Maging ako ay naintriga narin dito kay Reina Mae Nasino,bakit naman hindi siya lang naman ang laging laman ng balita dito sa Pilipinas. Ayon sa balita na aking napapanood itong si Reina Mae Nasino o sa may kilalang "Ina" ay isang aktibista na kung saan tumutuligsa sa gobyerno o yung tinatawag na NPA daw? at nahulihan pa nga ito ng mga pampasabog di umano,ngunit sa napanood ng video si Ina ay isa lamang aktibista na kung saan tumutulong lamang sa mga mahihirap. At ang nahuling pampasabog ay gawa gawa lamang ng mga kapulisan na humuli sa kanya at sa kanyang dalawa pang kasamahan noong Nobyembre 5, 2019 sa kanilang opisina sa Tondo, Manila. Si ina noon ay walong (8) buwang buntis sa kanyang anak na si Baby River.
Si Reina Mae Nasino o mas kilalang "Ina" ay kasalukuyang student leader in Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), a public college in Sta. Mesa, Manila kung saan siya kumukuha ng avocational course under the Special Opportunity Program. Nang mga panahong siya ay nahuli ay 22 taong gulang lamang ito at (8) walong buwang buntis din noon. Sa katunayan doon narin inabot ng panganganak si "Ina" sa loob ng kulungan,at humihingi na makasama niya pa ang kanyang isinilang na supling noon. Ngunit sa kinakaharap na pandemia ay hindi ito pinayagan dahil inaalala lamang din nila ang kalusugan ng supling. Kaya naman ang supling ay ibinigay sa nanay ni Ina,ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ilang buwan pa lamang ng inilayo ang sanggol ay binawian ito ng buhay dahil sa sakit na Acute Respiratory Distress Syndrome noong Octobre 9 2020 nitong taon.
Naging laman ng balita si "Ina" dahil sa kontrobersiyang nangyari sa mismong burol ng kanyang anak na si Baby River kung saan (40) apat napu ang nagbabantay dito ng mga panahon na iyon,at ang tamang oras na pinagkaloob na bisita nito sa anak ay hindi pa natatapos ay gusto na siyang ibalik ng mga ito sa bilangguan,kaya naman nagkaroon ng gulo sa mismong lamay ng anak nito.
Kahapon October 16,2020 ay inilibing na si Baby River ay ayon din sa balita (20) dalawampung pulis ang nagbabantay na sa labas kung saan nakaburol ang bata. At ito rin ang sumama upang magbantay kay "Ina", nang araw din yun kabi kabila ang protista na naganap at humihingi ng katarungan sa nangyari kay "Ina" at kay baby River.
Ikaw sa tingin mo bakit nga ba humantong sa ganito ang sitwasyon ni Reina Mae Nasino o "Ina" ?. Totoo nga ba na isa siyang miyembro ng kalaban ng mga awtoridad(NPA) o simpleng aktibista na naglalayon ipaglaban ang karapatan ng mahihirap.