Kung mapapansin niyo sa bawat pagdaan ng panahon ay pabata ng pabata ang mga batang maagang namumulat sa isang responsibilidad na kung tutuusin ay hindi pa nila kaya. Mga responsibilidad na,maging sila ay pasanin pa ng mga magulang. Mga responsibilidad na akala nila ay biro lamang,bakit nga ba humahantong ang mga kabataan sa ganitong responsibilidad.
Imbis na lapis,papel ang hawak ay bata ang nagiging hawak,imbis na nakakatapos ng pagaaral ay nahihinto sa pagaaral.
Mga ilang dahilan kung bakit napapaagang mamulat ang mga kabataan sa maka-mundong sitwasyon.
Kulang sa atensyon ng mga magulang.
>Hindi naman kasi lahat ng kabataan ay lumaki o lalaki sa isang mayaman o may kayang pamilya. Kaya kadalasan yung mga magulang na hindi nagagabayan ng mabuti ang mga anak,ay marahil abala sa pagkita ng pera para may maipangtustus sa mga pangangailangan ng pamilya.Kaya may nga kabataan na mas pinipili ang payo ng kabarkada kesa sa magulang dahil mas madalas na nakakasama nila ang kanilang barkada kesa sa mga magulang
Nakakapanood ng malalaswang panoorin.
>Kadalasan ang mga batang maagang nabubuntis ay ito ang dahilan,nakakapanood sila ng mga bagay na hindi naman dapat nila mapanood. At dala ng kapusukan ay naiinganyo silang gayahin ito.
Maagang pagkakaroon ng nobyo o nobya.>
>Aminin natin sa hindi na ang mga kabataan ngayon ay sobrang pupusok na,yung tipong ang bata bata pa pero may mga nobyo at nobya na agad. Na kung tutuusin ay dapat pagaaral muna bago pakikipagrelasyon.
Napa-Barkada
>May mga kabataan na ganito rin,yung mapanggaya sa kaibigan. Maraming ganito sa lugar namin,halos lahat ng kabataan dun samin edad 13 pababa may mga nobyo at nobya na,yung iba may mga anak na. Dahil siguro sa kuryusidad nila kaya ginagaya din nila.
Sa kapaligiran
>Ito ang isang napakalaking dahilan kung bakit maagang nakakapagasawa o nabubuntis ang mga kabataan,kapag kasi lumaki sila sa lugar na magulo,at may mga kabataan na katulad nilang nabubuntis ng maaga. Akala nila tama yun,ang nangyayari nagagaya nila o nagiging ganun na sila lalo na kung ang batang yun ay madaling maimpluwensiyahan ng nasa paligid niya.
Iilan lang yan sa alam ko na nagiging dahilan kung bakit ang kabataan ay napapasok agad sa isang responsibilidad na hindi pa nila dapat pasukin. May napanood akong dokumento paukol dito,nung nainterview yung isang bata kung bakit niya pinasok ang ganung sitawssyon ang sagot niya" laging kasing abala si mama at papa kaya naman nabaling ang atensyon ko sa barkada ko." at yung bata ay lumaki rin sa isang lugar kung saan may mga kaedad niya rin na maagang nabubuntis at nagkakaasawa.
At dahil maagang silang namumulat sa responsibilidad hindi na nila alam ang gagawin,nandiyan yung tigil talaga sa pagaaral at maghanap ng mapagkakakitaan. Pero kung may kaya kaya ang mga magulang swerte ka,pero kung wala need talaga gumayod para sa magiging anak.
Nakakaalarma ang mga ganitong sitwasyon lalo na't sinabi ni Dr. Jose Rizal na ang" Kabataan ay ang pagasa ng Bayan!" ngunit sa nangyayari paano sila magiging pagasa kung sila mismo bilang kabataan ay nagkukulang na ng pagasa dahil sa responsibilidad na hindi pa nila kaya.
Kaya dapat talaga ang mga kabataan ay natuturuan ng husto tungkol sa mga ganitong usapin, especially ang mga babaeng kabataan. Na huwag basta basta ibibigay ang" Perlas ng Silanganan nila". 🤣🤣Ganyan ang laging payo sakin noon ng aking nanay kaya naman ako ay nung kolehiyo lamang nagkaroon ng kasintahan at sa edad na 24 ako unang nagkaanak.
Kaya para maiwasan ang pagiging nanay agad ni Nene at Tatay ni Toto dapat magsimula ito sa kanilang tahanan. Ako bilang isang ina na ngayon masugid kung sinasabihan ang aking anak na babae kahit na 6 anim na taon pa lamang ito. Lagi kung sinasabi sa kanya na huwag na huwag ipapahawak kung kani kanino ang kanyang perlas,at kung may humawak man nito ay agaran sabihin sakin.
Hindi masamang turuan ang anak sa nga ganung bagay,ang masama ay sa iba nila matutunan ang mga ito. Ang pagaaral naman talaga ay nagsisimula sa loob ng bahay,kaya naman kung ayaw niyo na maging maagang mga magulang ang inyong mga anak bilang magulang ay kayo na mismo ang gumawa ng paraan.
Para ang katagang binitiwan ni Dr . Jose Rizal ay maging makatwiran,na ang mga Kabataan nga ang pagaasa ng ating Bayan.
Nakakalungkot mang isipin pero ganito na talaga ang nangyayari sa mga kabataan sa henerasyon ngayon. Kung sana'y maaga silang napangaralan at may sapat na dunong, hindi nila papangarapin na mabuntis ng maaga. Ang pagiging ina ay hindi basta bast, pag wala kang sapat na kaalaman at hindi handa, may posibilidad na ang anak niya'y mapapariwara.