Dahil araw ng mga patay ngayon,may nais lang akong bigyan ng isang natatanging pagkilala gamit ang site na ito. Siya ay isang taong pinagkakautangan ko ng pagkakataon na makapagaral sa kolehiyo,marahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakatungtong ng kolehiyo. Kaya lubos ang aking pasasalamat at utang na loob sa kanya.
Siya ay walang iba kung hindi ang dati naming Kapitan Zaldy T. Cruz. Kapitan alam ko kung saan ka man naroroon ay masaya kana sa piling ng ating panginoon. Lubos ang aking kalungkutan noong kinuha ka niya agad sa aming mga nangangailangan, wala kang pinapahindian na taong pumupunta sayo kaya mahal ka ng nararami. Ikaw lang ang natatanging Kapitan na nakita ko na hindi naghangad ng pansariling kapakanan.
Ultimo sahod mo bilang Kapitan ay naitutulong muna para lang lahat ng tao na lalapit sayo ay matulungan mo. Nakakahanga kang tao,ngayon kasi yung mga pumalit sayo naku po sobrang yayaman na ngayon.
Noong kinuha ka ng Lord dagsang tao talaga ang hindi magkamayaw na puntahan at makiramay at talaga namang nagbaha ng luha. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang katulad mo,napakabait niyo pong tao. Mga katulad niyo po talaga ang nararapat na umupo sa pwesto para makapagsilbi sa tao. Hindi katulad ng iba,gusto lang umupo dahil sa pansariling pangangailangan,ang kumita at magnakaw sa kaban ng bayan.
Pasensiya na po,alam ko nakikita niyo po ako ngayon na ganito hindi nakatapos ng pagaaral. Sinikap ko naman po talaga makatapos alng alang sa inyo pero hindi po talaga kinaya ng katawan at utak ko na pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho. Yung pumalit po kasi sa inyo na magpapatuloy sana ng schoolar ko sana, eh wala na raw po. Ilang beses niya kung pinabalik balik sa opisina ng barangay noon kaya naman nagsawa na po ako at minabuting magtrabaho na lamang. Kaya humihingi po ako ng paumanhin kung hindi ko po natapos ang sinimulan niyo sakin.
Lubos lubos po ang pasasalamat ko sa inyo Kapitan Zaldy,lagi ko pong iniisip bakit kinuha kayo agad ng Diyos noon. Sa sobrang bait niyo po kasi kaya malamang kailangan niya kayo sa langit para maituwid yung mga matitigas ang ulo roon.
Hindi hindi ko po makakalimutan ang tulong at pagasa na binigay niyo sakin noon. At syempre hinding hindi ko po kayo makakalimutan Kapitan Zaldy Cruz kayo po ang iniidolo kong Kapitan at isang tunay na Public Servant na kailangan ng Bayan.
Saludo po ako sa kabaitan at serbisyong naibigay niyo sa inyong nasasakupan noong panahon na kayo pa ang Kapitan ng Barangay San Rafael Dito sa Rodriguez Rizal. Wala pong papantay sa inyo Magpakailanman.....