"Readcash sa aking buhay"

1 30
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Gusto ko talaga siyang isulat sa english kaso hindi ko kasi maeexplain kapag sa english ko siya isinulat,at hindi din ako ganun kagaling sa english kaya sa tagalog nalang para mas feel.

Bago dumating si readcash sa buhay ko,isa lamang akong simpleng may bahay na may dalawang anak. Ang buhay ko ay sa gawaing bahay at pagaalaga sa aking mga anak. Hindi ko akalain na pwede din pala akong kumita kahit nasa bahay lang ,at makakapiling ko pa mga anak ko 24/7. Syempre alam ko na alam niyo na hindi din ganun kalakihan ang kita sa readcash pwera nalang kung marami kang subcriber,like,article at viewers, dagdag narin ang pag comment.

Pero alam niyo sa isang may bahay na tulad ko malaking tulong na yun,san ba nagsisimula ang malaki diba sa maliit. Kaya kapag naipon ko yung kita ko kay readcash malaki narin para sakin.

Dahil kay readcash marami akong natutunan, sa bawat artikulo na nababasa ko sa mga kapwa ko readcasher ay may mga bagay akong nalalaman at natutunan kaya hindi lang pang earnings si readcash,bagkus natututo kana kumikita kapa.

Dahil din kay readcash yung pangarap ko noon na maging writer,ay nagkakaron na ng katuparan. Hindi pa nga lang ako gaanong marumong pang magsulat pero sa katagalan masasanay din ako at matututo din ako.

Dahil din kay readcash nagkaroon ako ng mga bagong kakilala at mga kaibigan narin na matatawag kahit mga hindi pa kami nagkikita.

Dahil din kay readcash nagkaroon ako ng labasan ng mga frustration ko sa buhay. Nagiging labasan siya ng mga magaganda at mga hindi magagandang nangyayari sakin.

Kaya napakalaking impact ni readcash sa buhay ko,marami siyang naitutulong sakin kaya gusto ko rin suklian ito ng magagandang artikulo sana upang makatulong din ako sa kanya.

Kaya sisikapin ko matututo at makapagisip ng mga quality na article ng sa ganun mabayaran ko lahat ng tulong na naibibigay niya sakin.

Sinulat ko pala itong artikulo na ito hindi lamang sa contest na sasalihan ko,sinulat ko narin ito para pasalamatan ang site na ito at mga bumubuo nito.Mabuhay po kayo at sana magtagal po si readcash ng napaka tagal..

Sa mga gusto sumali sa contest ni ms.@esciisc bisitahin niyo lamang ang kanyang page.

https://read.cash/@esciisc/i-got-300-subscribers-sponsorship-giveaway-27429c12

Maraming salamat sa pagbabasa!.

Please Subscribe and like kung nagustuhan niyo po..

4
$ 0.02
$ 0.02 from @annoftheroses
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments

Buti na lang at sa tagalog mo siya sinulat. Ang ganda ng pagkakasulat mo. Malinaw yung mensahe. I agree with you na maliit nga lang ang nakukuha dito pero okay na yun kaysa maghapon kang nakababad sa social media, diba mas wala kang makukuha dun?

Don't worry if you think that you're not a good writer, the fact the maganda ang pagkakasulat mo ng article na ito, means that you have potential for writing. I admire how you presented the ideas and I like what you said na gusto mong suklian si RC through writing good quality articles, that's a good idea and really admirable. Keep doing your best and I'm sure it will be paid off 💕

$ 0.00
3 years ago