" blah blah"
Hello!! ibabahagi ko lang yung usapan namin ng bunso ko hahha yung tipong kahit hindi mo maintindihan yung sinasabj niya pero natutuwa at nagiging proud ka sa kanya.. Isang taon at pitong buwan palang yung bunso ko,at sobrang daldal niya talaga. Kahit hindi mo maintindihan yung sinasabi,magsasalita at magsasalita talaga siya. May ilang salita naman siya na matatas na katulad ng alphabet mama at papa ate tita kaya niya na yun sabihin, pero kapag nanonood or gusto niyang magdaldal sige daldal kahit hindi mo maiintindihan. Nakakaproud lang na ganun yung anak mo eh,at sana hanggang paglaki para hindi mahiyain. Sino po dito katulad ng baby ko? Hindi po ba nakakaproud sila kapag ganun? Na kahit hindi mo maintindihan matutuwa ka at magagalak ka kasi ganun sila hahah..
5 comments
ilang taon na po ba baby nyo ngayon maam?buti naman madaldal ying iba kasing bata tahimik lang.hehe
isang taon at pitong buwan palang po..oo nga eh kaya nga sobrang proud na ko na kahit hindi namin maintindihan eh nageexpress parin siya ng gusto niyang sabihin. Pero marunong na siyang magsalita ng mama,papa, ate tita lolo mga ganun tsaka numbers and alphabet. Pero kapag usapan talaga na may sasabihin siya hehehe pahirapan kami intindihin eh, oo nalang kami ng oo..
ah ok maganda yan maam mabilis development ng memory at skills.nya sa pagsasalita. marunong n ba syang maglakad?
oo sis,napakahusay ng maglakad at tumakbo. at ang galing galing narin umakyat kung san san kaya naku po hindi mo talaga pwedeng basta basta iwan kasi ang kulit sobra.
ang cute naman po niya haha na eexcite na tuloy ako manganak tapos maging ganyan din siya ka kulit.