The Feelings...

0 31
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Naranasan niyo rin ba na mawalan ng pagasa?

Yung kahit na sinusubukan muna lahat,wala parin! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa dalawang account ko.?

Hindi ako nagbabalik dito o kahit sa kabila kong account. Siguro magsusulat nalang ako ng mga nararamdaman ko rito at hindi na aasa na magkakaroon ng reward.

Beside hindi naman ako ganung ka talented na tao para mapansin ng kahit na sino.Kaya siguro gagawin ko nalang na labasan ng mga nararamdaman ko itong accou na to at yung isang account kasi wala din silbi kung magtry pa ko makakuha ng atensyon ng Taga bigay ng reward.

Attending his classmates birthday party

Ganito sanang birthday ang gusto ko para sa anak ko sa darating na Hunyo ngayong taon. Pero dahil sa wala talaga akong maasahan na reward kaya malabo ng matupad yun.

Simpleng birthday nalang ang importante healthy ang mga anak ko. Siguro naman ang iba dito maiintindihan ako,lalo na kung magulang din kayo. Ang gusto ko lang ay makita ang mga kita ng anak ko,at mapasaya siya sa kaarawan niya.

Ewan ko ba,tuwing sasapit kasi ang birthday niya lagi kaminng wala. Kaya madalang siya magkaroon ng cake,siguro nung nagtatlo siya wala,nung nag 5 at 6 wala narin. Pero ganun pa man okay lang naman sa kanya nauunawaan niyan.Kahit na alam ko na isa sa pinaka masayang araw para sa bata ay magkaroon ng cake tuwing sasapit ang kaarawan niya.

Masyadong makunat at kill joy ang asawa ko para maunawaan yun. Wala kasi sa kanya yung salitang birthday,kaya okay lang sa kanya na lumipas yun. Hindi nga din uso sa kanya ang handa,kaya malamang ganun din para sa anak niya.

Pero iba ako,ayoko ng ganun.! Hindi ko na nga naranasan ang ganun tapos ipaparanas ko pa sa anak ko. Sabihan niyo na ako na ambisyosa at mahadera pero ganun talaga ako. Ang hirap nung magcelebrate ka ng birthday tapos wala kang handa,okay lang kung birthday ko pero ibang usapan kapag sa anak ko.

My second child, his 2nd birthday

Ito yung birthday ng bunso ko noong nakaraan taon,ako ang lahat gumastos niyan. Galing sa mga raket ko online,hindi din naman kalakasan kita ko niyan dito at hindi pa ko member ng noise.cah.

Bale 1700 ata lahat ng nagastos ko niyan,simple lang yan pero makikita mo yung ngiti ng anak ko habang pinagmamasdan niya yung cake niya.Yan ang gusto kong nakikita sa mga anak ko tuwing kaarawan nila.

Ang maging masaya,hindi lang dahil kaarawan nilA kung hindi dahil yung day na yun yung araw kung kelan sila binigay sakin ng Panginoon.Kaya gusto ko laging cinecelebrate ang kanilang birthday.

Sabi ng iba okay lang kahit walang handa basta healthy,oo tama naman yun pero iba parin yung may handa. Dahil para sa mga bata,kahit hindi engrande basta may cake o may kaunting handa at present masayang masaya na sila.

At hindi porket pinaghahandaan mo ang kaarawan nilA ay iniispoiled muna sila. Ganyan kasi tingin ng asawa ko sa ginagawa ko, iniispoiled ko raw mga anak ko.

Iba iba talaga ang utak ng tao,pero iisa lang ang alam ko. Bilang isang ina gagawin mo talaga ang lahat para sa anak mo.

At yun sana ang gagawin ko,pero mukhang hindi ko na matutupad. Hahaha May kunti naman na kong naipon gamit ang noise.cash kaya yun nalang muna. Siguro hanap nalang ako ng ibang paraan o work kapag natapos ang pandemya na ito.

Baka sakaling sa pagtatrabaho ay mas magkaroon ng katuparan ang pangarap ko less umasa sa site na hindi ka man lang nabibigyan pansin hahaha

Pero nagpapaslamat ako sa site na to o sa platform na ito. Kasi pwede ko ng mailabas ang sama ng loob ko at kung ano ang mga nasa isip ko. Hindi ko alam kung kikita sila sa gagawin ko,pero makatulong sila para mailabas ko lahat ngnararamdaman ko.

Yung dating dedekasyon ko nawala ng parang bula. Ganun kasi talaga along tao,kung ayaw mo sakin huwag mo. Hindi kita pipilitin na magustuhan ako.

At ayoko narin mahirapan magsalita ng magsalita ng english sa kagustuhan ko na mapansin rito.

Never ko ng gagawin yun,I don't want too. I know may mga madidispoint diyan,hindi naman kasi lahat ng tao ay maiintindihan ang pinagdadaanan ko,ang frustration ko sa buhay na kumita ng Sarili kong pera. Maibigay ang kailangan ng anak ko sa Sarili kong sikap,itong site nalang na ito ang nakikita kong makakagawa noon pero pinutol na nilA ang pangarap ko na yun.

Sa pagspam nilA sa second account ko,nawala na lahat ng pagasa ko. Hahaha at wala narin along balak gumawa pa ng ibang account kung sa huli ay spam ulit nilA ng wala ka naman ginagawang violation.

Yung tipong hindi ka lang nakapagbukas ng ilang araw tapos page open mo "SPAM" kana ulit haha nagpapatawa ba to,tapos yung iba nga ilang linggo hindi nagopen pero hindi sila na spam tapos yung account ko na bagong gawa lang spam na agad agad...😂😂😂

Thanks for being part of me...ito po talaga ang feelings ko. Magagalit ako hindi sa dito kung hindi sa Sarili ko. Wala talaga akong kaya,hindi ko talaga kaya yung mga ganitong gawaon kaya I give up. Hindi para sakin ang mga ganitong klaseng trabaho. Oo trabaho na ang turing ko dito,kasi diba kumikita ka sa paggawa ng article. Automatic na trabaho na tawag dun,pero hindi ako nababagay dito.

I admit na!!!

Hanggang dito nalang muna..

1
$ 0.00
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments