"The Maid: Thai Horror Movie"

0 5
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Ang kwentong "The Maid" ay tumutukoy sa isang katulong na kung saan ay madilim ang sinapit sa kamay ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at mga amo. Ito ay may halong seksuwal,karahasan na hindi maaring mapanood ng mga bata o kinakailangan ng paggabay ng mga magulang.

May katulong na nagngangalang Ploy siya ay namasukan sa isang mayamang pamilya. Bagama't mayaman ang magasawa makikitang hindi sila masaya sa isa't isa. Hanggang sa pumasok na sa eksena ang katulong na si Ploy, si Ploy ay laging pinapalubag ang loob ng kanyang babaeng amo. Lagi niya itong sinasabihan ng mga magagandang salita,batid kasi ni Ploy na malungkot ito dahil sa kawalan ng oras ng asawa nitong lalake. Kaya naman ang among babae ay napalapit kay Ploy,hindi lamang yun sa sobrang lapit nagkaroon din sila ng relasyon.

Sa kabilang banda ang amo rin ni Ploy na lalaki ay nahulog din sa kanya,kaya naman may nangyari din sa kanila at ito ay nagbunga. Sa umpisa ay aaklain mong okay ang lahat,dahil sa tagal na nagsasama ang magasawa hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Kaya naman nung malaman nung among lalaki ay sobrang galak ang naramdaman nito.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Ploy habang nagaaskiaso ng pampaligo ng kanyang anak. Nadulas siya sa sahig at nauntog ang ulo,nakita ito lahat ni madame ngunit wala siyang ginawa at hinayaan lamang si Ploy. Nang inakala nilang patay na ito,isinilid nila ito sa plastic at binaon sa bakuran ng kanilang mansyon kasabwat ang mga katulong at ang asawa nitong lalaki. Subalit habang inililibing si Ploy ay humihinga pa ito at buhay pa,ngunit binaon nila ito kahit batid ng among lalaki na buhay pa ito.

Makalipas ang ilang taon sa bahay ng magasawang mayaman ay may kakaibang nararamdaman ang kanilang katulong sa kadahilang ito ay magresign at humanap sila ng kapalit nito. Dito na papasok si Joy,ngunit sa pagtapak palang din ni Joy sa mansyon at sa kanyang bahay na kanyang tutuluyan ay meron din siyang kakaibang naramdaman.

Hindi lang pala si Joy ang nakakaramdaman,maging ang kanyang alaga na si Lady Nid ang anak ng kanyang amo. Iisang babae lang ang nagpapakita sa kanila at ito ay ang hindi matahimik na kaluluwa ni Ploy.

Sa kabilang banda si Joy ay naging katulong narin pala ng isang foreigner ngunit ito'y may gagawing masama sa kanya kaya naman siya'y nanlaban at napatay niya ito,maging ang asawa nitong babae na foreigner. Ngunit ang kwento niya ay ang nga ito ay bumalik na sa kanilang bayan at binenta na ang bahay na kanyang pinapasukan.

Ang mga lihim na yun ay itinago ni Joy kaya naman natanggap siya sa mansyon kubg saan nagtatrabaho noon si Ploy. Nung una ay hindinpa nila alam na si Ploy nga yun hanggang sa may nakitang picture si Joy sa library ng kanyang amo at sinabi rin ni Lady Nid na Ploy nga ang pangalan ng babaeng maid na nagpaparamdam sa kanya.

Naging interesado siya dito at inalam ang nagyari dito,ngunit wala ni isa ang nagsabi ng totoo. Pero sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag kaya napagalamanan din ni Joy ang tunay na nangyari kay Ploy at nabayid din niya ang kaugnayan niya rito.

Si Ploy at si Joy ay magkapatid at ang batang kanyang inaalagaan na si Lasy Nid ay anak pala ng kanyang kapatid si Ploy. Kaya isang gabi habang nagdiriqang ang lahat,sinagawa na ni Joy ang kanyang paghihiganti. At ito'y naging madugo lahat ng may kinalaman sa pagkamatay at yung mga bisita ng gabing yun ay nadamay sa kanayang paghihiganti.

"Walang lihim na hindi nabubunyag at ang paghihiganti ay walang napupulot na maganda."

Sa mga nais manood ng The maid meron siya sa Netflix,.

Paalala: huwag manonood ng may kasamang bata,rated spg ang ilang eksena..😁😁

1
$ 0.30
$ 0.30 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments