"My Mother 65'th Birthday"

2 10
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Una sa lahat nagpapasalamat ako sa panginoon sa araw na ito dahil lagi niyang dinidinig ang dasal ko na lagi kayong pangangalagaan at ilalayo sa lahat ng klase ng kapahamakan at karamdaman. Alam ko na sa edad na yan,dapat ay nagrerelax relax nalang kayo za bahay. Pero hindi niyo magawa dahil wala kayong mga anak na maasahan na magsusustento sa inyo sa ngayon. Lahat kasi kami ay saktuhan lang ang pera para sa sarili naming mga pamilya. Ganun pa man kahit nagkukulang kami bilang mga anak niyo,nandiyan parin kayo para suportahan ang iba kung kapatid na naligaw ng landas,(iniwan ng asawa) kayo na ang kanilang sinasandalan maging ang mga apo niyo dito. Kaya naman saludo po ako sa inyo,hindi lang sayo aking mahal na ina kung hindi pati rin kay tatay pero dahil araw mo ito ikaw ang bida sa aking artikulo.

Maraming maraming salamat nanay kasi kahit may mga asawa na kami nandiyan kapa rin,kapag kinakapos ako binibigyan mo ko kahit hindi ako humihingi naging sa mga kapatid ko ay ganun ka rin. Kaya super bless kami at ikaw ang naging nanay namin,may kaingayan ka nga lang dati at mabunganga pero now nauunawaan ko na bakit ka nagiging ganun dahil isa narin akong ina.

Sana sa araw na ito ay naging masaya ka sa simpleng handa na ginawa ng mga kapatid ko. Syempre wala nanaman ako sa eksina kasi nga may covid pa at natatakot din akong maglalabas,takot hindi para sakin kung hindi para sa mga anak ko. Kaya patawarin mo ko kung wala ako sa eksina ngayon,dama ko naman na nagtatampo ka sakin.

Sabi mo nga may kulang dahil wala ako diyan,pero ganun pa man babawi ako sayo pangako yan. Yung matagal mo ng gusto na magkaroon ka,unti unti kong pagiipunan para magkaroon ka. Alam ko na hindi ako perpektong anak dahil kapos pa ko sa finacial at wala pa talagang say kaya ipon ipon lang muna ang peg.

Hindi ko kasi kaya yung agad agad eh,hehehe patawad kasi ako yung naging anak mo sana naging mayaman nalang ako,kasi kung naging mayaman ako aba magiging donia at donio kayo ni tatay..😁😁Mahal na Mahal ko kayong dalawa ni tatay,kayo yung inspirasyon ko kung bakit ako nagpapakatatag sa buhay may asawa.

Kayo yung role model ko,kasi sa kabila ng pito kaming magkakapatid ni isa sa amin wala kayong sinukuan. Wala kayong pinaampon kahit na may gustong umampon sakin nun hindi niyo parin ginawa. Ika niyo nga bakit namin kayo papaampon kaya naman namin kayong buhayin.

Mga panahon na maraming nangungutya sa inyo dahil pareho kayong hindi nakatapos ng pagaaral,pero pinilit niyo talagang buhayin ang inyong pitong mga anak kahit mahirap ang buhay. Saludo po ako sa inyong dalawa,at sobrang mahal na mahal ko kayo.

Muli happy birthday mudra alam kong hindi niyo ito mababasa pero ganun pa man alam niyo rin naman kung gaano ko kayo kamahal😘Wait niyo lang po gift ko kapag nakaipon na ko promise sususrprise ko rin kayo kagaya ng ginawa ko kay pudra.

3
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments

Yes naman, belated Happy Birthday to your mother sis, sarap ng handa 🤩❤️

$ 0.00
3 years ago

thanks sis..sayang nga hindi ako nakapunta hirap din kasi maggagala pa..hindi pa ligtas.

$ 0.00
3 years ago