang nararamdaman ko, napalitan yon ng isang magandang pakiramdam na di ko ma explain. Nakaka attrack kasi yong ngiti niya, tumatagos sa puso ko.
Nalaman ko din noon ang name niya, his name is W (I don't want to mention his fullname for some reason 😄😄) He is a grade 5 student and he is 3 years older than me, he was 13 years old back then and I'm 10. At simula noon di na talaga siya nawaglit sa isipan ko.
Nang mag grade 5 ako, naging masaya ako dahil naging section ko ang dating section ni W at napaka coincedence ang nangyayari dahil yong dating upuan niya ay naging upuan ko. Parang heaven ang feeling ko noon.
Pero sadyang nalungkot ako noon dahil may narinig kasi ako na hindi na daw doon sa school namin mag aaral si W, mag ta transfer daw, akala ko totoo yon. Pero yong lungkot na nararamdaman ko napalitan ng saya ng makita ko siyang nag enroll sa room ng grade 6 section A, hahaha na late lang pala siya mag enroll. 😄😄😄
Akala ko noong time na yon, magiging matinding sekreto ko lang ang pagkakaroon ko ng matinding crush sa kanya. Pero di ko akalain na may classmate pala akong nakakaalam. That girl made a love letter and she included my name without letting me know. And she secretly gave it to W's bestfriend. I was feeling devastated that time, when W's bestfriend told me everything. I told him that its not me who wrote that letter. I was about to quit my schooling that time, because there's a lot of mean girls who had a crush on him too bash me that time. But I fight for it, because I don't want my family scold me. So I continue going to school, no matter how hard the situation is. After all I have close classmates who will ready to protect me from those annoying school mate mean girls 😄😄😄😄
Since then, napansin ko na parang nagpapansin na si W sa akin. Lagi siyang dumudungaw sa bintana ng room namin, at kinikindatan ako. Pinapadalhan na din niya ako ng love letter na secretong nakalagay sa ilalim ng desk ko o minsan doon sa bintana. Pero lahat ng yon di ko pinapansin dahil sa isip ko noong time na yon sinasakyan lang niya ako.
One year have pass
Nang mag grade 6 ako. Tuloyan na akong na lungkot dahil wala na akong W nakikita sa paligid. Pero yong pinsan ng kapitbahay namin na naging classmate ni W. May inaamin siya sa akin. Sabi niya "Kilala mo si W di ba?" Sabi ko "Oo" then sabi niya "alam mo grade 4 ka palang may crush na siya sayo" nagulat ako, sabi ko "bakit mo alam?" Sabi niya "Coz he told me everything, nahihiya lang siya nasabihin yan sayo,pag aaral din kasi ang una niyang inaatupag, pero masaya siya ng malaman niya na may crush ka din sa kanya. Pero alam mo matagal na niyang alam na may crush ka sa kanya, grade 4 ka palang alam na niya, nag umpisa yon noong makita niya na hindi pares ang tsinelas mo, during nag flag ceremony tayo, tutulongan ka sana niya, ipapasuot niya ang tsinelas niya sayo, pero nahihiya siya."
Masaya ako sa nalaman ko, pero some parts of it, may lungkot din akong nararamdaman, dahil di ko kasi sinasagot yong mga love letter niya. Akala ko kasi noon sinasakyan lang niya ako. Pero di ko alam na totoo pala yon. Pero nong time na yon, pag aaral pa rin kasi ang una kong puntirya.
Siguro kong sinagot ko ang mga love letter niya, baka nagiging long time boyfriend ko na siya ng panahon na yon. Baka nagiging husband ko na siya ngayon. Hayyy! Sayang talaga 😥😥 pero alam ko na masaya na siya ngayon sa piling ng iba.