"Sibuyas Alternatibong Lunas sa Lagnat"

2 34
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Ang sibuyas ay isang gulay na talaga namang paiiyakin ka, hahaha meron nga akong napanood sa you tube na comedy nagtanong ang teacher kung ano daw gulay o prutas ang nagpapaiyak.

Ang sagot ng karamihan ay onion o sa tagalog ay sibuyas,maliban sa isang bata na ang sagot ay niyog hahha😅😅😅 kaya ang nakuha niya sa pagsusulit na yun ay mababa o wala siyang puntos.

Ngunit yung bata hindi pumayag kayanpinaglaban niya na yung niyog eh nakakapagpaiyak din,kaya naman inabangan niya yung anak ng guro nila tsaka niya sinapol ng niyog sa ulo hahaha at yun nga umiyak yung bata.

Kaya nung napunta sila sa Prinsipal Office pinaliwanag nung bata bakit niya nagawa yun..hahaha natawa talaga ako dun.

Pero ang sibuyas ay hindi lamang nakakapagpaiyak o nakakapagpasarap ng ating mga lutuin.

Meron din itong gamit sa medisina o maari itong gamitin pang unang lunas sa lagnat.

Nabatid ko ito nung minsan na yubg anak kong bunso ay sobrang taas ng lagnat,tatlong araw din siyang nilagnat nun na sobrang taas.

Hindi ko naman siya maipacheck up noon sa kadahilanang natatakot akong magpunta sa ospital dahil sa problema natin sa covid19.

Kaya naman naghanap ako ng alternatibo na pwedeng kong magawa para maibsan man lang ang mataas na temperatura ng aking anak.

At sa paghahanap ko yun nga nahanap ko na pwede palang gamitin ang sibuyas.

Ang gagawin mo lang ay hihiwain sa gitna ang sibuyas,kapag nahiwa muna ito sa gitna.

Tsaka mo naman ito ilalapat sa talampakan ng may sakit o may mataas na lagnat,at babalutin.

Kailangan lapat na lapat para maabsurba ng sibuyas yung katawan ng may sakit. tsaka mo babalutin sa medyas.

Kinabukasan yun baba na yung temperatura nung taong may lagnat.

Sinasabi ko lang ito para makatulong po sa panahon ngayon na mahirap makipagsapalaran sa ospital talagang gagawa tayo ng nga alternatibobg paraan para maibsan ang naraamdaman ng ating mga mahal sa buhay.

Pero hindi po ako doctor kaya nasa sa inyo kung gagawin niyo rin po itong ginawa ko.

Pero para sakin po epektibo talaga siya kasi nung ginawa ko yun sa anak ko talagang bumaba yung lagnat niya at tuluyang ng gumaling.

Simula nun hindi na ko nagwawwala ng sibuyas sa bahay kasi malaking tulong talaga ang sibuyas.

Hindi lamang nagpapasarap ng ating mga pagkain ngunit pwede rin palang maging alternatibong lunas.

Maraming salamat po sa pagbabasa,nawa ay may natutunan po kayo sa aking sinulat..✌️😉

4
$ 0.00
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments

Totoo yan effective talaga ang sibuyas bilang alternatibong gamot sa sakit

$ 0.00
3 years ago

opo tinry ko kasi siya sa anak ko at sobrang effective,ilang gabi rin akong puyat kakapunas peeo nung nilagay ko yung sibuyas sa talampakan niya kinaumagahan lang bumababa na temperatura niya at naging ayos na siya. q

$ 0.00
3 years ago