Nung bata pa ko naaalala ko na hirap talaga kami sa buhay. Hindi ako nabibilhan ng laruan ng nanay ko kasi sa pagkain talaga siya nakatutok. Buti nalang nung panahon ko uso yubg paper doll na mabibili mo lang sa halagang piso..😁😁 Talo pa namin ang may barbie doll noon kasi ibat ibang character ang nauusong paper doll noon,kaya marami kaming pagpipilian and mura lang namin nabibili.
Naaalala ko pa gumagawa kami ng bahay gawa sa karton ng sapatos,mga gamit na gawa rin sa karton o sa papel na makapal.
Masaya na kami dun,😊😊
Pero ngayon iba na nilalaro ng kabataan puro na nalang sila cellphone,panonood ng kung ano2. Ang paggamit ng matagalan sa cellphone o anu mang gadget ay nakakasama sa tao.
Kay sarap balikan ang panahon noon yung tipong kahit simpleng laruan lang masaya kana,natutu kapang makipagkaibigan.
Sino nakapaglaro nito noon??😊
Haha, yan po ba yung mga binibihis bihisan pa na dol.. Alam ko po uan. Tapos bahay bahayan, luto-lutuan, pos kunyari bibili ang pera perahan kundi papel na may drawing ng tao pos kung ilan hahaha, kung wla dahon dahon na pera nlang. Yung mag hahabulan kayo sa kalsada, maglalaro ng tecks, jollens, baril barilan. Yung gagaya gayahin mga palabas na pambata kunyati may powers din at nakakalipad pa ahahaha.. Yung walang sawang pagligo sa dagat kahit sobrang itim na hhahaaha. Nakakamiss lang, sobrang saya nung kabataan natin.. San anranasan din ng mga bata ngayon yan. Sobrang saya talaga :)